Share

Kabanata Treinta y dos

SA MAY KAKAHUYAN ay tinungo nila Scarlette ang lugar kung sa'n sinasabing natagpuan ang patay na katawan ng isang lalake. At kahit paakyat ang daang tinatahak ay hindi niya iyon alintana, makita lang sa malapitan ang sinasabing bangkay ni Andrew.

May ilang sibilyan ang nais makiisyoso sa nangyayari na pinapauwi ng ilang pulis na nakaharang.

Pinapasok naman sila agad matapos magpakilala. Nakaalalay sa magkabilang bahagi ni Scarlette ang dalawa dahil malubak at matalahib ang daan.

Napalingon ang kasamahan nilang pulis. “O, anong ginagawa niyo rito?”

Ito ang kausap kanina ni Scarlette na nagsabing magtutungo sa kabilang bayan.

“Anong sabi? Si Andrew ba talaga ang bangkay?” balik tanong niya.

“Inaalam pa ng SOCO. Masiyadong wasak ang pagmumukha kaya baka matagalan ang pagkumpirma. Siya ba ‘yung na-encounter niyo?”

Tumango si Scarlette pero ang tingin ay nasa nakataob na katawan ‘di umano ni Andrew. Nakapaling ang mukha sa kabilang direksyon pero makikitang dumanas ito nang paghihira
Zxoul49

🥲 Pasensya na sa usad pagong na update.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status