Share

Kabanata Treinta y tres

PIGIL ANG HININGANG naghintay si Luna.

Pero wala siyang naramdaman.

Ang inaasahan niyang halik ay hindi nangyari.

Pagmulat ng mata'y malayo na ang mukha ni Marcus.

Napahiya siya sa pag-iisip na hahalikan siya nito!

Matalim siyang tumingin at marahang tinulak upang itago ang hiyang nararamdaman. Pero kalaunan ay nawala rin agad ang inis nang mapansin ang pamumula ng tenga nito.

Nakaiwas ang mga mata at hindi siya matingnan nang diretso.

Tumikhim pa ito at bahagyang lumikot ang mga mata na nagbigay tuwa sa kanya. Ibig sabihin ay apektado ito. May epekto siya kay Marcus!

“G-gusto ko lang sanang tanungin kung pwede ba akong sumama?” napahagod pa sa batok si Marcus nang tanungin ‘yun.

Kumibot ang labi ni Luna sa pagpipigil na mangiti. “Bakit?” pero trinaydor siya ng sariling nararamdaman at tuluyan na ngang napangiti.

“Day off ako ng ilang araw at wala naman akong ibang gagawin kaya...” Natigil si Marcus nang makita ang matamis nitong ngiti.

Hindi napalis ang ngiti niya nang tumango. “Of c
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status