Share

Kabanata Veintitrés

IKAHULING ARAW na ng pamilyang Fajardo sa Monteclaro Hotel. At matapos mag-agahan ay naghanda na ang lahat sa pag-alis.

Samantalang hindi naman makakasama si Marcus sa kadahilanang kailangan niyang umuwi upang personal na makausap ang Ama tungkol kay Hipolito Bautista.

Kahit na nagkausap na sila kanina sa telepono at nasabi na nga ni Maximo na patay na ito.

“Hindi ka makakasama?” ani Liliane.

Magpapaalam siya sa mag-asawa na uuwi muna pansamantla sa kanila.

"Uuwi ka ba sa inyo?” kuryusong tanong ni Fausto.

“Opo, tumawag si Papa at gusto niya ‘kong bumalik saglit.”

Nagkatinginan ang mag-asawa sa isa’t isa at saka nangiti. “Ikamusta mo kami kay General at sa Lolo mo,” ani Fausto.

Tumango si Marcus matapos na sumagi sa isip ang ginawa ng Ama. Nagpahiram ito ng malaking pera para sa kompanya ni Fausto.

Sa laki ng halagang nilabas ng Ama ay napapaisip si Marcus kung maibabalik pa ba sa kanila ang hiniram na pera?

Mahanap lang talaga niya si Dahlia ay sisiguruhin niyang maibabalik ang pera
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status