Halos pagod na pagod si Davina nang matapos ang araw na iyun. Masyado ng gulong-gulo ang isipan niya. Hindi niya mahulaan ang buong pagkatao ni Caspian. Number one siya sa mga nangyayaring krimen pero bakit siya itong nagbubulgar ng mga maling gawain ng mga nasa gobyerno?Pinapaikot-ikot ni Davina ang hawak hawak niyang ballpen sa mga daliri niya. Iniisip kung anong mga posibleng dahilan ng ginagawa ni Caspian pero napatigil na lang siya sa paglalaro niya sa ballpen nang maalala niyang katulad din ni Caspian si Henry.Si Henry ang sindikatong pinoprotektahan ni Senator Oscar. Paano kung ginawa lang ito ni Caspian dahil sila sila lang din naman na mga nasa mafia world ang naglalaban-laban para maipakita kung kaninong grupo ang pinakamalakas at dapat igalang?Halos bumagsak ang balikat ni Davina sa naisip niyang iyun.“Paano kung iyun nga ang dahilan niya? Paano kung balak niya nang patumbahin o takutin ang mga nakabababa sa kaniyang mga organisasyon para manatili siya sa kung anong ran
Naupo si Davina sa isang bench, ang nasabi kasi sa kaniya ni Caspian ay sa parteng likod ng park sila magkikita. Patingin-tingin siya sa paligid niya dahil baka nandiyan na si Caspian pero hindi nila nakikita ang isa’t isa.Habang naghihintay siya ay pinapanuod niya na lang ang ibang mga taong hindi kalayuan sa kaniya. Pauwi na ang iba habang ang iba naman ay palakad-lakad lang habang kausap ang mga partner nila.Napayakap na lang si Davina sa sarili niya nang biglang lumamig ang hangin. Kung alam lang sana niyang male-late si Caspian ay binalikan niya na lang sana ang jacket niya. Medyo may kanipisan pa naman ang suot-suot niyang damit.Tinext niya ang number ni Caspian para tanungin ito kung nasaan na siya. Ilang minuto siyang naghintay ng reply nito pero wala siyang nareceive kaya inisip niya na lang na baka nasa byahe na ito.Matiyaga niyang hinintay si Caspian kahit na nanginginig na siya sa lamig dahil habang palalim ang gabi ay lumalamig na rin. Kalahating oras na ang lumipas p
Napapahilot na lang si Davina sa noo niya dahil ramdam niya ang pagkahilo niya. Kumain naman siya ng umagahan pero pakiramdam niya ay nahihilo siya. Humugot siya ng malalim na buntong hininga at inayos ang sarili dahil baka nahihilo lang siya dahil sa puyat.Hindi siya pwedeng magkaganito habang nasa trabaho dahil isang mahalagang tao sa bansa ang binabantayan nila. May press conference ito ngayon kaya nakabantay lang sila sa paligid.Napaduwal na lang si Davina nang may maamoy siyang kakaiba sa pang-amoy niya. Nilingon siya ni Jillian.“Are you okay?” tanong niya sa kaibigan. Marami pa namang tao sa paligid nila kaya pinipigilan ni Davina ang pagkakaduwal niya. Iba na talaga ang hilo niya, pakiramdam niya ay nabonogan na siya kung sino man ang nasa loob ng kwarto.“Sa cr lang muna ako.” saad niya kay Jillian na ikinatango na lang ni Jillian, sinundan niya ng tingin ang kaibigan, nagtataka sa ikinikilos nito. Maging si Kenzo na nasa kabilang side ay napatingin sa pag-alis ni Davina sa
Salubong lang ang mga kilay ni Caspian na nakatingin kay Davina, nagdadalawang isip siya kung hihilain niya ba ito palabas ng hotel pero hindi niya naman pwedeng iwan ang babaeng kasama niya ngayon. Inis na ginulo ni Caspian ang buhok niya. Hindi niya inaasahan na makita si Davina rito.“Davina, it’s not what you think.” Seryoso niyang wika pero tipid lang na ngumiti si Davina. Pakiramdam ni Davina ay unti-unting pinipiga ang puso niya. Ayaw niya na lang marinig kahit na ano mula kay Caspian dahil sapat na kung anong nakita niya ngayong gabi.Humugot siya ng malalim na buntong hininga saka muling pinalis ang mga luha niyang hindi na yata tumutigil sa pagtulo.“It’s fine, you don’t need to explain.” Tatango-tango pa niyang aniya at bahagyang tumawa. Napalunok na lang si Caspian at naikuyom ang mga kamao niya. Blangko lang ang mukha niyang nakatingin kay Davina na para ng baliw dahil umiiyak siya pero tumatawa.“Babe, let’s go, sino ba yan? Alam mo namang aalis na rin ako mamaya eh.” Ma
Lumipas pa ang mga araw at sinubukang ituon ni Davina ang atensyon niya sa trabaho niya. Nagtataka ang mga kasama niya kung anong nangyari, naging blangko at seryoso ang mukha ni Davina. Masyado ring malamig ang tinig niya.Masaya sila dahil pakiramdam nila ay bumalik na ang tunay na Davina na nakasama nila pero masyado silang nagbabago. Masyado siyang tahimik nitong mga nakaraang linggo pero ngayon sobrang seryoso niya na at halos bilang na lang ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.“Naninibago ako, kapag kinakausap natin siya parang pinakamahaba na sa kaniya ang sampung salita na lalabas sa bibig niya.” nagtatakang saad ni Rose habang nakatingin sila kay Davina na seryoso lang ang mukha niyang nakikipag-usap sa ama niya.“Do you know what happened Jill? Mas malapit ka sa kaniya.” sabat na rin ni Mateo pero katulad nila ay walang alam si Jillian.“I don’t know too what happened baka nagpapakaprofessional lang siya sa trabaho natin, yun naman kasi ang dapat. Kapag oras ng trabaho
Nilihim ni Davina ang pagbubuntis niya, alam niya namang hindi rin magtatagal ay mahahalata ang tiyan niya pero mukha namang maliit ang tiyan niya kaya pwede pa niya itong itago hanggang 5 months. Gusto niya munang gawin ang trabaho niya, ayaw niyang umamin sa ama dahil alam niyang ikukulong lang siya nito sa bahay nila or worst baka ipaabort pa nito ang bata which is ayaw mangyari ni Davina.Diretso ang tayo niya habang nagbabantay siya sa labas ng office ng presidente. Mabuti na lamang at tuwing umaga lang siya nakakaramdam ng hilo at pagkasuka huwag lang talaga siyang makakaamoy ng ayaw niya.Napatakip na lang siya sa bibig niya nang humikab siya. Hindi niya talaga mapipigilan ang antok niya lalo na sa kalagayan niya.“Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi? Para kang puyat na puyat.” Wika sa kaniya ni Jillian na katabi niya lang.“Nakakaantok lang talaga ang ganitong oras.” Tugon ni Davina pero tinaasan siya ng kilay ni Jillian.“Sa pagkakaalam ko, hindi ka antukin Davina. Halos a
“What do you think you are doing?” salubong pa rin ang mga kilay ni Davina, iniwas niya ang paningin kay Kenzo. Alam ni Kenzo kung anong nangyari nitong mga nakalipas na linggo kay Davina pero hindi niya maintindihan kung bakit gusto siya nitong tulungan gayong dapat siya ang nagpipigil kay Davina na huwag puntahan si Caspian.Tipid lang namang ngumiti si Kenzo.“Dahil alam ko ang pakiramdam na yan, nakakabaliw Davina. Remember when you left me in the church? Nung nalaman kong ikinasal ka ng araw na dapat ay ikakasal din tayo. Ang dami kong tanong sa isip ko.”“Pero wala kang masyadong tinanong sa’kin para masagot ko ang lahat ng mga gumugulo sa isipan mo.” tugon naman ni Davina, tipid na ngumiti si Kenzo.“Dahil wala naman akong puwang sa puso mo Davina. Ako lang ang nagmamahal sa ating dalawa pero ikaw at si Caspian, you both love each other kaya mas mabuti sigurong mag-usap kayong dalawa para malinawan kayong pareho lalo ka na.” umiling naman si Davina, hindi niya alam kung kaya ba
Nanlaki na rin ang mga mata ni Davina dahil hindi niya inaasahan na gagawin ito sa kaniya ng Presidente.“Relax lang po kayo Mr. President, huwag kayong magpadalo-dalos sa mga desisyon niyo.” Wika ni Davina pero mas idiniin ng Presidente ang nguso ng baril sa sintido ni Davina.“Huwag kang maingay, manahimik ka dahil wala kang alam.” May diing wika ng Presidente.Nakatingin naman ang nakaitim na lalaki kay Davina habang salubong ang mga kilay niya.Hindi pwedeng magpadalos-dalos si Davina sa kilos niya dahil may bata sa sinapupunan niya. Kailangan niyang limitahan ang kilos niya kung ayaw niyang sa hospital na ang gising niya. Napalunok na lang siya at tinitingnan ang lalaking nasa harapan nila.“Huwag mong susubukang lumapit dahil papatayin ko ang babaeng ito.” pagbabanta ng Presidente.“Davina,” mahinang wika ni Caspian, ang lalaking nasa likod ng mask. Napahigpit na lang ang hawak niya sa baril niya dahil natatakot siyang may mangyari kay Davina. Isang maling galaw niya lang maaari