Share

Chapter 25- Toga Picture

DUMATING ANG araw ng graduation pictorial nila, bilang isa na rin sa mga requirements para sa kanilang graduation, ang toga picture. Dahil doon ay bumisita sa kanilang munting bahay si Czarina. At dahil first time nitong makapunta sa bahay nila ay hindi niya maiwasang makaramdam ng hiya.

"Pagpasensyahan mo na ang bahay namin, Cza, hah?"

"Ano ka ba, ayos lang. At saka, wala naman sa laki o liit ng bahay 'yan, e. Ang importante ay panatilihing maayos at malinis ang bahay katulad nito," may pagpuri pang sabi nito.

"Ikaw talaga, palagi mo na lang pinapagaan ang loob ko. Pero salamat, Cza sa pagpunta, hah? Alam mo, kahit maliit lang ang bahay namin, marami na ring nakapasok dito at masasabi kong palaging pinupuri ang bahay namin dahil sa kalinisan, si nanay kasi ay ayaw talaga no'n ng madumi, ultimo kanin sa sahig noon, pinapagalitan niya kami kapag nagkalat," masayang pagbabahagi pa niya.

At doon nama'y nagawang sumingit ng kaniyang ina sa kanilang usapan. "Anak, kumain na muna kayo ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status