Share

Chapter 26- Misunderstanding

"Uy, bakla! Nandiyan na 'yung sundo mo!" kinikilig na wika pa ni Julianna.

Bale nag-half day lang siya ngayon dahil na rin sa schedule niya kanina sa school para sa graduation pictorial. Kung tutuusin ay part time job niya lang naman ito dati, pero simula nang umalis siya sa pagbabanda at nag-sembreak ay nakiusap siya sa manager na kung p'wedeng i-full time job na lang ito.

Natanaw niya naman si Fifth na naghihintay lamang sa may bandang sulok. At sandali pang nagtama ang kanilang mga mata. Nakita niya kung paano ito ngumiti habang kumakaway sa kaniya. Kaya naman hindi niya na namalayan ang sinasabi ng customer sa kaniyang harapan.

"Miss? Ang sabi ko, pahinging tubig."

"Ah-- sorry po," paghingi niya ng pasensya. Saka naman siya dali-daling kumuha ng tubig para sa customer. At pagkatapos niyang maibigay iyon ay nagpasalamat naman ito.

Sakto naman at pa-out na rin siya kung kaya't iyon na ang huling customer na in-assist niya. Saka naman din pumasok ang mga empleyadong pang-night s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status