Share

Chapter 29- Fifth's Special Day

'CAUSE this is the first time that he will going to celebrate his birthday with Rosette, ay pinaghandaan din naman ni Rosette ang mahalagang araw na ito para sa kaniya. Pareho silang nagpa-rest day sa trabaho kung kaya't tuloy na tuloy na ang kaniyang planong ipakilala ito sa kaniyang magulang.

"Mag-iingat kayo sa biyahe, hah? Fifth, ingatan mo ang anak ko," pagpapaalala pa ni Aleng Rosalinda sa kaniya.

"Yes po, tita. Iingatan at aalagaan ko po ang anak n'yo," aniya na nagpakorte naman nang pagngiti kay Rosette. Marahil ay pasimple itong kinilig sa sinabi niya.

Maaga silang umalis dahil nais niyang doon sila mananghalian sa bahay ng kaniyang magulang. At habang nasa biyahe sila ay hindi niya naiwasang tanungin ang nobya. "Teka, how did you know my birthday kung never ko pa naman itong nabanggit sa'yo no'n?"

"Ah.. dahil kay Eunice. Natatandaan mo 'yung araw na nagkita kami? Doon ko nalaman sa kaniya na magbi-birthday ka na pala." Tipid pa itong natawa. "Alam mo, kahit nauwi sa away ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status