Share

Chapter 35- Pag-amin

NAUWI SA matinding pag-aalala ang pagtatampo kay Rosette ni Czarina. Sinubukan niya pa itong suyuin sa tawag subalit sadyang ayaw naman nitong sagutin.

"Hayaan mo na lang muna siya, bakla, naniniwala akong mauunawaan ka rin niya," wika ni Julianna na ngayo'y ramdam na ramdam niya ang pag-comfort sa kaniya.

Kapagkuwa'y pareho na silang bumalik sa trabaho at kahit may dalang alalahanin ay nagawa niya pa ring makapag-focus sa trabaho. Lately she did realized the remaining time of their duty. At kung hindi pa niya natanaw si Fifth na kumakaway sa kaniya ay hindi pa niya maaalintana na malapit na ang uwian.

"Ikaw na ang may sundo!" panunukso pa ni Mikaela habang pasimple nitong kinurot ang tagiliran niya.

Saka naman siya pasimpleng binulungan ni Julianna, "'Wag mo na muna isipin 'yon, hah? Baka ma-stress ka lang lalo. Ang importante ngayon ay may sundo ka."

"Susubukan ko, Juls. Hindi lang kasi talaga ako sanay na may misunderstanding kami ni Czarina, e." Sandali pa siyang tinapik nito s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status