Share

Chapter 10.1

[10.1]

Kinabukasan ay tinanghali na naman ako ng gising. Mahimbing talaga siguro ang tulog ko ngayon o sadyang normal lang talaga ang ganito, dahil gabi ang pasok rito sa kanila. For vampire, I guess. And I am not. But I think I'll going use to it when time comes.

Ginawa ko na ang nakasanayan kong ritwal tuwing umaga. Nang matapos ako ay hindi na rin ako nagtagal sa loob ng aking silid at lumabas na.

Pumunta ako sa sala at napansing walang kaingay-ingay na maririnig sa loob ng bahay. Tanging huni ng ibon, hangin at kung ano-ano pa ang tanging ingay lang na maririnig. Ngunit ang ingay nina Myra at Ash ay hindi ko man lang narinig.

Pumasok ako sa kusina sa pagbabaka-sakaling naroon lamang sila at tahimik sa kung anoman ang kanilang ginagawa. Pero nasa may pinto pa lang ako ay batid ko ng nagkamali ako dahil wala akong nadatnan roon.

Alas dos na ng hapon kaya nagdesisyon na lamang ako na magluto ng pagkain dahil wala akong nahanap na niluto.<

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status