[11.2]
Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga lang kami ng ilang minuto sa sala at nagkwentuhan tungkol sa unang gabi ko sa unibersidad at kung kumusta ang mga klase na pinasukan ko.
“Ganoon ba talaga do'n? Grabe! Para akong hihimatayin dahil sa mga tingin nila! Halos lahat sila na madadaanan ko ay literal na nakatingin sa'kin! Hindi ko alam kung makakatagal ba ako do’n dahil sa kanila!” Pagkukwento ko.
“Masasanay ka rin.” Iyon lang ang sinabi nilang dalawa sa rami ng sinabi ko bago kami naghanda sa pagpasok.
Ako ang naunang natapos na magbihis kaya bumaba na ako sa sala. Nagulat pa ako ng madatnan na naroon na si Bryan at prenteng nakaupo at nakadikwatro pa, na tila ay nasa sariling pamamahay niya lang siya.
Hindi ba uso ang kumatok dito sa kanila? O magpaalam man lang na papasok sa ibang bahay?
“Oh! Andito ka pala?” Gulat kong saad.
Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti. “Ay hindi, Nath. Picture ko lang ‘to, oo,” sarkasti
Hello to y'all! Let me know your thoughts. Thank you so much!
[12.1]Agad akong dinaluhan ni Jason at hinagod ang likod ko.Inabot niya sa akin ang isang plastic cup na saglit kong tinignan ang laman kung ano iyon. Baka kasi mamaya….“Juice.” Mukhang nabasa ni Jason kung ano ang iniisip ko.Tumigil na ako sa pagsuka at kinalma saglit ang sarili. Mukhang nabigla yata ako sa nakita.Hindi ko kinuha ang plastic cup na may juice. “Gusto ko ng tubig.” Bakit kasi juice ang ibibigay niya eh sumusuka na nga iyong tao eh.Nataranga pa siya dahil sa sinabi ko ngunit ay inabot din naman ang hinahanap ko. Nagmumumog muna ako. At nang makuntento na ay bago ako uminom. Halos maubos ko ang bote ng mineral water na ibinigay niya.May mineral water din pala dito sa kanila?“May nararamdaman ka ba?” Nag-aalala n’yang tanong“Kanino? Sa iyo?” Pagbibiro ko at saka nagmumumog ulit gamit ang natirang tubig.“H-ha?!”
[12.2]Naalala ko pa no'ng una niya akong akbayan. Nailang pa ako no'n pero nasanay din. Wala din namang malisya eh. Masasanay yata talaga ako sa akbay ni Jason. Ang hilig umakbay.Hayaan na, ganyan talaga siguro siya. Kaya ang madali siyang makasundo dahil sa pagiging mabait niya at magaling siyang makisama.Nagpatianod ako sa akbay niya. Pinagtitinginan nga kami ng mga nadadaanan namin kaya medyo yumuyuko ako dahil sa hiya. Samantalang ang kasama ko ay pa-chill-chill lang at tila hindi napapansin na pinagtitinginan kami ng mga kapwa estudyante.Ang manhid mo po.Hinawakan ko ang kamay ni Jason na nakaakbay sa akin at akmang tatanggalin nang magsalita siya.“Bakit?” Naguguluhan niyang tanong na ngayon ay nakatingin na sa akin.“Uh… masyado kasi tayong nakakakuha ng atensyon,” saad ko at sumulyap sa mga nakatingin ng estudyante habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.“And?”
[13.1]“Can we be friends?”She even extended her arm to me, asking for a hand shake.But I just looked at her arm that was asking for a hand shake with me. At parang napansin niyang wala akong balak na makipag-hand shake sa kanya kaya dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay niyang nakalahad.Ngunit hindi naglaho ang ngiti niya, sa halip ay bahagya pang natawa.Uh… okay? What was that?Okay Thalia, ito na iyong gusto mo na magkaroon ng kaibigan. Ngayon may lumapit na mismo sa'yo para makipagkaibigan, tapos ganyan ka? Ni hindi mo man lang pinaunlakan ang kamay niyang nilahad niya?“I guess I made you two….shocked a little,” she said and chuckled.Ang ganda niya. Iyan ang masasabi ko.“Oh, sorry.” I apologized for my action lately.“No worries,” tanging sabi lang nito. Humarap siya kay Jason na ngayon ay hindi pa rin nagsasalita at nakatingin lang s
[13.2]Nagising ako kinabukasan nang may kumatok kaya bumangon ako. Bahagya pa akong humikab habang binubuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Myra na may hawak na suklay ang isang kamay, mukhang kakatapos lang niyang maligo dahil basa ang buhok nito.“Good aftie,” nakangiting bati niya.Nagtaka pa ako noong una kaya tumingin ako sa orasan at nakitang hapon na nga. Bumalik ang tingin ko kay Myra at sinuklian ko siya ng isang tipid na ngiti.“Aftie,” tipid kong saad.“Mag-ayos ka na.” Iyon lang ang sinabi niya bago umalis kaya iyon ang ginawa ko. Naligo na rin ako dahil ilang oras na lang ay papasok na naman.I did my usual morning—or should I say…. Afternoon rituals? When I finally finished, I went downstairs.Wala sa sala ang dalawang babae kaya batid kong nasa kusina ang mga ito at hindi naman ako nagkamali.“Buti naman at nahuli kang nagising sa amin.” Tinaasan ko s
[14.1]Sunod-sunod na natapos ang klase para sa gabing iyon. Kaya naman nang pumatak ang break ay agad akong inaya ni Nykee na lumabas ng silid at tumambay sa labas.Hanggang ngayon ay nawiwindang pa rin ako sa mga topic ng bawat klase. Wala akong alam sa mga topic nila. It’s all about vampire thing. Hindi ako maka-relate, susko po! Hindi ko alam kung makakayanan ko bang makatagal pa sa lugar na ‘to.Naupo kami sa semento na nagsisilbing upuan dito sa ilalim ng isang puno, sa labas na katapat lamang ng aming silid.“Maiwan muna kita ah?” Biglang sabi niya.Nagtaka naman ako dahil do’n. “Teka, bakit?”Tumayo sya. “Bibili lang ng pagkain na‘tin,” aniya.“Te—” Wala akong nagawa nang tumakbo na siya palayo at naiwan ako roon na mag-isa. Siguraduhin lang niya na bibili lang siya tapos babalik na dito.Sa pag-iisa ko roon ay bigla kong naalala si Jaso
[14.2] Nagsimula ang klase at ang tanging ginawa ko lang ay makinig at minsan ay pasimpleng nagdadrawing sa papel kapag na-bore. Kulang na nga lang ay dalawin ako ng antok dahil naiinip na ako. “Every vampire requires to drink blood directly from their mate because it helps them to regain their energy….” I don't know why but that sentence made my mind fly somewhere. The teacher continues to discuss the lesson while me in my seat, trying hard to stop myself from falling into sleep. Dinadalaw talaga ako ng antok minsan kapag nasa klase ako. Dahil na rin siguro hindi ako nakikinig sa klase at hindi ako maka-relate sa discussion. Sunod-sunod ang klase para sa gabi na iyon, at katulad ng naunang klase ay pinipigilan ko pa rin ang sarili sa antok na dumadalaw sa akin habang may klase. Nang sa wakas ay natapos na rin ang klase para sa gabi na iyon ay medyo nakahinga ako ng maluwag. At dahil nga mahaba pa ang oras bago ang uwian ay inaya na na
[15.1]Katahimikan ang sunod na bumalot sa pagitan naming dalawa ni Nykee. Ngunit bigla namang may pumasok na tanong sa isip ko. Ngayon, sa kanya ko itatanong ito.“Nyk....”“Hmm?”Wala ng atrasan ito. “Paano ka nga ba napunta sa mundo na ‘to?” Ilang beses nang tinanong sa akin ‘tong tanong na ‘to, ngunit dahil hindi ko alam ang sagot. Kaya si Nykee na muna ang tatanungin ko.“Paano?” Huminga ka muna siya ng malalim bago nagsalita. “Bata pa lang ako ay namatay na ang tatay ko.” Batid ko ang lungkot sa boses niya nang sabihin iyon, kaya bahagya kong tinapik ang balikat niya.“I'm sorry.”Tumingin siya sa akin nang sabihin ko iyon. “It’s okay,” wika niya at saka ngumiti ng maliit. Binalik niya ang tingin sa harapan bago nagpatuloy. “Namatay siya due of cancer. Iyong nanay ko naman ay nagkaroon ng sakit noong nineteen years o
[15.2]Ayaw kong ipilit ang paksa na ayaw niyang pag-usapan kaya naman ay inilihis ko ito. “Nagkaroon ka ba ng plano nang maka-adjust ka na?” Naalala ko ang plano na dapat gagawin ko pagkatapos kong mapuntahan ang ilang lugar dito.Tumingin siya sa akin nang nagtataka. “Plano? Anong klaseng plano?”“Plano,” tumingin rin ako sa kanya. “Planong makaalis dito.”Tipid siyang ngumiti. “Sinubukan ko.”Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. “Sinubukan?”Tumango siya, “oo.” Bumaba ang tingin niya sa kanyang damit. “Sinubukan ko pero pinigilan ako ng ‘kaibigan' ko.” Hindi ko alam kung bakit parang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa sinasabi niyang ‘kaibigan’. Dahil ilang beses na niyang binanggit ang ‘kaibigan’ niya ngunit hindi niya ito binabanggit sa pangalan nito. Sigurado naman ako na may dahilan siya kaya hahayaan ko na