Share

Chapter 15.2

[15.2]

Ayaw kong ipilit ang paksa na ayaw niyang pag-usapan kaya naman ay inilihis ko ito. “Nagkaroon ka ba ng plano nang maka-adjust ka na?” Naalala ko ang plano na dapat gagawin ko pagkatapos kong mapuntahan ang ilang lugar dito.

Tumingin siya sa akin nang nagtataka. “Plano? Anong klaseng plano?”

“Plano,” tumingin rin ako sa kanya. “Planong makaalis dito.”

Tipid siyang ngumiti. “Sinubukan ko.”

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. “Sinubukan?”

Tumango siya, “oo.” Bumaba ang tingin niya sa kanyang damit. “Sinubukan ko pero pinigilan ako ng ‘kaibigan' ko.” Hindi ko alam kung bakit parang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa sinasabi niyang ‘kaibigan’. Dahil ilang beses na niyang binanggit ang ‘kaibigan’ niya ngunit hindi niya ito binabanggit sa pangalan nito. Sigurado naman ako na may dahilan siya kaya hahayaan ko na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status