Share

Chapter 18.2

[18.2]

Wala sa sarili na lamang akong napailing dahil masyado akong maraming napapansin. Hindi ko na masyadong pinasakit ang ulo ko kakaisip ng kung ano-ano dahil lang sa isang salita na ‘yon na hindi ko na dapat pinagtutuonan iyon ng pansin dahil mas marami pa akong kailangang problemahin at dapat asikasuhin. Katulad ni Ash na hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi. Malalagot talaga s’ya sa ‘kin, babawi ako ngayon sa kanya. Pinagalitan niya ako last time dahil gumala ako nang hindi man lang nagpaalam, ngayon ay siya naman. Hmp!

Saan na ba kasi ang bruhang ‘yon?

“What’s up, people?!” Mula rito sa kusina ay dinid na dinid ko ang boses ni Ash na mukhang iba yata ang mood niya ngayon.

Ayon sa boses niya ay mukhang masaya ang bruha.

Inilapag ko ang mansanas na hawak at tinungo ang sala, naabutan ko si Ash na nakaupo na at nakikipagtawanan sa dalawa. Tumaas ang kilay ko sa kanya kahit

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status