[8.2]
Gusto ko sanang sabihing lumabas kami ng bakuran ni Myra at ipasyal nila ako sa lugar dahil alam kong napuntahan na ni Ash at nalibot na niya ang lugar. Ako na lang ang hindi kaya gusto kong maglibot. Gusto kong makita kung ano ba o kung mayroon bang pinagkaiba ang lugar na ito sa mundong pinanggalingan ko. But I know they wouldn't allow me to. They didn't want to pressure me because I am adjusting myself in their place. In this place.
Bryan snapped his fingers right in front of my face while my mind was still wondering, it made me stop and wake up to get back to reality. I looked at him and at the two girls at his back with a worried looked at their faces while they were looking at me.
I smiled a bit to assured that I was fine. Gumalaw ako mula sa aking kinatatayuan. Ngayon ko lang napansing hindi pala ako gumagalaw at tila napako ako sa aking kinatatayuan. Bumuntong hininga ako bago nagdesisyong sumunod na sa kanila.
Here I go again. Thin
[9.1]Again, my mind is filling up again with so many questions like, who is he? What is he up to? Why are they keep on staring at me like that? Like they want to kill me. Did they know me? Who are they? And why did he save me?Magpasalamat ka na lang kaya, Thalia ano? Kung hindi ka niya iniligtas ay malamang sa malamang may bukol ka na sa noo mo! But instead of just be thankful that he save me from that ball, my mind was too occupied with questions like, why did he save me?I sighed heavily and decided to not stress my self thinking so many questions with that simple interaction with that guy. I close my eyes and sighed again for one last time. Tamang-tama naman ng pumunta si Bryan sa sala galing sa kusina. Akala ko ay tatabihan niya ako sa sofa ngunit nanatili siyang nakatayo sa may pintuan habang ipinasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon.“You ‘kay?” He asked as I look at him and saw at his
[9.2]At dahil medyo naboboring ako kung makikinig lang ako ay nagtake note na lamang ako para hindi naman masabi na nakikinig nga ako eh wala namang maisagot kapag tinawag at kung sakaling ring magkaroon ng recitation ngayon o sa mga susunod na araw ay makakapag- review ako.At natapos na naman ang mahigit isang oras. Lumabas ako at naghanap kung saan tatambay dahil break na ang sumunod na nakalagay sa schedule ko.Nagpalinga-linga ako sa paligid at hindi kalayuan sa room na iyon ay mayroon akong nakitang bench. Kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad na tinungo iyon. I still couldn't believe it! I just successfully survive my first and second subject this night without getting any interaction with anyone in here. And I wish that I won't get any interaction with anyone for the rest of the time here.But I guess I won't succeed this time. Just a few meters away I saw a build of a man and I already know that he's walking in my direction. Here it goes
[10.1]Kinabukasan ay tinanghali na naman ako ng gising. Mahimbing talaga siguro ang tulog ko ngayon o sadyang normal lang talaga ang ganito, dahil gabi ang pasok rito sa kanila. For vampire, I guess. And I am not. But I think I'll going use to it when time comes.Ginawa ko na ang nakasanayan kong ritwal tuwing umaga. Nang matapos ako ay hindi na rin ako nagtagal sa loob ng aking silid at lumabas na.Pumunta ako sa sala at napansing walang kaingay-ingay na maririnig sa loob ng bahay. Tanging huni ng ibon, hangin at kung ano-ano pa ang tanging ingay lang na maririnig. Ngunit ang ingay nina Myra at Ash ay hindi ko man lang narinig.Pumasok ako sa kusina sa pagbabaka-sakaling naroon lamang sila at tahimik sa kung anoman ang kanilang ginagawa. Pero nasa may pinto pa lang ako ay batid ko ng nagkamali ako dahil wala akong nadatnan roon.Alas dos na ng hapon kaya nagdesisyon na lamang ako na magluto ng pagkain dahil wala akong nahanap na niluto.
[10.2]Gusto ko rin sanang umakyat ng puno ngayon, ang kaso ngalang ay masyadong matataas ang mga puno rito at mahirap akyatin ang mga ito.“Hindi lang kasi talaga madalas ang mga ganon.” I nodded at what he said. “Usually kasi kapag namamasyal ay sa parke, amusement park at kung saan-saan pa. Hindi common ang mamasyal sa gubat.”Ngayon lang yata narinig ni Jason na pwede pa lang mamasyal sa gubat eh. Well, for me, the forest is a good spot to stroll around because of the fresh air and you can see the beauty of nature.“Ikaw?” Jason stops from walking and so do I, so he looked at me with confused eyes.Tinuro niya pa ang kanyang sarili gamit ang isang daliri, “ano ako?”Bampira.Ngunit hindi ko iyon isinatinig at nanatili lamang sa aking isip. Umiling na lamang ako bago nagpatuloy sa paglalakad at ganoon din siya, kahit hindi ko alam kung saan ang patutunguhan ng paglalaka
[11.1]Pagkatapos kong mag-enjoy ay muntik ko nang makalimutan ang dalawang babaeng bubungad sa akin pagkauwi. Masyadong napasobra ang kwentuhan namin ni Jason dahil sa kadaldalan niya at pati oras ay nakalimutan na namin.“Dapat nagsabi ka man lang sa amin kung saan ka pumupunta!” Sermon ng sermon sina Ash at Myra sa akin pagkauwi ko sa bahay.Hapon na nang ihatid ako ni Jason sa bahay at ang dalawang babae kaagad ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto at nakapamewang pa habang nakataas ang isang kilay nila.“Paano kung may mangyari sa 'yong ‘di maganda?!” Ani Ash, habang nagpipigil ng galit. “It's dangerous out there!” Naka-english ang Lola niyo.Sa kanilang dalawa ay si Ash ang pinaka-OA kung mag-react. Kung makapanermon ay parang pumunta ako sa kanilang ibayo ng mundo. Kung magalit ay parang siya ang nanay ko. Hays.Samantalang si Myra naman ay kalmado lang pero alam kong guston
[11.2] Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga lang kami ng ilang minuto sa sala at nagkwentuhan tungkol sa unang gabi ko sa unibersidad at kung kumusta ang mga klase na pinasukan ko. “Ganoon ba talaga do'n? Grabe! Para akong hihimatayin dahil sa mga tingin nila! Halos lahat sila na madadaanan ko ay literal na nakatingin sa'kin! Hindi ko alam kung makakatagal ba ako do’n dahil sa kanila!” Pagkukwento ko. “Masasanay ka rin.” Iyon lang ang sinabi nilang dalawa sa rami ng sinabi ko bago kami naghanda sa pagpasok. Ako ang naunang natapos na magbihis kaya bumaba na ako sa sala. Nagulat pa ako ng madatnan na naroon na si Bryan at prenteng nakaupo at nakadikwatro pa, na tila ay nasa sariling pamamahay niya lang siya. Hindi ba uso ang kumatok dito sa kanila? O magpaalam man lang na papasok sa ibang bahay? “Oh! Andito ka pala?” Gulat kong saad. Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti. “Ay hindi, Nath. Picture ko lang ‘to, oo,” sarkasti
[12.1]Agad akong dinaluhan ni Jason at hinagod ang likod ko.Inabot niya sa akin ang isang plastic cup na saglit kong tinignan ang laman kung ano iyon. Baka kasi mamaya….“Juice.” Mukhang nabasa ni Jason kung ano ang iniisip ko.Tumigil na ako sa pagsuka at kinalma saglit ang sarili. Mukhang nabigla yata ako sa nakita.Hindi ko kinuha ang plastic cup na may juice. “Gusto ko ng tubig.” Bakit kasi juice ang ibibigay niya eh sumusuka na nga iyong tao eh.Nataranga pa siya dahil sa sinabi ko ngunit ay inabot din naman ang hinahanap ko. Nagmumumog muna ako. At nang makuntento na ay bago ako uminom. Halos maubos ko ang bote ng mineral water na ibinigay niya.May mineral water din pala dito sa kanila?“May nararamdaman ka ba?” Nag-aalala n’yang tanong“Kanino? Sa iyo?” Pagbibiro ko at saka nagmumumog ulit gamit ang natirang tubig.“H-ha?!”
[12.2]Naalala ko pa no'ng una niya akong akbayan. Nailang pa ako no'n pero nasanay din. Wala din namang malisya eh. Masasanay yata talaga ako sa akbay ni Jason. Ang hilig umakbay.Hayaan na, ganyan talaga siguro siya. Kaya ang madali siyang makasundo dahil sa pagiging mabait niya at magaling siyang makisama.Nagpatianod ako sa akbay niya. Pinagtitinginan nga kami ng mga nadadaanan namin kaya medyo yumuyuko ako dahil sa hiya. Samantalang ang kasama ko ay pa-chill-chill lang at tila hindi napapansin na pinagtitinginan kami ng mga kapwa estudyante.Ang manhid mo po.Hinawakan ko ang kamay ni Jason na nakaakbay sa akin at akmang tatanggalin nang magsalita siya.“Bakit?” Naguguluhan niyang tanong na ngayon ay nakatingin na sa akin.“Uh… masyado kasi tayong nakakakuha ng atensyon,” saad ko at sumulyap sa mga nakatingin ng estudyante habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.“And?”