So, dito na magsisimula ang exciting part (char!). See you next update!
~*~ MALABO pa ang lahat nangyari sa isipan ni Elise matapos ang nangyari sa birthday party ni Sherry. Ang huling naalala niya ay ang pagbaba niya ng taxi pauwi sa kanilang dorm. Pagkatapos noon ay wala na. Ang sabi ni Agatha, natagpuan na lang daw siya nito sa harap ng kanilang dorm -lasing at parang wala sa sarili. Parang katulad noong natagpuan siyang walang malay sa isla. Pakiramdam niya ay parang may kung anong nakaharang sa kanyang isipan at pinipigilan siyang alalahin ang lahat. Madaling isipan na dahil iyon sa kalasingan niya iyon ngunit sa loob loob niya ay ramdam niyang may misteryong pilit na itinatago sa kanya. Napabiling siya sa kinahihigaan. Sabado at wala silang pasok kaya naman kahit na mag-aalas nuwebe na ay wala pa rin silang balak ni Agatha na bumangon sa kani-kanilang kama. “ Alam mo dapat talaga sinamahan kita sa birthday party ng bruhang si Sherry e. Kung andon ako siguradong, iningudngud ko na ang mukha niya sa dancefloor.” “ Okay lang. Hindi mo naman kasal
PAGKATAPOS ng tagpong iyong sa pagitan nila ni Damian ay hinidi ito nagpakita sa kanya ng ilang araw. Siguro iyon na din ang katapusan ng kung ano mang namamagitan sa kanila. Naisip din niyang hindi din makakabuti para sa kanya ang magkaroon ng koneksyon sa misteryosong lalaking iyon. Parte lamang to ng kanyang panaghinip at wala ng iba. Anuman ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ay hanggang doon na lang iyon.Simula noon ay ipinangako na niya sa sariling kakalimutan na ang mga panaghinip na iyon. Ang dapat niyang gawin ay ang bigyang pansin ang kanyang malagim na reyalidad. Subalit, ang babaeng nakita niya sa panaghinip na iyon, hinidi niya maintindihan kung bakit ito naging parte ito ng panaghinip niya. Parang pamilyar ito ngunit alam niyang imposible dahil hindi niya pa ito nakakasalamuha sa totoong buhay. Martes ng umaga. Wala siyang gaanong tulong dahil inihabol niya ang essay niya at ni Sherry. Maaga din siyang nagising dahil kailangan niya pang i-print ang mga iyon. Kaya
_________ SINIPAT ni Elise ang kanyang repleksyon sa malaking vanity mirror. Ang suot niyang dress ay medyo malaki sa kanyang pigura ngunit komportable siya sa mga ganoong kasuotan kaya ipinagsawalang bahala na lang niya iyon. Debut ng kaibigan ngayon niyang si Frances at inimbitahan nito ang buong klase nila na i-celebrate iyon sa isang sikat na private island resort. Inakupahan lang naman ng parents nito ang buong resort sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi. Wala silang babayaran dahil sagot din ng mga ito ang ammenities ng resort. Ito ang unang beses niyang dadalo sa ganoong engrandeng okasyon at medyo kinakabahan siya. Masquarade ball ang tema ng party at talaga namang pinaghandaan iyon ng lahat ng kanyang mga kaklase. Usap-usapn din ng mga ito ang okasyong iyong nitong mga nakalipas na araw. Syempre, excited ang lahat dahil engrande talaga iyon. Nagmula ang kasi si Frances sa mayaman at prominenteng pamilya. Nag-iisang anak lang din ito kaya hindi na nakakapagtaka kung
________ NAPABALIKWAS nang bangon si Elise kanyang kama. Medyo kumikirot ang sintido niya. Mabigat ng ulo niya pati na rin ang buong katawan niya. Bukod doon, may matinding pananakit din na nagmumula sa kanyang talampakan at tuhod. “ Thank God! You are awake,” sabi ni Frances nang makapasok ito sa kanyang silid at naupos sa sa gilid ng kama. Ipinatong ang kamay sa kanyang noo. “ Hindi ka na nilalagnat ngayon. It was quite high last night.” Napakakunot-noo si Elise sa tinuran nito. “ Nilagnat ako?” “ Oo. We found you lying on the beach and burning with fever. Hindi mo ba natatandaan?” nag-aalalang tanong ng kaibigan niya. Umiling siya. “ I…I don't remember a thing from last night.” “ Sabi ni Sherry nagpaalam ka daw sa kanila na magc-cr lang pero mag-iisang oras na hindi ka pa nakakabalik. We went searching for you at nakita ka naming nakahandusay sa dalampasigan. May mga sugat ka din sa paa at tuhod. Saan ka ba nagpunta?” Pinilit niya ang sariling alalahanin ang nangyari ka
__________ ALAS-OTSO na ng gabi sila nakabalik sa kanilang dormitoryo. Nang makababa si Elise ng an at agad silang sinalubong ni Agatha. Patakbo pa itong lumapit sa kanila. “ Ako na ang magdadala ng maleta mo, Elise,” anito saka inagaw sa kamay niya ang maleta. “Huwag na, Agatha. Kaya ko naman e…” “ Ay ano kaba? Maliit na bagay lang ‘to saka parang madidislocate na yang kamay mo e.” “ Huwag mong masyadong kulitin yan, Agatha. She had been through hell yesterday.” “ Bakit? Anong nangyari?” sunod-sunod na tanong nito. Pilit namang iniiwasan ni Elise ang mga mata ni Agatha.Kilala niya ito paniguradong bobombahin siya nito ng mga tanong. Wala pa naman siya sa mood para sumagot. Ang tanging gusto niya lang sa mga oras na iyon ay matulog. “ Mamaya na natin pag-usapan ‘yan sa kwarto. Ipasok na muna natin ang gamit ko sa loob," pinandilatan niya si Francesca, sinenyasan siyang huwag magsalita ng anuman tungkol sa nangyari. Mukhang nakuha naman ni Francesca ang nais niyang ipahiwat
________ HINDI napigilan ni Elise ang bahagyang pagkadismaya nang imulat niya ang kanyang mga mata. Minsan lang siyang magkaroon ng wet dreams tapos medyo bitin. Gusto niya sanang magtagal pa sa panaginip na iyon. Kaagad niyang hinanap ang kanyang cellphone. Nakpkap niya ito sa ilalim ng kanyang unan. Alas-syete na ng umaga. " Damn it!," she cursed under her breath. 7:30 ang unang klase niya at mayroon na lang siyang eksaktong 30 na minuto upang maghanda.Mabilis siyang nagtungo sa shower room, mabuti na lang at hindi pa peak hours. May bakante pang mga cubicle kaya hindi na niya kailangan pang pumila. Wala siyang inaksayang oras at kagaad na naligo. Pagkatapos ay nagtooth brush na din siya. Habang sinisiipat niya ang kanyang repleksyon sa salamin ay kaagad na nagtungo ang kanyang paningin sa kanyang leeg. Doon siya hinalikan ng lalaki sa kanyang panaginip at preskong presko pa sa kanyang isip ang ginawa nila kagabi. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Ganoon n
___________ NANG lingunin niya ulit ang kinaroroonan nina Jules ay wala pa rin ipinagbago ang posisyon ng mga ito subalit nahagip ni Sherry na nakatitig siya sa mga ito at tinutuya siyang sinulyapan. Agad niyang inilayo ang paningin sa mga ito. Mabuti na lang at dumating na si Francesca at may dalang inumin nila ni Agatha. Kinuha niya ang kanyang cup at agad na ininum ang kalahati niyon. Medyo nagulat ang kanyang mga kaibigan sa inasal niya ngunit ngunitian niya lang ang mga ito na parang walang nangyari. " Sayaw tayo!" Pagkatapos ay hinawakan siya ng kanyang mga kaibigan at iginiya patungo sa dan cefloor.Mabuti na lang at malayo sa kinaroroonan nina Jules. May mga lalaki din na nakisama sa kanila at may ilan din namang binigyan siya ng kakaunting interes. Bawat pagtungga niya ng alak , pakiramdam ni Elise ay gumagaan ang ulo niya. " Alis muna ako. E-refill ko lang tong cup," aniya at tumungo sa stool kung saan naka-display ang mga inumin. Self-service at tanging siya na mism
~*~ DISMAYADO si Elise nang magising siya kinaumagahan. Hindi nagpakita sa kanyang panaghinip ang lalaki. " Shit! Anong ginagawa ko?" Parang nais niyang iumpog ang ulo sa salamin na nasa kanyang harap. Bakit hinahanap niya ang misteryosong lalaking iyon sa kanyang panaginip? Nababaliw na ba siya ng tuluyan? At ngayon heto siya, dismayado dahil hindi man lang lumitaw ang lokong iyon. Sinipat-sipat niya din sa salamin ang bahagi ng kanyang leeg na hinalikan nito kagabi at hinaplos iyon. Bakit parang totoo ang lahat? Ang init ng labi nito sa kanyang labi. Ang paraan ng paghagod nito sa kanyang balat. " Hindi na to tama, Elise," saway niya sa sarili. "Panaginip lang iyon at at wala nang iba." Bago pa man mawala ang kanyang katinuan nang umagang iyon ay pumasok na siya sa isa sa mga bakanteng cubicle sa shower room. Pinihit niya ang shower at nagsimulang bumuhos sa kanyang katawan ang malamig na tubig. Ang lamig na dulot niyon sa kanyang balat ay nagpabalik sa kanyang katinuan.