Share

Midnight Temptations
Midnight Temptations
Author: MsDayDreamer99

Simula

                                                                            _________

SINIPAT  ni Elise ang kanyang repleksyon sa malaking vanity mirror. Ang  suot niyang dress ay medyo malaki sa kanyang pigura ngunit komportable siya sa mga ganoong kasuotan kaya ipinagsawalang bahala na lang niya iyon. Debut ng kaibigan ngayon niyang si Frances at inimbitahan nito ang buong klase nila na i-celebrate iyon sa isang sikat na   private island  resort. Inakupahan lang naman ng parents nito ang buong resort sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi. Wala silang babayaran dahil sagot din ng mga ito ang ammenities ng resort. Ito  ang unang beses niyang dadalo sa ganoong engrandeng okasyon at medyo kinakabahan siya. Masquarade ball ang tema ng party at talaga namang pinaghandaan iyon ng lahat ng kanyang mga kaklase. Usap-usapn din ng mga ito ang okasyong iyong nitong mga nakalipas na araw. Syempre, excited ang lahat dahil engrande talaga iyon. Nagmula ang kasi si Frances sa mayaman at prominenteng pamilya. Nag-iisang anak lang din ito kaya hindi na nakakapagtaka kung laki ito sa luho.

“ Don't tell me iyan ang susuotin mo sa party ko?” halos magsalubong ang kilay ni Frances habang nakatingin sa kanya. Hindi niya napansin ang pagpasok nito  satinutuluyan niyang kwarto. Naka-full blown make up na ito at nakaayos na rin ang buhok. Nanliit siya bigla sa kanyang sarili. Mukhang hindi talaga siya ipinanganak sa mga ganitong okasyon.

“ Ha? Anong problema? Di ba sabi mo dress?” nagtatakang tanong niya.

Malalim na napabuntong-hininga si Frances  at lumapit sa kinaroroonan niya.

“ God! Now that I can see this dress clearly, I badly want to close my eye. This is hideous!” maarteng turan nito. Nginitian niya lang nga tipid ang kaibigan. Alam niyang wala namang masamang intensyon ito. 

“ Wala na akong dalang ibang damit e, ito lang talaga ang dress ko.”

“ I knew this would happened kaya nagdala ako ng extra,” anito. “ Hubarin mo na ‘yan. Mag-robe ka na lang muna and also,  wash your face, Darling. Ako na magme-make up sayo. "

“ Bakit?” sinipat-sipat niya muli ang sarili sa salamin. Tanging liptint lang ang naka-adorno sa kanyang mukha. “ Okay lang naman ang pagkakalagay ko ng liptint a.”

Umiling si Frances. “ Maraming kulang sa mukha mo, Elise. You know a lot of girls would die to have your smooth skin. Sayang naman kung hindi man lang maipapakita ang kagandahan mo sa likod ng glasses na 'yan.”

Saka kinuha nito ang suot niyang salamin. Sa ginawa nito ay naging malabo ang paligid niya. Naging malabo ang lahat at hindi mapigilan ng kanyang mga mata ang pagkurap.

“ Paano ako  makakakita kung kukunin mo ang salamin ko?”

Ibinalik rin naman nito ang salamin niya.

“ Well, you could wear contacts instead. I brought one for you. Accept it as a gift.”

“ Baka mahal yan ah. Wala akong pambayad diyan.”

“ Libre 'to, ano ka ba. And besides, kailangan mong ipakita kay Jules na hindi siya kawalan. Tonight, we will make sure na pagsisihan niya na nakipaghiwalay siya sayo at sumama kay Sherry Ann.”

Napakunot ng noo si Elise. Kaya naman pala sobrang eager ng kaibigan niyang e-make over siya. Sa totoo lang, wala naman talaga siyang pakialam sa dati niyang nobyo. Oo, masakit na ginamit lang siya nito noon pa man dahil mahal siya nito. Ngunit ngayon, nasa yugto na siya kung saan wala siyang pakialam sa kanya o sa kanyang bagong kasintahan.

“ Come on. That was three months ago. Isa pa hindi ko na siya mahal. Ayokong isipin niyang nagpapaganda pa ako sa kanya , ‘no,” ismid nito.

“ Yeah, I know your over him. But you should teach him a lesson para malaman niya kung anong sinayang niya.”

“ Wala siyang sinayang, okay? Ako yung mas nawalan sa aming dalawa. Akala ko mahal niya ako, 'yun pala gagawin niya lang akong taga-gawa ng mga assignments at projects niya. “

“ But still, Elise. Let me dress you up. Pagbigyan mo na ako, birthday ko naman e," ungot pa nito. 

“Oo na, nanalo ka na,” she finally says. Tutal minsan lang naman ito kaya pumayag na siya.

“ Yay ! Thank you. Kukunin ko lang damit at mga gamit ko sa kwarto saka babalik ako,”

“ Sige na, kunin mo na dun. Hindi naman ako tatakbo e.”

“ Pangako yan ha? Kapag ikaw talaga…”

“ Kapag nagtago ako baka ang ending mawala pa ako sa islang  'to. Ang laki pa namn  nito at walang kahit anong estruktura maliban sa resort."

“ Good choice, Aalis na ako. Huwag kang tatalon ng bintana at tumakbo ha?”

“ Oo nga e, ang kulit mo..”

“ At maganda. Byeeeee!”

Inabot sila ng halos isang oras sa paghahanda. Inayos din ng kaibigan  ang kulot niyang buhok. Itinirintas nito iyon kaya disenteng tingnan. Pinasuot din siya nito ng royal blue na cocktail gown na umaabot sa kanayang tuhod. Pati na  sapatos ay ipinahiram din nito sa kanya.

“ Oh my god! You're a stunner, Elise.”

Pati siya ay hindi makapaniwalang sa babaeng nasa salamin. Ang kanyang mukha ay mas maliwanag at maamo kaysa dati. Habang ang gown naman ay medyo revealing pero ayos lang sa kanya dahil sa likod naman ang uka nito. Ang kaso nga lang nahirapan siyang maglakad sa suot na heels.

“ Siguradong maglalaway sayo ang mokong na Jules na 'yon.”

“ Che ewan ko sayo."

“ Make sure to look for a partner okay? Dapat hindi ka uuwing single," bulong nito sa taenga niya sabay hagikhik.

                                                                         _________

MALAMYOS  na classical music ang musikang pumapaibabaw sa buong reception hall ng resort. Bagay na bagay bagya iyonsa ambiance ng party. Elegante at magarbo. Halos hindi nga niya makilala ang kanayng mga kaklase dahil  suot ng mga itong maskara at magarang kasuotan. Perpekto na sana ang lahat pwera lang sa isang bagay. 

 Kasama niya sa upuan ang sina Jules at Sherry, sa kinamalas-malasan.

“ Is that you, Elise?” hindi makapaniwalang-bati sa kanya ni Sherry nang umupo siya sa table ng mga ito.

Tumango-tango siya. 

“ Can you remove your mask, pretty please?” pa-cute na pakiusap nito sa kanya.

Sa isang iglap , halos  lahat nang atensyon ng kanyang mga kaklase ay nakatutuk sa kanya. Napalunok  si Elise , nahihiya siya. Lahat ay tila sabik na makita ang kanyang pagbabago sa magdamag. Hindi naman iyon big deal para sa kanya pero mukhang interesante iyon sa kanyang mga kaklase. Sa gilid ng kanyang mata, nakita niya ang matinding titig ni Jules sa kanya pero, hindi niya ito pinansin.

Malalim siyang napabuntong hininga. Hindi niya alam kung anong kagagahan na naman ang pumasok sa utak ni Sherry. 

Hindi 'to big deal. Hububarin ko lang ang mask and that's it!

Hinila niya lace ng suot niyang maskara at dahan-dahan niyang hinubad iyon. Inilalantad niya sa kanila ang   kanyang magandang mukha sa ilalim ng maskara. Nakanganga ang mga ito ng makita ang kanyang mukha sa likod nito. 

" Satisfied now, Sherry?" sarkastiking baling niya sa bagong nobya ng ex niya.

“ Wow ang ganda mo, Elise, ” kumento ni Jake na katabi niya.

Nginitan niya ito at pinasalamatan. Simula noon ay sunod-sunod na ang mga magagandang kumentong natatanggap niya sa mga kakalase niya.  Sa unang pagkakataon, hindi na siya ang anino ng pinakasikat at popular na babae sa kanilang school. 

“ In fairness mukha ka ng tao ngayon, Elise," ngisi ni Sherry na ikinatawa naman ng ibang kaklase niya.

Napanting ang kanyang tenga sa narinig. Bigla siyang binalot ng matinding hiya. Dapat sanay na siya a mga kumentong iyon pero hindi e. Ayos lang sana kung ordinaryong araw lang iyon ngunit ito ang unang pagkakataong  pakiramdam niya ay maganda at nababagay talaga sa okasyong ito tapos sinara lang ng impaktitang Sherry.

Nagsisimulang uminit ang paligid ng mata niya.

“ Cr lang ako,” imbes na ipakitang nasaktan siya sa sinabi nito ay mas ginusto niya na lang na umalis ng lugar na iyon.

Hindi siya pumunta sa banyo,  sa halip ay dumeretso siya sa dalampasigan. Niyakap niya ang sarili dahil  malamig ang simoy ng hangin sa gabing iyon. Idagdag pa na ipinahiya siya ng bruhang si Sherry sa harap ng kanilang klase.  Doon na siya nagsimulang umiyak. Mainit ang mga luhang  bumabalot sa kanyang pisngi. Kinagat  niya ang ibabang parte ng kanyang labi upang pigilin ang paglabas ng kanyang hikbi. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad kahit na hindi niya kabisado ang lugar.

Ang gusto niya lang sa pagkakataong iyon ay umalis at magpapakalayo-layo kung saan walang Jules o Sherry na kailangan niyang makasalamuha. 

Nasa kalagitnaan siya ng drama ang muntik na siyang masubsub. Sa sobrang sama ng loob ay dali dali niyang hinubad at inihagis kung saan ang suot niyang heels. Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa kanyang lakad. Bago pa man niya mapansin kung saan siya papunta ay ,wala na ang malamyos na musika at makukulay na mga ilaw na nagmumula sa reception. Nasa kalagitnaan na siya ng kagubatan. Madilim ang kakahuyan at ang tanging gabay niya ang  buwan na nagpapaliwanag sa madilim na kalangitan. Nawawala siya!Kung hindi lang siya nagpadala sa kadramahan niya e, di sana hindi siya napunta sa ganoong sitwasyon. 

Sinimulan niyang tahakin ang pinanggalingan niya kanina- kung tama nga ba iyon ay wala siyang ideya. Kailangan lang niyang hanapin ang dalampasigan.Kinakabahan at tumatayo ang balahibo sa kanyang katawan sa bawat ingay na gingawa ng mga hayop sa kanyang paligiid.Medyo masakit din ang talampakan niya. Kung hindi ba naman siya isang tanga at itinapon na lang basta ang suot niyang sapatos. Makailang ulit na siyang nakatapak ng matutulis na bato at sanga ng kahoy. Otomatikong napahinto siya ng maramdamang parang may nakatitig sa kanya sa malayo. Napalunok siya ng laway at pinaalalahanan ang sariling huwag lumingon kahit ano pang mangyari. Mas nilakihan pa niya ang kanyang mga hakbang. She needs to get out here as soon as possible.  Naging mamasa-masa ulit ang kanyang mga mata ngunit ngayon, ito ay dahil sa matinding takot sa isang bagay na hindi alam na nakatago sa madilim na kagubatan.  Hindi niya kasi maiwasang ma-imagine na may halimaw na lalabas sa dilim at aatakehin siya katulad sa mga horror movies na napapanood niya. Sa kanyang pagmamadali, hindi niya napansin ang isang nakausling bato at nadapa. 

Stupid! Stupid!

Kastigo niya sa sarili. Wala na siyang ginawang tama sa araw na ito. Sinusubukan niyang bumangon ngunit hindi niya magawa.Sobrang sumasakit na ang mga paa niya. 

“ Are you lost, little kitten?” biglang lumapit sa kanya ang isang  estranghero na nakaitim na maskara. 

Naka-suit din ito. Mukhang galing  ang lalaki  sa party ni Frances! Baka isa ito sa mga pinsan ng kanyang kaibigan na dumalo sa pagtitipon.

“ Please help …help me,”  pakiusap niya rito. 

Inilahad nito ang kamay at tinulungan siyang tumayo.  Aksidente namang napasandal siya sa matipunong dibdib nito ng muntikan na siyang mawalan ng balanse. 

“ Easy…easy there, kitten,” anito at hinagod ang kanyang pisnging punong-puno ng luha. “ You are safe now.”

 Amoy na amoy ni Elise ang kanyang panlalaking pabango. Nang kumalma na siya ay tinitigan niya ang lalaki. Ang kanyang mga mata ay  kulay asul habang ang natitirang bahagi ng kanyang mukha ay nakatago sa kanyang maskara. Kung wala lang sila sa ganoong sitwasyon ay masasabi niyang may itsura ang lalaki.

“ Can you take me back to the party?” 

 Ngunit imbes na sagutin ang kanyang tanong ay inalis nito ang suot niyang maskara. Marahangnagdampi ng mga daliri nito sa kanyang balat. Nagtagpo ang kanilang mga mata at nagiging mabigat ang kanyang paghinga habang mas nahuhulog siya sa matinding titig nito.

“ I finally found you, my little kitten,” anito at binigyan siya ng nakakalokong mga ngiti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status