“Namiss kita ng sobra.” Bulong ni Alexandros sa may tenga nya habang nakayakap ito sa kanya mula sa likuran. Naramdaman pa nyang ipinatong nito ang ulo sa may balikat nya.Humagikgik sya. “Parang 1 week lang tayo hindi nag-kita ah? Miss mona agad ako ng sobra?” ani nya habang naggagayat ng mga lahok para sa nire-request nitong caldereta. Gusto kasi nitong masubukan ang version nya ng calderetang niluto ng kanyang ina nung dumalaw sila.“Yun na nga ata ang pinakamahabang isang linggo nangyari sa buhay ko. Wala kaya akong ayos na tulog kasi hinahanap kita sa tabi ko.”“Aysus! Baka sinasabi mo lang yan ha?”Umiling-iling ito habang nakapatong padin ang mukha sa balikat nya. “Hindi ah, totoo kaya.”Kumalas ito ng yakap sa kanya at sumandal sa counter table ng kusina kung saan sya naggagayat. Tumingin ito sa kanya habang nakahalukipkip ang mga braso sa harapan ng dibdib nito. Bigla tuloy sya napatingin sa braso nitong may muscle. Hindi nya namalayan napakagat labi na pala nya. Nakita ‘yon
“Masarap?” Tanong nya kay Alexandros pagka subo nito ng calderetang niluto nya. Naka upo sya sa harap nito.“Uhmm.. hmm..” Tumango-tango ito habang nanguya.Napangiti naman sya sa reaction nito, mukhang sarap na sarap ang binata sa niluto nya dahil sunod-sunod ang naging pagsubo nito. Buti na lamang at tinuro sa kanya ng kanyang ina ang special caldereta nito. Ayon dito ay itinuro din ‘yon ng kanyang lola dito.Tumayo sya at kumuha ng juice sa ref at ipinagsalin ito sa baso nito. Halos makalahati na nito ang sinandok nyang kanin.“Hinay-hinay lang, baka mabilaukan ka nan.” Natatawang sita nya dito.Huminto naman si Alexandros sa pagkain at nag-angat ng tingin sa kanya.“Thank you, Elaine ko. Ang sarap nitong niluto mo.”“Talaga? Mas masarap sa luto ni mama?” nakangiti nyang tanong dito.Hindi naman agad ito nakasagot, mukhang nag-isip muna ito. Pero maya-maya pa ay tumango ito.Mas lalo lumapad ang ngiti nya. “Isusumbong kita kay mama, mas masarap pala ha? Naku, panigurado hindi kana
Pagkatapos magpaalam kay Selena ay nagmamadali syang umalis ng floating restaurant at sumakay sa dumaang golf cart para magpahatid sa may waterfalls. Lakad takbo ang ginawa nya para lang makarating agad kung saan sila lagi napwesto ni Alexandros.Bumagsak ang kanyang balikat ng hindi nya ito nakita dun, mukhang nakaalis na ang binata. Inilabas nya ang kanyang cellphone at tumawag ng security para itanong kung asan ito, pero hindi sinabi sa kanya ng security ng isla dahil bawal daw ng mga ito sabihin kung asan ang mga member ng MMC. Para daw sa proteksyon ng mga ito, kahit anong sabihin nya at pagmamakaawa ay wala padin syang nakuhang sagot.Napasalampak sya ng upo sa may kahoy sa gilid. Naiiyak na sya, masyadong malaki ang isla para hanapin nya ito. Baka hindi kayanin ang isang buong araw.Bumuntong hininga pa sya. Nawawalan na sya ng pag-asa, aalis pa naman ito mamaya pabalik ng manila. Bigla naman nyang naalala si Keith kaya tinawagan nya ito para makiusap ulit na ipahanap si Alexan
Magkahawak-kamay silang naglalakad sa may dalampasigan, medyo makulimlim ang kalangitan at malalakas ang hampas ng alon. Mukhang uulan din mamaya. Ang kabayo nitong si Spike ang pinasuyo nito sa isang staff ng isla para maibalik sa kwadra ng mga kabayo.“Galit ka pa?” hindi nya mapigilang itanong sa binata.Kanina pa kasi ito tahimik simula nung tinanong nya ito kung okay lang naman lahat sa manila. Sumagot lang ito sa kanya, pagkatapos nun ay seryoso na ito. Para bang malalim ang iniisip nito.“Huy Alexandros!” tawag nya ng pansin dito at huminto sa paglalakad.“Ha? may sinasabi ka Elaine?” tanong nito sabay tingin sa kanya. Mukhang nakuha na nya ang atensyon nito.“Sabi ko kung galit ka pa ba?” pag-uulit nya sa tanong kanina.Umiling ito. “Hindi na.”“Hmm.. Okay. Okay.” Tumango-tango pa sya.Gusto sana nya itanong dito kung ano iniisip nito pero wag na lang. Baka makulitan pa sa kanya ito, tsaka hahayaan nya na ang binata ang magkwento sa kanya kung talagang may problema ito.“Ayos
“B..bakit may si..singsing?” hindi makapaniwalang bulalas ni Elaine.Ngumiti sa kanya si Alexandros at hinawakan ang isa nyang kamay at isinuot sa daliri nya ang hawak nitong singsing.Maang na napatingin sya sa kamay nya. Hindi nya maintindihan ang kanyang nararamdaman, masaya sya na naiiyak na kinakabahan. Mula sa kanyang kamay ay iniangat nya ang kanyang paningin at tiningnan si Alexandros.Bahagya naman natawa ang binata at sinarado ang kanyang bibig na nakabuka pala. Hindi man lang nya namalayan na napanganga sya.“Relax, Elaine ko. Hindi pa ‘ko magpopropose sayo,” hinawakan nito ang singsing na nakasuot sa kanyang daliri. “Promise ring lang ‘to. Gusto ko lang mangako sayo na kahit anong mangyari ay nandito lang ako para sayo. Kahit ipagtabuyan mo pa ‘ko ay hindi ako aalis sa tabi mo.” Ani nito at binigyan pa sya ng magaan na halik sa kanyang noo.Napapikit naman sya ng dumampi ang malambot at mainit nitong labi sa kanyang basang noo. Hindi nya napigilan ang pagpatak ng luha sa k
Kakatapos lang nya magblower or mas magandang sabihin kakatapos lang ni Alexandros patuyuin ang kanyang buhok gamit ang blower na nasa kwarto nito. Nung una ay hindi sya pumapayag na ito na ang magpatuyo ng buhok nya pero talagang makulit ito kaya hinayaan na lang nya.“Bakit may vanity mirror na dito sa kwarto mo? Nung una ko naman punta dito wala pa ito ah?” Ani nya sabay tingin dito sa may salamin.Ngumiti ito habang sinusuklay ang mahaba nyang buhok. “You like it?”“Y-yeah.”“That’s good, actually pinalagay ko talaga dito yan sa kwarto para naman may space ka dito kapag mag-aayos ka, like now.”“Pero hindi mo naman na kailangan gawin ‘to, hindi naman ako lagi nandito sa main villa.” Sabi nya dito at hinawakan ang buhok na nasa harap nya at sinuklay ‘yon gamit ang kanyang mga daliri.Huminto si Alexandros sa pagsusuklay sa kanya at tumingin din sa kanya sa may salamin. “Hayaan mo na ‘ko, Elaine. Gusto ko na may space ka dito sa kwarto ko. Kung pumapayag ka nga lang na lumipat dito
Nagising sya na wala pa si Alexandros, pagtingin nya sa bintana ay medyo madilim na. Mabigat ang katawan na bumangon sya at nagpunta sa closet para magpalit ng damit, napagdesisyunan nya na maglakad-lakad na lang muna sa labas habang inaantay ito. Matapos icheck ang sarli sa salamin ay ngumiti sya, nagsuot lang sya ng isang floral dress na hanggang tuhod ang haba, simple lang ‘yon pero bumagay sa kanya. Kinuha nya din ang isang flat sandals sa may closet at sinuot ‘yon.Pagkatapos itext si Alexandros na maglalakad lang sya sa labas ay lumabas na sya ng kwarto at bumaba. Wala syang susi ng main villa pero sinarado lang nya ang main door, alam naman nya kung gaano kahigpit ang security ng isla.Hindi padin talaga nawawala sa kanya ang humanga dito sa isla kahit pa matagal na syang nandito, para kasi talaga itong paraiso. Chineck nya ang kanyang cellphone pero wala pading reply sa kanya si Alexandros kaya ibinalik na lang nya ‘yon sa bulsa ng kanyang dress. Inilibot nya ang kanyang panin
“Sinong may sabi na ikaw ang una nakakita sa kanya?” “Alexandros..” Kinakabahan na tawag nya dito. Natatakot sya na baka mag-away ito at si Robert lalo na’t narinig pala ni Alexandros ang sinabi nito. Sumulyap naman ito sa kanya at ngumiti ng bahagya na syang ikinakalma nya kahit papaano. Napatingin din sya sa katabi nito, kasama ng binata ang ibang member ng MMC na seryosong nakatingin sa kanila. Mukhang maski ang mga ito ay narinig din ang pag amin ni Robert sa kanya. Lumapit sa kanya si Alexandros at hinubad nito ang suot na jacket at ipinatong nito ‘yon sa kanyang balikat sabay hawak sa nanlalamig nyang kamay. Nakatingin lang sya dito habang seryoso na itong nakatingin kay Robert na nasa harapan nila. “I gave you warning earlier pero mukhang hindi ka nakinig, akala ko ba you respect kung ano man ang meron samin ni Elaine? Bakit nakahanap ka lang ng pagkakataon na makausap sya at heto ka halos magmakaawa sa girlfriend ko?” Tumalim ang tingin ni Robert kay Alexandros. “Wala ka