Share

Chapter 47

“Namiss kita ng sobra.” Bulong ni Alexandros sa may tenga nya habang nakayakap ito sa kanya mula sa likuran. Naramdaman pa nyang ipinatong nito ang ulo sa may balikat nya.

Humagikgik sya. “Parang 1 week lang tayo hindi nag-kita ah? Miss mona agad ako ng sobra?” ani nya habang naggagayat ng mga lahok para sa nire-request nitong caldereta. Gusto kasi nitong masubukan ang version nya ng calderetang niluto ng kanyang ina nung dumalaw sila.

“Yun na nga ata ang pinakamahabang isang linggo nangyari sa buhay ko. Wala kaya akong ayos na tulog kasi hinahanap kita sa tabi ko.”

“Aysus! Baka sinasabi mo lang yan ha?”

Umiling-iling ito habang nakapatong padin ang mukha sa balikat nya. “Hindi ah, totoo kaya.”

Kumalas ito ng yakap sa kanya at sumandal sa counter table ng kusina kung saan sya naggagayat. Tumingin ito sa kanya habang nakahalukipkip ang mga braso sa harapan ng dibdib nito. Bigla tuloy sya napatingin sa braso nitong may muscle. Hindi nya namalayan napakagat labi na pala nya. Nakita ‘yon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status