Share

Chapter 18 Ang Takot na Nararamdaman ni Judith kay Jiwan

K"STORM…." Hindi napigilan ni Judith na tawagin ang pangalan ng asawa. Nagtagpo kasi ang paningin nila ni Jiwan at ang agad pumasok sa kanyang isipan ay ang babala ng lola ni Storm.

Sabi pa naman niya nu'ng kausap niya si Lola Anastacia, hindi naman mukhang masamang tao ang apo nitong si Jiwan. Ngunit ngayon, parang kinikilabutan siya. Kakaiba kasi ang tingin nito sa kanya kaya pakiramdam niya'y nanlalamig din ang bawat himaymay ng kanyang kalamnan.

"What's wrong?" Nagtatakang tanong ni Storm.

Gusto sana niyang sabihin na 'Nandito si Jiwan' pero hindi naman niya magawang ibulalas. Para rin kasing nanunuyo ang lalamunan niya sa sobrang takot.

"Judith…" nag-aalala nitong tawag sa kanya.

Kung kanina ay kita niyang nag-aapoy ang mga mata nito dahil sa sobrang galit, ngayon naman ay puno na'ng pag-aalala iyon. Nakatayo na kasi ito sa kanyang harapan habang nakatitig sa kanyang mga mata. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi para matitigan siya. "Anong nangyayari sa'yo at nilal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status