"EXPLAIN!" Akala ni Judith ay tatahimik lang si Storm kahit nakasakay na sila sa sasakyan pero nagulat siya sa bigla nitong pagsigaw. Pakiramdam niya tuloy ay natanggal ang lahat ng tutuli niya. Dumagundong din ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya napigilan ang kabahan. Ibang-iba kasi ngayon ang hitsura ni Dr. Storm Davis ngayon. Makikita talaga sa guwapong mukha nito ang matinding galit. "Bakit kasama mo ang Jiwan na iyon?" Gigil nitong tanong sa kanya. Mahigpit na mahigpit ang hawak nito sa manibela kahit hindi niya alam kung may plano na ba itong paandarin ang sasakyan. Gayunman, naka-start na ang sasakyan. Ewan nga lang kung in-start lang iyon para gumana ang aircon. "Naki-share lang siya ng upuan," sagot niya pagkaraan ng ilang sandali. Nangangamba kasi siyang kapag hindi nito nakuha agad ang sagot na gusto nito ay magmura ito nang magmura o kaya naman ay magwala na parang bata."Ang daming upuan," gigil pa rin nitong sabi pero naramdaman niyang unti-unti na itong kumakalma.
SA palagay ni Storm ay hindi sapat ang salitang 'akin ka lang' para manatili sa kanya si Judith. Kaya naman ng makarating sila sa bahay ay agad siyang bumaba matapos sabihin kay Judith ang mga salitang 'dyan ka lang'. Pakiwari niya kasi kung hindi niya ipag-uutos ang mga salitang iyon ay agad na itong bababa at magtatatakbo papasok sa kanilang bahay. Mainit na mainit pa rin ang kanyang ulo nu'ng buksan niya ang pintuan at hilahin si Judith. Mahigpit na mahigpit ang hawak niya sa kamay nito na para bang makakawala ito sa kanya kapag niluwagan niya ang paghawak niya roon. "Storm…" kinakabahang sabi nito. Kahit na nanginginig ang boses ni Judith nang mga oras na iyon, wala siyang pakialam. Ang tanging nananahan lang sa kanyang isipan ay iyong hindi siya makapapayag na maagaw pa ito sa kanya ni Jiwan. Sabihin man sa kanya ng paulit-ulit ng kanyang Lola Anastacia na walang kasalanan si Jiwan sa nangyari sa kanyang pamilya, hindi niya iyon tanggap. Wala siyang pakialam kung anak lang si
LABING dalawang taon pa lang si Judith pero pinamamahayan na ng kaba ang kanyang dibdib. Palagi niya kasing nahuhuling nakatingin sa kanya si Donato – ang kanyang ama.Ayaw sana niyang bigyan ng kahulugan ang mga pagtitig nito pero dahil sa mahilig siyang magbasa ng komiks at pocketbook, nagkakaroon siya ng idea. Hindi niya tuloy maiwasan ang kabahan kapag nasa paligid lang ito. Sa tingin niya ay napapansin din ng kanyang ina ang aksyon ng kanyang ama kaya palagi nitong sinasabi na mag-iingat siya. Na huwag niya hahayaan ang sinuman na hahalik-halikan o yayakap-yakapin siya. Ang sabi pa ngbkanyang ina, tanging ang asawa lang niya ang may karapatan sa kanyang katawan. Kapag sinasabi iyon ng kanyang ina, hindi niya napipigilan ang mapangiti. Talaga kasing nangangarap siya na makatagpo ng Prince Charming tulad nina Cinderella at Snow White. Talaga kasing naniniwala siya na may lalaking magmamahal sa kanya ng wagas at tiyak niyang hindi lang iyon nangyayari sa mga libro. Matibay ang pan
SHIT! Bulalas ni Storm. Ang galit na nararamdaman niya kani-kanina lang ay parang binuhusan ng nagyeyelong tubig. Kitang-kita kasi niya kung paanong umatungal si Judith at kung paano ito maglupasay sa takot. Nanginginig pa nga ito. "Judith…""Bakit mo ginawa sa akin ito?" Tanong nito sa kanya kahit hindi siya sigurado kung siya nga ba ang kausap nito. "Judith…" tawag ulit niya. "Anak mo ko," wika nito. Napakuyom ang kanyang kamao. Parang gusto niyang hanapin ang tatay ni Judith at paliguan ito ng suntok. May ideya na kasi siya kung anong kinasapitan nito sa ama. Ngunit, mas gusto niyang saktan ang sarili ng mga sandaling iyon. Dahil sa kanya ay bumalik sa alaala nito ang masakit na nakaraan. May ideya na naman talag siya kung anong kinasapitan nito base sa mga kilos nito. Hindi ba halos magwala ito noong nasa may library sila at nilapitan niya, inakala nitong sasaktan niya ito. Kita rin noyang hindi ito kumportable kay may lalaking napapatingin dito. "I'm sorry…" wika niya. Umi
TULOG pa si Judith nang umalis si Storm. Kahit gustung-gusto niya itong gisingin para sabay silang mag-almusal, nagbago ang kanyang isip. Ang tagal tagal nitong umiyak kahapon kaya hindi niya maatim na istorbohin ang pagtulog nito. Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Nakukonsensiya siya kahit maikukonsidera niyang masamang tao siya dahil kahit isa siyang doktor ay gumagawa rin siyang hindi maganda. Oo nga at nagagawa niyang makatulong sa mga taong nangangailangan ng biglaan pero pagkatapos noon ay sisingilin niya ito ng malaki. Ang WA lending company na pinagkakautangan din ni Judith ay kanyang pag-aari. Hindi nga lang ito maiuugnay sa kanya dahil ang inisyal ng kumpanyang iyon ay pangalan ng kanyang ina. Wilma Agustina. Ayaw naman niyang pagmasdan na lamang niya si Judith dahil pakiramdam niya ay sinusumbatan siya ng kanyang konsensiya. Nang una pa lang kasi ay may idea na siya kung anong pinagdaanan nito pero parang biglang nakaligtaan niya iyon nu'ng makita niya ito
"KUMAIN ka pa."Gustong umiling ni Judith kay Storm pero hindi niya magawa. Pakiramdam niya kasi ay magagalit ito kapag tumanggi siya sa gusto nitong mangyari. Dumagundong na naman tuloy ang kabog ng kanyang dibdib ng mga sandaling iyon. "Damn," inis nitong sabi. Hindi na tuloy niya napigilan ang kanyang emosyon. Sunud-sunod ang pagtulo ng kanyang luha. Pakiramdam niya nangagalit ito sa kanya at gusto siyang tirisin na parang kuto. "Judith…"Masuyong-masuyo na ang boses nito ng banggitin ang kanyang pangalan kaya parang ibig na maging kalmante ng kanyang kalooban. Ang puso niya kasi'y parang hinahaplos na ng mapagpalang kamay. "Hindi ka na ba galit?" Tanong niya."Say ah," wika nito.Wala talaga siyang kakayahan na tumanggi kaya bumuka ang bibig niya para tanggapin ang isinusubo nito. Hindi nga lang niya mapagdesisyunan kung ang tono nito ay nag-uutos o nang-eengganyo. "Kailangan mong maging malakas. Hahanapin ka ng… ng Tatay Samuel mo.""Totoo naman ang kasal natin, hindi ba?" T
“JUDITH…”” Parang gustong humagalpak nang tawa ni Judith ng mga sandaling iyon. Kakaiba kasi ang pagbigkas ni Storm sa kanyang pangalan. Hindi iyon naiinis o nagpipigil ng galit kundi padaing. Wariý nahihirapan ito. Kaya, parang gusto niyang isipin na naapektuhan ito sa kanyang sinabi. Marahil nga ay nai-imagine na rin nito na sila’ý magkayakap at naghahalikan. Ngunit, hindi lang doon nagtatapos ang kanyang request. Shucks, bulalas niya sa sarili. Hindi rin niya malaman kung paano niya nagawang sabihin ang mga ganoong salita gayung nu’ng isang araw ay nagwawala siya dahil rumehistro na naman sa utak niya ang kademonyohang ginawa sa kanya ng sariling ama. Ngunit, hindi naman maaaring lagi na lang siyang matatakot sa nakaraan na gusto na niyang ibaon sa limot. Masyado pa siyang bata noon kaya hindi rin niya tiyak kung nagtagumpay nga ba ang ama sa ginawa sa kanya. Nang imulat niya kasi ang kanyang mga mata, naroroon na ang kanyang ina at ang kanyang Tatay Samuel. Iyak nang iyak ang
ANG gusto sana ni Storm ay matulog na lang nang mahimbing para hindi na gumana pa ang kanyang imahinasyon. Marahas na buntunghininga ang pinawalan niya matapos niya sabihin sa sariling, “Hindi ito imahinasyon. Isa itong katotohanan! Buwisit niyang sabi sa sa sarili. Talaga kasing pinanindigan ni Judith na matulog ng walang bra at panty. Kahit tuloy himbing na itong natutulog at naghihilik pa, siya naman ay hindi makatulog. Natutukso naman kasi siyang ibaba ang tingin sa katawan nito at kitang-kita nga niya ang malulusog nitong dibdib at ang malinis nitong kabibe. Ahit na ahit kasi iyon kaya parang ang sarap s******n. “O, hindi ba sanay ka namang makakita ng n*******d, Buhay man o patay?” kunwaý takang takang tanong ni Judith nang pilitin pa niya itong magsuot ng panloob. Tinakot pa nga niya itong lilipat siya ng ibang kuwarto pero pinagtawanan lang siya nito. Tapos sinabi pa nitong masyado lang siyang naaapektuhan sa kagandahan nito. Bigla siyang natigilan. Talagang buking na buk