Share

Chapter 27 Ang Nakaraan ni Judith

LABING dalawang taon pa lang si Judith pero pinamamahayan na ng kaba ang kanyang dibdib. Palagi niya kasing nahuhuling nakatingin sa kanya si Donato – ang kanyang ama.

Ayaw sana niyang bigyan ng kahulugan ang mga pagtitig nito pero dahil sa mahilig siyang magbasa ng komiks at pocketbook, nagkakaroon siya ng idea. Hindi niya tuloy maiwasan ang kabahan kapag nasa paligid lang ito.

Sa tingin niya ay napapansin din ng kanyang ina ang aksyon ng kanyang ama kaya palagi nitong sinasabi na mag-iingat siya. Na huwag niya hahayaan ang sinuman na hahalik-halikan o yayakap-yakapin siya. Ang sabi pa ngbkanyang ina, tanging ang asawa lang niya ang may karapatan sa kanyang katawan.

Kapag sinasabi iyon ng kanyang ina, hindi niya napipigilan ang mapangiti. Talaga kasing nangangarap siya na makatagpo ng Prince Charming tulad nina Cinderella at Snow White. Talaga kasing naniniwala siya na may lalaking magmamahal sa kanya ng wagas at tiyak niyang hindi lang iyon nangyayari sa mga libro. Matibay ang pan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status