Share

Chapter 26. Ang Silakbo ng Damdamin (SPG)

SA palagay ni Storm ay hindi sapat ang salitang 'akin ka lang' para manatili sa kanya si Judith. Kaya naman ng makarating sila sa bahay ay agad siyang bumaba matapos sabihin kay Judith ang mga salitang 'dyan ka lang'. Pakiwari niya kasi kung hindi niya ipag-uutos ang mga salitang iyon ay agad na itong bababa at magtatatakbo papasok sa kanilang bahay.

Mainit na mainit pa rin ang kanyang ulo nu'ng buksan niya ang pintuan at hilahin si Judith. Mahigpit na mahigpit ang hawak niya sa kamay nito na para bang makakawala ito sa kanya kapag niluwagan niya ang paghawak niya roon.

"Storm…" kinakabahang sabi nito.

Kahit na nanginginig ang boses ni Judith nang mga oras na iyon, wala siyang pakialam. Ang tanging nananahan lang sa kanyang isipan ay iyong hindi siya makapapayag na maagaw pa ito sa kanya ni Jiwan.

Sabihin man sa kanya ng paulit-ulit ng kanyang Lola Anastacia na walang kasalanan si Jiwan sa nangyari sa kanyang pamilya, hindi niya iyon tanggap. Wala siyang pakialam kung anak lang si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status