Share

Chapter 23 Ang Pagkakalapit nina Storm at Judith

BIGLANG napadilat si Judith.

"What happened?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Storm.

May palagay siyang kanina pa siya pinagmamasdan ni Storm kaya naramdaman niyang nag-init ang kanyang mukha. Bigla tuloy niyang nalimutan ang kanyang panaginip gayung pagkagising niya ay ang lakas-lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Kunsabagay, hanggang ngayon naman ay ganoon pa rin ang kanyang nararamdaman. Parang tinatambol ang kanyang puso dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis-alis ni Storm ang pagtitig sa kanya.

Well, ganoon din naman ang kanyang nararamdaman. Hindi rin niya gustong alisin ang pagtitig sa kaguwapuhan ni Dr. Storm.

"Ano bang napanaginipan mo?" Tanong ni Storm. Hindi nito magawang ipagkaila sa boses ang sobrang pag-aalala. Kung hindi nga siya nagkakamali ay may panic pa siyang nararamdaman doon.

Saglit siyang natigilan sa tanong nito, pagkaraan umiling. "Hindi ko matandaan. Bakit?"

"Umuungol ka kasi kanina. Nakailang yugyog na ako sa'yo. Kung hindi ka pa nagising, hinalika
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status