Share

Kabanata 14.1

Kinakabahan na si Layla dahil uulitin na naman ang scene nilang dalawa ni Scarlett. Ano bang problema ni Zion? Bakit ba hindi pa rin siya nakokontento? Ano bang hinahanap niya? Anong klaseng galit ba?

“Scarlett, I told you to do what Layla did lately. Ipakita mo ang totoo ang galit mo. Are you listening to me?!” ang boses niyang tila kulog at kidlat na galit na galit. Hindi alam ni Layla kung matutuwa ba siya dahil pinapagalitan ni Zion si Scarlett ngayon o maiinis dahil masakit na ang pisngi ni Layla sa kakasampal sa kaniya ni Scarlett.

Salubong ang mga kilay ni Scarlett na nakatingin kay Zion. Ano bang gusto niyang makita? Gusto ba niyang sampalin talaga ni Scarlett si Layla? Ano bang ginagawa niya? Tiningnan ni Scarlett ang pisngi ni Layla at namumula na talaga yun.

Galit naman na ang mukha ni Layla pero hindi lang siya makapagreklamo lalo na at si Zion ang dahilan kung bakit marerelease ang series na ito. Natatakot si Layla na kapag nagreklamo siya ay katapusan na ng career niya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status