Gaya nga ng sinabi ni Zion, nanatili siya sa Korea at pinanuod ang lahat ng taping nila. Napressure yata lahat ng mga artista kaya matinding pagsasanay ang ginawa nila. Natuwa rin si Harry dahil magka-cut lang sila kapag break time na. Mukhang maganda yata kapag nagbabantay si Zion sa kanila pero imposible namang bantayan niya palagi ang mga taping nila.“Let’s take a break,” saad ni Harry. Nakahinga naman ng maayos ang mga artista. Imbis na tubig ang dapat nilang unang kunin, script nila ang una nilang kinuha at muling nagpractice. Napapailing na lang si Scarlett dahil talagang hindi umalis si Zion.Nanunuod lang ito na tila ba nanunuod lang sa TV. Prente pang nakaupo sa mataas na upuan at magkakrus ang mga kamay at mga binti niya.Nakatingin si Zion sa pwesto ni Scarlett habang inaayusan siya ng mga make-up artist niya. Hindi niya naman malapitan si Scarlett dahil paniguradong magtataka ang mga staff at mga artista rito kaya nanatili na lang siya sa pwesto niya.“What do you think?
“I can’t,” mabilis na sagot ni Zion. Matapang niyang sinalubong ang mga mata ng kaniyang ama. Hindi na siya bata para kontrolin pa ang buhay niya lalo na sa mga personal niyang buhay. Siya ang magdedesisyon at siya ang kokontrol ng personal niyang buhay.“I am the media, Dad. I can control everything,” hilaw namang tumawa si Chairman sa sinabi ng kaniyang anak. Tila ba nagmamalaki ito gayong ang pamilya nila ang nagtatag ng kompanya nila.“You think so? You might forget that your grandfather founded our company. It's been a year that you've been hiding your relationship with whoever that girl is. Leave her and go back to America. What kind of husband are you? Kaylee is comatose and she's your only wife and you're just flirting here in the Philippines?!”“Oo, tama kayo. Si Lolo ang nagtayo ng mga negosyo natin pero baka nakakalimutan niyong sa akin nakapangalan ang Grayson Entertainment kaya wala kayong pakialam sa business ko. Gagawin ko kung anong gusto ko sa negosyo ko.” matigas niy
Sumama si Scarlett kay Jared sa coffee shop na malapit lang sa kompanya ni Zion. Wala naman na rin kasi silang gagawin lalo na at mamayang gabi pa ang balik nila para sa unang release ng episode nila. Muling napabuntong hininga si Scarlett, inaasahan niya naman na hindi magiging maganda ang sasabihin ng mga viewers lalo na at siya ang female lead pero hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan.Hinihintay niya si Jared na nasa counter pa para sa order nila. Nang makaorder si Jared ay bumalik na siya kay Scarlett.“Kinakabahan ka ‘no?” nang-aasar na saad ni Jared.“Hindi ah,” tipid na sagot ni Scarlett kaya bahagyang natawa si Jared. Masyado bang halata sa mukha niya na iniisip niya ang paglabas ng first episode nila?“Huwag mong isipin kung anong sasabihin ng iba. Just focus to your goal Scarlett, hindi sila ang dahilan kaya ka nagpapatuloy. Yung kaibigan mo ang hindi ko maintindihan. Nagagalit siya dahil lang sa nagtago ka?” napapailing na saad ni Jared.“No offense ha? Alam ko naman
Hinawakan ni Jared ang kamay ni Scarlett para pakalmahin ito.“Hindi mo kailangang matakot lalo na kung alam mong wala ka namang ginagawa. Sabihin mo sa’kin kapag binalikan ka ng lalaking yun at patuloy na tinatakot, ipapablotter natin siya at ibabalik natin kung saang bansa siya nararapat.” Anas pa niya. Paano nga kung ang ama siya ni Zion?Hindi sigurado ni Scarlett kung wala ba talaga siyang ginagawa lalo na at guilty siya sa pagkakaroon niya ng secret relationship with Zion.“Huwag mo ng isipin yun, let’s go, ihahatid na kita.” Tumayo na si Jared at inalalayan pang tumayo si Scarlett dahil nanghina ang mga tuhod niya. Napapatulala na lang si Scarlett. Ganito na lang ba talaga ang buhay niya? Maraming nagbabanta, maraming gusto siyang mawala.Mapait siyang ngumiti, ano pa nga bang ipinaglalaban niya sa mundong ito? Wala siyang matawag na kakampi, wala siyang mapagsabihan ng mga problema niya, wala siyang makasama, wala man lang siyang maiyakan.Ang saklap ng buhay, kahit nasa sayo
Hindi alam ni Zion kung anong takot ang ibinigay niya kay Scarlett. Nawala siya sa sarili niya at hindi niya nakontrol ang galit niya. Mabuti na lang at nakontrol niya ang sarili niya kanina para sugurin si Jared. Mahina na ang pag-iyak ni Scarlett at unti-unti na rin itong kumakalma.Humiwalay na si Zion sa pagkakayakap niya kay Scarlett saka niya pinunasan ang mga luha ni Scarlett ang hinlalaki niya.“I’m really sorry if I scared you, Scarlett. I didn’t mean it.” Hinging paumanhin pa rin niya. Hindi maintindihan ni Scarlett kung bakit ba ito nangyayari sa buhay niya. Oo, asawa niya si Zion at hindi niya yun mababago. Pag-aari siya ni Zion at wala siyang karapatan na magreklamo sa gusto nitong gawin sa kaniya lalo na at kusa niyang ibinenta ang katawan niya kapalit ng pagtulong at pera ni Zion.Nakayuko pa rin si Scarlett. Mas nangingibabaw ang takot niya sa lalaking nakausap niya kanina. Gustong itanong niyang itanong yun kay Zion pero ayaw ni Scarlett na madamay pa si Zion sa saril
Makalipas ang ilang oras ay naggayak na rin si Scarlett dahil dadalo siya para sa pagrelease ng unang episode nila. Tila ba biglang nawala ang kabang nararamdaman niya dahil mas nangingibabaw na ang kaba niya dahil sa pagbabanta sa kaniya ng matandang lalaki na hindi niya naman kilala.Katulad nga nang sinabi ni Zion kanina ay inihatid siya nito sa kompanya. Sa basement na silang dalawa dumaan at dumiretso na sa isang conference room. Kompleto na lahat ng mga artista at hinihintay na lang ang oras ng paglabas ng series nila.Excited silang lahat at kinakabahan dahil siguradong paglabas ng unang episode ay sasabog ng komento ang mga netizen. Nasa dulo si Zion, sa gitnang upuan habang nasa unahan niya naman ng kaunti si Scarlett.Bukas na bukas, siguradong sasabog ang notification niya dahil paniguradong magugulat ang mga dati niyang fans. Ang inakala nilang patay na ay muling nagbalik at biglaan pa ang paglabas niya sa showbiz. Wala pa siyang nailalabas na statement regarding sa dati n
Maaga pa lamang ay nagkakagulo na sa harap ng kompanya ni Zion dahil sa mga reporters na nagmula pa sa iba’t ibang TV station. Mula nang mairelease ang first episode nila kagabi ay hindi pa rin nagbubukas ng social media si Scarlett para maihanda niya ang sarili niya dahil alam niyang magkakagulo dahil sa walang pasabi niyang pagbabalik.Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Isang taon niyang pinaghandaan ito kaya dapat alam niya na ang gagawin niya at hindi siya magpapaapekto sa sasabihin ng iba.Maagang pumasok si Zion sa kompanya dahil tumawag sa kaniya ang mga empleyado niya dahil sa nangyayari sa harap ng kompanya. Hindi niya na hinintay si Scarlett dahil mas lalo lang magtataka ang lahat kapag nakita pa nilang bumaba si Scarlett sa kotse ni Zion.Nang makababa si Zion sa kotse niya ay sinalubong siya kaagad ng mga security guard ng kompanya para maiwasan na masaktan siya o malapitan ng mga reporters.“Mr. Grayson, do you know about her come back? Alam niyo man lang po ba n
Una pa lang ay planado na kung bakit ayaw ni Scarlett na ipaalam kaagad sa public ang pagbabalik niya. Sinurpresa niya ang lahat ng mga ito sa pamamagitan ng new series niya. At dahil ang alam ng lahat ay patay na siya at bigla siyang lumabas sa TV show, nacurious silang lahat na isearch ang pangalan ni Scarlett at ang new series niya. Sa loob lang ng magdamag ay naka-200 million views sila at Pilipinas ang pinakamaraming views. Dahil sa pagtataka ng mga tao ay napasearch sila sa new series niya. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi sila naglabas ng trailer. “Well, it’s a good idea. Umingay uli ang pangalan mo, hindi man ganun kaganda ang mga sinasabi tungkol sayo. I know that you can handle this, right?” tanong pa ni Zion. “Ngayon pa ba ako susuko at aatras? Ito pa lang ang simula. Wala na akong pakialam kung anong sabihin nila sa akin. Maganda man o hindi ang sabihin nila way pa rin yun para mas paingayin nila ang pangalan ko lalo na ang new series ko under your company. Ayaw man