Share

Chapter 38: Snake

CHAPTER 38

Snake

Hindi pa nagising si Dwane. Isang baling muli sa kama niya at sa nakapikit niyang mga mata, bumuntong hininga ako at saka sinarado na ang pinto sa kwarto niya.

Hindi ko alam kung kailan siya magigising. Walang nakaaalam kahit ang mga nurse at doctor na tumitingin sa kaniya, walang maibigay sa aking sagot. I understand and I won’t be mad at them. Alam ko naman na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya at ina-update kami sa bawat update sa kalagayan ni Dwane.

Malala ang tama niya sa tiyan. Natamaan ng bala ang isang laman sa kaniyang kidney kung kaya’t natagalan ang proseso ng pagre-revive sa kaniya. Isama pa na marami ang dugong nawala sa kaniyang katawan at dahil mailap ang pamilya ni Dwane at pinili ng mga tauhan niya na itago ang operasyon kay Dwane, natagalan pa sa paghahanap ng blood donor. Buti na lamang ay may isang tauhan mula sa kaniyang kampo ang malapit sa uri ng kaniyang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status