Continuation…
Dalawang oras.
Dalawang oras na akong naririto pa rin sa loob ng isang kwarto.
“Dapat na ba nating pakainin ‘yan?” tinig ng isang lalaki na nasa likod ko. Bulong iyon pero siguro dahil ay nakapwesto siya sa malapit, nadinig iyon. Nakatulong pa na um-echo ang kanilang mga boses sa t’wing sila’y nagsasalita.
May pakiramdam ako na nasa isang vault kami. Or, was it just a feeling? Hindi ko alam. Ngunit kung susubukan kong magpatunog ng isang bagay, at mapansin ang tunog na malilikha noon, masisiguro ko ang hinala ko.
At kung vault nga, e ‘di mas mahirap ang pagtakas. I gritted myn teeth in annoyance. Wala pa nga akong napapatunayan ay sumusuko na agad ako?
“Hindi ko alam. Pero tatlong oras na mula nang nandito ‘yan.”
Napalabi ako. Tatlong oras. Dalawang oras na akong gising. Isang oras na pagkakatulog.
Pagabi na. ibig sabihin.<
Continuation…Isa na lang ang natitirang kasama ko sa loob ng kwarto.Should I… move now?“T-teka, at naiihi rin ako,” dinig kong salita nang tanging tauhan na kasama ko lang ngayon.Napalunok ako. Medyo lumaki ang kaba sa akin na maiiwan na mag-isa rito sa kwarto.“Ang tagal naman kasing dumating ni Albert! Dumi ba inilalabas no’n?” tumawa ito.Pagkaraa’y bumukas ang pinto at mabibigat ang hakbang ng pumasok. Lalaki, base sa naamoy konghumalimuyak na pabango.“Rovert! Ang tagal niyo naming bumalik at gusto ko na ring magbanyo!”So, he was speaking to that Rovert guy now. Iyon ang narinig ko na baka… may gusto sa akin?“H-Huh? O, sige. Ako na lang muna ang magbabantay dito.”
CHAPTER 42 CallThird Person’s POVThree hours earlier…Tahimik ang buong kwarto. Ni isa ay walang gusto na magsalita. Hindi sila pipi at wala ring busal ang mga bibig ngunit tila ba may kung ano sa kanilang lalamunan ang pumipigil sa kanila upang magsalita. Punong puno sila ng lakas ngunit pinapangunahan nag takot – takot nab aka kung maglakas ng loob sila na magsalita ay pumigil sa kanila ang isang bala mula sa baril na hawak ngayon ni Dwane.Yes, he’s awake now. And the news of his wife and only son got kidnapped wasn’t a good welcome to the king you see. At ang mga tauhan nitong nakalinya sa kaniyang harapan at tila mga tuta na minsan lang umamo ay hindi nakatutuwa sa araw na iyon. Wala pang isang araw na nagigising siya at ang mensahe na nawala sa kaniyang piling ang kaniyang asaw
CHAPTER 43Thank YouThird Person’s PovWalang nakaimik kaagad matapos marinig ang ipinasang mensahe ni Karhiza sa lahat. Ang lahat ay may iisang emosyon sa kanilang mga mukha – gulat.“We need to move now to the plan,” ani Dwane na siyang bumasag sa pagiging tahimik ng lahat.Gulat na bumaling sa kaniya ang mga tauhan. Tila hindi naproseso ng lahat ang sinabi ni Dwane.“Plan? Tutuloy pa rin tayo?” wika ni Karhiza. “Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko? That mad woman wants your position! Iyong pinaghirapan niyo sa tagal ng panahon! Ibibigay niyo lang iyon sa kaniya?”“Karhiza!” si Sky.Kararating lang nito dahil sa dami ng kinailangang asikasuhin sa opisina ni Dwane. At nang nalaman ang nangyayari ay agad na tinapos ang mga gawain para tulungan ang mga kasamahan. She’s tired and all of them knew th
CHAPTER 44AgentsKarhiza’s POV“Nakahanda na ba ang lahat?” tanong ko sa mga tauhan na nakatalaga sa akin.Isang oras na lang ay aalis na ang barko namin upang layagin ang papunta sa hinihiling na lugar ni Amber, at kung saan din sila nagtatago sa mga oras na ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali sa t’wing maiisip na ang dalawang mag-ina na iyon ay nasa mga kamay nila at anumang oras ay nanganganib ang mga buhay!Alam ko na hindi naman ako nagkulang, ngunit hindi ko pa rin na hindi magawang sisihin ang sarili ko sa nangyaring ito. Kung sana lamang ay naroroon ako. Kung sana lang ay kasama nila ako. Kung sana lang ay hindi ako umalis at inasikaso ang ibang bagay na makakapaghintay naman! Kung sana ay sinamahan ko na lang sila sa mansion at nagawa silang ipaglaban hanggang sa maubos ako… ay sana hindi kami aabot sa ganito!Pinatawag ako ni Sky
CHAPTER 43AgentsSky’s POVI was trained to be perfect like him.“Eyes on the gun, Sky…”Nilingon ko nang may nangungusap na mga mata ang taong nasa tabi ko – ang dahilan kung bakit ako naririto pa sa mundong ito hanggang ngayon, at sinusubukan na baguhin ang dikta ng tadhana sa buhay ko.“Aim the black circle. Think that it’s the enemy in front of you. Then, breathe… and shoot,” dikta niya sa’kin sa malalim at seryosong boses.Kung ano man ang nalaman ko patungkol sa kaniya sa loob ng ilang buwan na nasa puder niya ako, iyon ay ang magkakahalong version niya ng kaniyang sarili sa bawat araw na makakausap ko siya at makikita. He’s a mix of a raven, eyes like a hawk, voice like a roar of a lion, and move like a wild beast. Punong puno ng galit at pait ang kaniyang mga titig sa t’wing nasa harapan
CHAPTER 43AgentsAce’s POV“Handa na ba ang lahat…”Mula sa paglilinis ng baril ay binalingan ko si Boss – si Dwane na nakatayo sa pinakamataas na deck sa malaking yate na pagmamay-ari niya mismo. Ngumisi ako nang bumaba ang tingin ko sa malaking ngalan na nakalagay sa gilid ng yate.ABV.Umiling-iling ako, pero hindi ko magawang matawa. Wala na, inlababo na nga ang batas namin. Pero teka, hindi ito ang oras ng pagbibiro, gago ka! Baka marinig pa ako ni Dwane at maramdaman ko na lang na may tumutulo ng dugo sa katawan ko kasi binarily niya ako sa galit.“Naka-ayos na ang team nina Kisha at Karhiza sa kanilang mga pwesto, Boss.” Tumatakbo si Luke paakyat sa deck nang narinig ko iyon. “Sumama si Alex. Hindi raw niya gusto na wala siyang magawa sa’yo kaya hinayaan ko na.”Napaangat ako ng kilay at tingin.
CHAPTER 44Amber3 hours earlier (Isla Azul)Arra’s POV“Saan niyo nga ba ako dadalhin talaga?”Nakailang tanong na yata ako no’n pero ni isa sa apat na kasama kong tauhan ay hindi ako sinagot. Kay si Rovert na nasa tabi ko at isa sa humahawak ng mariin sa braso ko upang hindi ako makatakas ay hindi rin ako pinapansin. Akala ko ba kanina ay kakampi ko ito? Mapapalambot ko na sana ang puso ng isang ito at makakatakas na ako kung hindi lang dumating nang maaga ang mga kasama niya!Sayang lang ang pagkakataon ko na iyon!“Ano? Walang magsasalita sa inyo? Mag-iingay lang ako ng mag-iingay dito hanggang sa mainis na kayo sa akin sige!” pang-aasar ko.Isang malaking hallway ang dinaraanan namin. Kanina lang ay umakyat naman kami sa isang hagdan at sumakay ng elevator. Sa hula ko ay isang malaking build
Continuation…Sana pala ay ginawa ko na ito kanina pa.“Hindi ba ‘yan matatapos kakadaldal? Para na akong nahihilo sa boses niya!” si Delton na nginisihan ko na lang.Nasa isang malaking kwarto kami, na mukhang opisina pa nga dahil sa iilang gamit lamang na nasa loob. Isang lamesa, isang swivel, isang shelf sa gilid na may kakaunting mga libro at isang painting ng ahas sa isang tabi. Kitang kita ko na at alam na alam ko na ang hitsura no’n kahit sa malayuan dahil iyon din ang imahe ng ahas na nasa mga atok at leeg nitong mga kasama ko.Nilingon ko ang malawak na dagat na nasa harapan namin. Ang nasa likod ng mesa at isang swivel ay isang malaking glass window na abot tanaw ang dagat sa harapan. Ang paghampas ng mga alon sa dalampasigan ay umaabot pa rin hanggang dito, kahit nasa pinakaitaas kaming kwarto, at kulob ang opisina.“Sino ang may-ari nitong kwarto?&rdquo