Share

Kabanata 35

Paulit-ulit na pag-ubo ang tugon ko. Pambihira talaga itong anak ko, lagi na lang akong ginugulat. Pero bakit nga ba ako, naubo? Madali lang naman sagutin ang tanong niya. Madali lang sabihin ang totoo.

Ngumiti ako. Kinulong ko ang pisngi niya sa mga palad ko. Tumitig pa ako sa mga mata niya. "Anak—" Napalunok ako at hindi na natuloy ang sasabihin. Umurong ang dila ko.

Madali lang pala isipin, pero mahirap sabihin. Nakagat ko ang labi ko at sandaling nag-iwas ng tingin. Mukhang napasubo yata ako ah. Ngayon kasi ay hindi ko na alam kung ano ang susunod kong sasabihin. Baka kapag sinagot ko ang tanong niya, masusundan pa ng isang tanong. Iyon nga kasi ang madalas na nangyayari.

Nakamot ko ang ulo ko at mapaklang ngumiti.

"Tulog ka na Anak, gabi na kasi, bukas ko na lang sagutin ang tanong mo, ha. Wala ka namang pasok bukas kaya mahaba-haba ang oras natin na mag-usap," mahaba kong palusot.

Sana nga lang ay lumusot. Gumusot kasi ang mukha ng Anak ko. Ginulo ko na lang ang buhok niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Che Palmes Cordero
Selos pa more
goodnovel comment avatar
Nan
Hahaha...! talagang si Fred Ang may pag- asang magkatuluyan dahil mayron na silang anak
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status