Paulit-ulit na pag-ubo ang tugon ko. Pambihira talaga itong anak ko, lagi na lang akong ginugulat. Pero bakit nga ba ako, naubo? Madali lang naman sagutin ang tanong niya. Madali lang sabihin ang totoo. Ngumiti ako. Kinulong ko ang pisngi niya sa mga palad ko. Tumitig pa ako sa mga mata niya. "Anak—" Napalunok ako at hindi na natuloy ang sasabihin. Umurong ang dila ko. Madali lang pala isipin, pero mahirap sabihin. Nakagat ko ang labi ko at sandaling nag-iwas ng tingin. Mukhang napasubo yata ako ah. Ngayon kasi ay hindi ko na alam kung ano ang susunod kong sasabihin. Baka kapag sinagot ko ang tanong niya, masusundan pa ng isang tanong. Iyon nga kasi ang madalas na nangyayari. Nakamot ko ang ulo ko at mapaklang ngumiti. "Tulog ka na Anak, gabi na kasi, bukas ko na lang sagutin ang tanong mo, ha. Wala ka namang pasok bukas kaya mahaba-haba ang oras natin na mag-usap," mahaba kong palusot. Sana nga lang ay lumusot. Gumusot kasi ang mukha ng Anak ko. Ginulo ko na lang ang buhok niya
Hindi nakahuma si Opaw nang bigla na lamang sumugod si Fred at tinulak siya. Mabuti na lang at hindi siya natumba. Maski na ako ay hindi rin nakapagsalita nang bigla na lang niya akong hinatak palayo kay Opaw."Fred, ginagawa mo? Bitiwan mo nga si–"" 'Wag kang makialam," gigil niyang sabi habang duro si Opaw na akma sanang susunod sa amin. Hawak ko na rin ang kamay niya na mahigpit na nakahawak sa braso ko. Kahit huminto pa ako sa paghakbang at nagmatigas, pilit niya pa rin akong hinahatak palabas. Halos pakaladkad na nga ang ginawa niya. "Fred, ano ba? Bitiwan mo nga ako, nasasaktan ako," pabulong kong sikmat, kasabay ang paglibot ng paningin sa paligid. Gusto ko man siyang sigawan. Gusto ko mang ilabas ang galit ko sa ginagawa niya sa akin ngayon, hindi pwede dahil maraming tao sa paligid. Ayokong gumawa ng gulo o gumawa ng eksena at pareho pa kaming ma eskandalo. "Fred— " "Tumahimik ka!" madiin niyang sabi.Sandali akong natigilan. Hindi lang kasi simpling inis ang nakikita ko
(FRED POV)Pigil ang pagpakawala ko ng buntong-hininga habang tanaw ko ang aming tahanan. Hindi alam ng mga magulang ko na uuwi ako ngayon. Ang alam nila, sa susunod na linggo pa ang uwi namin.Pero napauwi ako nang wala sa oras, matapos ang sagutan namin ni Gwin. Napag-isip-isip ko rin, tama siya, kailangan ko munang lumayo sa kanila.Bago pa sa akin ang lahat ng pangyayari. Hindi tulad niya na nasanay na sa buhay, kasama ang Anak namin.Ang bagal ng paghakbang ko. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa mga magulang ko ang nangyari sa amin ni Gwin. Kanina pa ako nag-iisip, kung paano ako magpapaliwanag sa kanila, but I can't come up with anything, not even a single sentence. "Fred, bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka pala ngayon. Napasundo ka sana namin sa driver," bungad ni Mommy, may matamis na ngiti habang papalapit sa akin. Kamot sa batok at mapaklang ngiti ang tugon ko. "But wait, bakit nga ba napaaga ang uwi mo? Weren't you supposed to go home next week?" nagtata
Sandali akong natigilan sa narinig mula kay Mommy; hindi kaagad ako nakapagsalita. Hindi ko inaasahan na ganito ang sasabihin nila; na ganito ang magiging desisyon nila. "Kasal?" natanong ko kalaunan.Seryosong titig lang ang sagot ni mommy sa tanong ko.Napahawak ako sa batok ko. Ang in-expect ko na gagawin nila ay pagagalitan din si Gwin, pero hindi iyon ang nangyari. Tinanggap pa nila kaagad, bilang daughter-in-law law nila. Napaka-unfair para sa akin. Hindi man lang nakatikim ng sermon ang babaing 'to, gaya ko. Tingin ko nga ay natutuwa pa ang mga magulang ko na sinugod ako nitong si Gwin ng sampal at hampas. Hindi nga kasi sila nag-react at hindi man lang nila inawat si Gwin. Pero nang makita ko ang reaksyon ni Gwin, nakaramdam naman ako ng tuwa. Nanlaki kasi ang luhaan niyang mga mata at napanganga pa. Kung nagulantang man ako sa narinig, mas lalo na siya. Nakakatawa nga ang hitsura niya. Kung kanina ay para siyang pusang gala na nagwawala at sinugod ako, ngayon ay para na s
"Dad naman!" reklamo ko. Napalingon si Gwin sa akin. Gulat at umawang na naman ang labi.Nakakagulat nga 'yong sinabi ni mommy na planong kasal namin ni Gwin. Pero hindi naman ako tutol do'n. Ang mabigay sa anak ko ang buong pamilya ay 'yon ang mahalaga. "Sir Franc, hindi po basta-bastang desisyon ang kasal. Kung magpapakasal man kami ng nobyo ko, dapat handa po kaming pareho at hindi napipilitan lang," mahinahong tugon ni Gwin. Pero napabuga naman ng hangin matapos sabihin 'yon."Oo nga naman, Dad," sang-ayon ko sa tugon ni Gwin. " 'Tsaka, Dad, hindi ba dapat kami ni Gwin ang magpapakasal? Bakit biglang sa nobyo niya? Pa bago-bago po naman kayo ng desisyon," pamaktol kong tanong. Nahagod ko pa ang buhok ko. Isipin ko lang kasi na si Opaw ang makakasama ni Gwin sa harap ng altar, umiinit na ang ulo ko. Napasulyap ako sa anak kong bahagyang napangiti. Nagustohan yata ang sinabi ko, mukhang kampi ko 'tong anak ko.Napailing si daddy. " 'Yon nga sana ang gusto naming mangyari, kung w
"Gusto mong maging tayo, Fred?" kunot-noo niyang tanong. Seryoso at walang kurap na tumitig sa akin. Tumango ako. Paulit-ulit at ngumiti pa. Pero nawala ang ngiti ko nang magsimulang yumugyog ang balikat niya. Takip na rin ang palad niya sa bibig at napapapikit pa. Hanggang sa kumawala na nga ang pinipigilang tawa. Nakakagago naman 'to si Gwin. Seryoso nga ako. Akala yata nagbibiro ako, kaya tumawa ng todo. Napasimangot ako at nagbaba ng tingin. Sekreto pa akong napabuga ng hangin."Gwin, seryoso ako," halos pabulong kong sabi. "Seryoso ka? As-in?" nakakagago niyang tanong. Hindi pa rin matigil ang tawa niya, pero pinahid naman ang naluluha niyang mga mata at nakapa pa ang tiyan. Kakasakit ng damdamin 'to si Gwin. Hindi niya alam kung anong kaba ang naramdaman ko habang sinasabi ang salitang 'yon. Tapos, tinawanan niya lang."Tingin mo ba nagbibiro ako? Gusto ko nga na maging maayos tayo, Gwin. Gusto kong sumaya ang anak natin. Kaya kahit ang hirap mong kausapin dahil lagi kang g
(GWIN POV)"Ay ambot (ay ewan!) Sakit kayo sa ulo," singhal ko dahil sa dismaya. Walang katapusang problema na lang talaga ang napapala ko. Nagulo ko na lamang ang buhok ko at napasabunot pa, saka ko naman sinamaan ng tingin ang dalawang lalaki na walang ginawa, kung hindi ang magdala ng problema sa buhay ko. Padagbog akong pumanhik sa ikalawang palapag. Hindi na ako nag-abala na sagutin pa ang kalokohang tanong ni Fred. Halata na naman na nang-iinis lang siya.Para akong bata na nagmamaktol, hindi kasi matigil ang pagkibot ng labi ko. Gusto kong ilabas ang lahat ng inis ko, pero nakakapagod na. Paulit-ulit na lang kasi. Ni kunti naman, hindi nababawasan ang bigat na pasan ko sa balikat ko, kahit magwala pa ako.Isa din talaga si Tonyo sa bwesit sa buhay ko. Pala desisyon din. Pinapunta pa rito si Opaw, hindi naman siya inutusan. Ano na ang gagawin ko ngayon? Baka makasal nga ako ng wala sa oras, kapag hindi ko inamin ang totoo sa mga magulang ni Fred. "Gwin ..." awtomatikong nahin
"Widmark ..." Nasapo ko ang noo ko. Hindi ko pala katabi ang anak ko. Kaagad na kasi akong lumabas sa kwarto ni Fred, kagabi matapos ko siyang hampasin ng unan. Loko-loko siya. Akala niya, payag akong tumabi sa kanya. Asa siya.Matamlay akong lumabas ng kwarto. Nag-message na kasi si Tonyo na parating na sila Opaw. Mabuti na lang at maagang umalis si Fred. Kinatok nga niya kasi ako kanina bago umalis. Kung saan man siya nagpunta. Hindi ko alam at wala akong balak malaman.Gano'n din ang mga amo ko, nagpaalam din na ipapasyal nila si Widmark, gusto nga sana nila akong isama, pero tumanggi ako, sinabi kong pagod at antok pa ako. Mabuti naman at hindi na nila ako pinilit.Pero ang totoo, talagang naiilang ako na makasama ang mga amo ko. Bukod do'n, takot din akong malaman ng ibang tao na anak namin ni Fred si Widmark.Matamis na ngiti ang bumungad sa akin nang marating ko ang living room. Kararating lang din kasi nila Opaw at Tonyo. "Opaw, maraming salamat, pasensya na talaga, at pati