"Kumusta ka na Fred?" Sandali akong napatitig sa babaeng kaharap. Ang amo ng mukha at may matamis na ngiti. "Hindi ka pa rin nagbago, ang guwapo ko pa rin—""Wala akong panahon na makipagkumustahan o makipagplastikan sa'yo! Ang tanong ko ang sagutin mo!"Kahit pasikmat ang pagsasalita ko, hindi pa rin nawala ang ngiti niya. Panakanaka rin niyang sinusulyapan si Gwin, na alam kong nasasaktan habang nakatingin ang babaeng iniisip niya na karibal pa rin niya sa pagmamahal ko."Bawal ka na ba ngayong makita, makumusta at makausap?"Malumanay ang pagsasalita niya, pati nga ang postura at kilos niya ay nagbago rin. Naging pino at mahinhin. Malayong-malayo sa dating Mitch na kilala at minahal ko.Pero kahit anong laki ng ipinagbago niya, kahit maging santa pa siya sa pangin ng iba. Ang tingin ko sa kanya, hindi pa rin nagbabago. Siya pa rin ang dating Mitch na walang hiyang nagpaikot at gumago at ginawa akong tanga ng paulit-ulit. Ang babaeng kati lang sa katawan ang iniisip. Babaeng hindi
"Fred, ano na ang gagawin natin?" Niyapos ko si Gwin. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi ako natatakot sa maaring gawin ni Mitch. Kahit na ang totoo ay takot din ako, balisa, at nalilito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.Rinig pa rin namin ang sigaw Mitch. Kahit kasi kusa na siyang naglakad papunta sa gate, hindi pa rin tumitigil ang pagbabanta niya na babalik siya at gagawin ang lahat, kikilalanin ko lang ang anak niya."Fred, bakit ngayon pa 'to nangyari?" Haplos ko na ang likod ni Gwin na umaalog dahil sa mahinang pag-iyak. "Tahan na Gwin. 'Wag ka nang umiyak. Sisiguraduhin kong hindi na muling makakaapak ang Mitch na 'yon dito. Hindi niya tayo magugulo. Hindi mo na uli siya makikita."Humigpit lalo ang yakap ni Gwin sa akin na may kasabay pa rin na paghikbi. "Fred, paano kung anak mo nga ang batang 'yon? Anong gagawin mo?" Hindi ko magawang sagutin kaagad ang tanong niya. Natiim ko ang mga mata ko at nakagat ang pang-ibabang labi, pero haplos ko na ang buhok niya. Ay
Ilang buwan na ang lumipas matapos magpakita sa amin si Mitch, dala ang bata na sinasabi niyang anak ko, at simula ng araw na 'yon, hindi na siya bumalik o nagpakita pang muli.Tuloy ang masayang buhay kasama ang mag-ina ko. Hindi na rin natuloy ang plano ng pinsan ko, at ni Tonyo na kuhanan ng sample ang bata para sa gagawing DNA.Hindi kasi ako pumayag sa gusto nila. Kaya hindi na rin sila nagpupumilit. Ayoko kasing bigyan ng dahilan si Mitch na lalo kaming guluhin ni Gwin dahil sa paglapit ko sa kanila, makakuha lang ng sample. Siguro, natauhan na rin ang babaeng 'yon. Na realize niya, na hindi na nga ako ang dating Fred na kaya niyang utuin, paikutin at kayang gawing tanga. Kaya kusa na lang siyang tumahamik at hindi na nanggulo."Fred ..." Malambing na boses ang nagbalik sa diwa ko na kung saan-saan na nakarating. Pero imbes na lambing din ang tugon. Simangot ang naging tugon ko. Paanong hindi ako sisimangot?Ang ganda kasi ni Gwin, sa suot niyang black deep v-neck gown na ang
Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang sinabi ni Mitch. Kita ko pa na halos matumba si Daddy dahil din sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan na ito pala ang plano ni Mitch, kaya ilang buwan din siyang nanahimik. "Sorry ... sorry, Gwin—" Pag-iling lang ang tugon ni Gwin. Nanginginig ang kamay niya habang punas ang mga luhang pipinilit niyang pigilan. Yakap na rin nila Mommy at Daddy si Widmark. Ang laking kahihiyan ng nangyayari ngayon. Hindi lang ang business namin ang masisira at maapektuhan, lalo na ang mga buhay namin."Mitch! Pinagsasabi mo?" Bumaling ang tingin ko kay Brent. Karga niya ang batang sinasabi Mitch na anak ko. "Anong apo nila?" naguguluhang tanong nito.Hawak na rin niya ang braso ni Mitch at akmang kakaladkarin palabas. "Let go of me, Brent!" Winaksi niya ang kamay ni Brent at tinulak ni ito. Binaba ni Brent ang bata at muling hinarap si Mitch"Akala ko ba, masaya ka para kay Gwin at Fred, kaya nga tayo narito para congratulate sila, di' ba? Ano 'tong ginag
"Fred! Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin tinatawagan, hindi mo naman sinasagot." Salubong ni Mommy sa akin. Hindi kaagad ako nakasagot. Nagulat kasi ako na makita ang mga magulang ko dito sa hallway ng hospital."Bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag namin, hah? Doble-dobleng pag-aalala ang nararamdaman namin, alam mo ba 'yon?"Kahit nalilito ako kung bakit din sila narito sa hospital at kung bakit hysterical si Mommy. Hindi na ako nagtanong. Palakad-lakad ang mga magulang ko habang si Tonyo, nakaupo lang pero matalim naman ang tingin sa akin."Sorry, Mom, Dad. Nawala kasi ang cellphone ko. Nahulog yata sa pool kanina." Kalmado kong sabi na nagpatigil sa lakad nila."Nawala? So, paano mo nalamang nandito kami?"Nagsalubong ang mga kilay ko. Napatayo na rin si Tonyo, kuyom ang kamao na humarap sa akin.Pero hindi ko siya pinansin. Alam kong galit siya dahil sa mga nasabi ko kay Gwin kanina. Galit din naman ako sa sarili ko. Galit ako sa mga nangyayari ngayon." 'Yon din sana ang
Lutang akong naglakad palabas mula sa silid ni Widmark. Nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Kasalan ni Mitch ang lahat ng 'to. Kasalanan niya kong bakit iniwan ako ng mag-ina ko."Fred—" Mahigpit na yapak ang salubong sa akin ni Mitch nang makapasok ako sa silid ng anak niya."Bitiwan mo ako!" Marahas ko siyang inilayo mula sa katawan ko pero hindi ko binitiwan ang mga braso niya. Piniga ko iyon. Sobrang higpit. Gusto kong iparamdam sa kanya ang galit ko. Gusto kong lalumin siya ng takot."F-Fred ... nasasaktan ako." Napapangiwi siya, kaagad namula ang mga mata. "Ano ba ang nangyayari sa'yo?" Nilingon niya sandali ang anak niya. "Bitiwan mo nga muna ako. Baka magising ang anak natin—"Lalo ko pang piniga ang braso niya. Nagtagis rin ang bagang ko "Anak natin? Sinabi ko ba na tanggap ko na 'yang anak mo?"Namuo na ang luha sa mga mata niya. Bumakas na rin ang takot. "Fred ... a-akala ko, okay na tayo. Akala ko, tanggap mo na siya, kaya ka nga namin kasama ngayon—""Kailan man, hindi
“Sir, pasensya na po. Maglilinis lang po ako. Gagamitin na kasi ang silid na 'to ng bagong pasyente.” Nadismaya ako nang makita kung sino ang pumasok. Akala ko sila Gwin at Widmark na ang bumalik pero hindi. Janitor ang pumasok. Matamlay akong tumayo at lumabas ng silid. Tingin na lang din ang nagawa ko sa janitor. Para akong batang paslit na hindi alam kung ano ang gagawin, hindi alam kung saan pupunta, at hindi alam kung saan magsisimula sa paghahanap sa mag-ina ko. Ang bagal ng kilos ko, yuko ang ulo, at bagsak ang mga balikat na naglakad sa hallway palabas ng hospital. “Excuse me po, Sir. Kayo po ang ama ng batang nawawala kanina sa room niya, hindi po ba?” Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na hinarap ang babaeng kumausap sa akin.“Ako nga. Bumalik na ba sila? Nasaan sila?” Nabuhayan ako ng loob. Nakangiti pa habang nagtatanong.“Bumalik sila, pag-alis niyo kanina lahat, sir. Pumerma lang po ang misis n’yo ng waver na siya mismo ang may gusto na ilabas ang anak niyo sa hospital
GWIN POVParang dinudurog ang puso ko habang nakatingin sa anak ko na kahit tulog, hindi pa rin nawawala ang panakanakang paghikbi. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya na may bakas ng kamay ni Mitch. "Sorry, Anak ko—" Tinakpan ko ang bibig ko. Pinilipit na pigilin ang pag-iyak. "Hindi ako papayag na hindi mananagot si Mitch sa ginawa niya sa'yo Anak. Kahit kampihan pa siya ni Fred, gagawin ko pa rin ang lahat pagbayaran lang niya ang ginawa niya sa'yo."Hinihintay ko na lang si Patrick. Bumalik kasi siya sa hotel para tingnan ang CCTV at mapatunayan kay Fred na mali ang nakita niya. Ang sakit na nang naramdaman ko. Nakita mismo na sinaktan ni Mitch si Widmark, at hindi pa siya nakonteto, itinulak niya pa sa pool ang anak ko. Anong klaseng tao siya? Anong klaseng ina siya? Sinaktan niya ang anak ko, sa harap pa mismo ng anak niya. Walang siyang puso.Paano kong hindi ako dumating? Paano kung tuluyang nawala ang anak ko dahil sa impaktang si Mitch? Hindi ko kakayanin. Baka maging