CHAPTER 149"Bella hija, naka ready ka na ba?" tanong ni Valerie kay Bella kasabay ng pagkatok neto sa pinto ng kwarto ni Bella. Agad naman na binuksan ni Bella ang pintuan ng kwarto nya."Opo Ma ready na po ako," sagot ni Bell pagkabukas nya ng pintuan. Namangha naman si Valerie sa itsura ni Bella dahil bagay na bagay rito ang suot neto na white dress na may konting floral design idagdag pa na napakasimple lamang ng ayos ni Bella dahil light make up lamang talaga lagi eto kung mag ayos ng sarili nya na bagay na bagay naman talaga sa kanya dahil kahit walang make up si Bella ay napakaganda pa rin neto."Wow, bagay na bagay sayo hija ang damit na yan. Napakaganda mo. Ang swerte talaga ng anak ko sayo Bella," puri ni Valerie kay Bella. Nahihiya naman na ngumiti si Bella kay Valerie dahil sa papuri neto sa kanya."Sa-salamat po Ma," nahihiyang sagot ni Bella rito."O sya tara na sa baba at ng makaalis na rin tayo. Nasa baba na rin naman si Vanessa at ang Papa mo," sagot ni Valerie. "Sig
CHAPTER 150Pagkababa ni Bella ng sasakyan ay napangiti na lamang sya dahil alam nya ang lugar na eto dahil eto ang paborito nilang restaurant ni Vin dito sa Tagaytay. Tatawagan na sana nya si Vin pero biglang nagsalita si Valerie sa tabi nya."Tara na Bella," pag aaya ni Valerie."Sige po Ma. Susunod na lamang po ako. Tatawagan ko lang po si Vin," sagot ni Bella at idadial na sana nya ang number ni Vin pero biglang hinawakan na sya ni Valerie sa kamay."Mamaya na lang hija. Halika na muna rito sa loob," sabi ni Valerie habang hila hila na nya sa kamay si Bella papasok ng restaurant. Wala naman ng nagawa pa si Bella kaya nagpatianod na lamang sya rito.Pagkapasok nila sa loob ay nagtataka naman si Bella dahil walang ibang tao roon at nakapatay ang ilaw sa ibang parte ng restaurant ang tanging naiilawan lamang ay ang dadaanan nila papunta sa may likod na parte ng restaurant kung saan may garden na madalas rin nilang pwestuhan ni Vin kapag nandoon sila."Bakit walang tao?" hindi na napi
CHAPTER 151"Hi Bella," nakangiti pa na sabi ni Vin kay Bella pagkarating nya sa harapan neto. Napangiti naman si Bella kay Vin."Anong meron? Nasaan na sila Mama? Bakit may paganito?" sunod sunod na tanong ni Bella kay Vin. Nginitian naman ni Vin si Bella saka nya hinawakan ang kamay neto. Nagtataka naman si Bella sa ikinikilos ni Vin at sa nangyayare ngayon. Kanina pa nya iniisip kung ano bang okasyon meron ngayong araw pero wala syang matandaan kung ano ba ang meron ngayon araw na eto.Napabuga naman muna ng hangin sa bibig si Vin para pakalmahin ang sarili nya dahil kinakabanan na naman sya."B-bella alam ko na marami na tayong pinagdaanan. Nagsimula tayo sa pagiging mag bestfriend at hindi ko naman akalain na mamahalin pala kita ng ganito," panimula ni Vin habang nakatitig sa mga mata ni Bella. Habang si Bella naman ay nakatitig rin kay Vin at ramdam na nya ang panunubig ng kanyang mga mata dahil parang alam na nya kung ano ang nangyayare. Bumuga na naman ng hangin sa bibig si
CHAPTER 152Kasabay ng pag bukas ng ilaw ay ang pagputok ng fireworks sa kalangitan kaya napatingala naman silang lahat doon.Pagkatapos ng fireworks ay Kitang kita naman nila Vin at Bella ang mga magulang at mga kapatid ni Vin na nakangiti sa kanila. Hindi rin nakaligtas sa paningin nila ang umiiyak na ina ni Vin. Kita rin nila ang mga kaibigan nila na nakangiti sa kanila at kumpleto rin ang mga eto.Maya maya ay nagsilapitan na sa kanila ang pamilya ni Vin kasunod ng mga kaibigan nila."Congratulations mga anak," bati ni Valerie kila Vin at Bella saka nya eto yinakap. "Thank you Ma," halos magkapanabay pa na sabi nila Vin at Bella habang nakangiti kay Valerie."Congrats ate Bella at kuya Vin," nakangiti na sabi ni Viela sa mga eto."Salamat," sagot nila Vin at Bella. "Akala ko hindi ka na magsasalita kanina kuya e. Haha," biro pa ni Viela kay Vin."Muntik na. Hahaha," tatawa tawang sagot ni Vin."Kayo nagplano neto?" tanong na ni Bella. Nginitian naman ni Viela si Bella."Nagpatul
CHAPTER 153Napatigil naman si Vin sa paghalik nya kay Bella ng may biglang tumikhim malapit sa kanila. Sabay pa silang napalingon ni Bella sa kanilang likuran dahil naroon ang tumikhim."Ehem. Wala pa po kayo sa honeymoon," nakangising sabi ni Ian kila Vin at Bella. Sinamaan naman ng tingin ni Vin si Ian."Sira ulo ka talaga. Istorbo," sabi ni Vin. Tatawa tawa naman si Ian dahil halata sa mukha ni Vin na naiinis eto."Hahaha. Sorry naman. Baka kasi madala na kayo e wala pa kayo sa honeymoon. Pagkatapos pa yun ng kasal," tatawa tawang sagot ni Ian dito.Nagkatawanan naman ang mga kasama nila roon dahil sa ginawa ni Ian na pang iistorbo sa dalawa. Nahihiya naman na nagtungo ng ulo si Bella dahil ramdam nya na nag iinit ang pisngi nya sa hiya."Ikaw kasi," sabi ni Bella kay Vin. Kakamot kamot naman sa ulo nya si Vin dahil nadala lamang sya dahil sobrang saya nya ngayon dahil finally ay nakapag propose na siya kay Bella."Sira ulo ka talaga Ian. Halika nga rito," sabi ni Colleen at linap
CHAPTER 154Kinabukasan naman habang kumakain sila ng umagahan ay binuksan ni Leonard ang usapin tungkol sa kasal nila Vin."Nakapag usap na ba kayong dalawa? Kelan nyo balak idaos ang kasal nyo?" tanong ni Leonard kila Vin at Bella."Opo Papa napag usapan naman na po namin iyan kagabe. At balak po namin na ikasal bago matapos ang taon," sagot na ni Vin. Tumango tango naman si Leonard sa kanila."Kung ganon ay mas mabuti na asikasuhin nyo na ang mga kakailanganin nyong dalawa. May ilang buwan pa naman kayong dalawa para sa preparasyon ng inyong kasal," sagot ni Leonard."Opo Papa kaya po minamadali ko na po ang iba kong trabaho para po sa sunod na linggo ay maayos na po namin ang ibang mga kakailanganin namin," sagot ni Vin."Mabuti naman kung ganon," sagot ni Leonard."Bella ang tungkol naman sa susuotin nyo ay tayo na lamang dalawa ang mag asikaso. May kakilala ako na magaling magdesign at gumawa ng mga gown," sabi ni Valerie kay Bella."Salamat po Ma. Pero okay lang naman po ako sa
CHAPTER 155"Ang sipag naman talaga e," sabi ni Ian kay Vin ng bisitahin nila eto sa opisina neto. Kasama rin ni Ian ngayon si Mark."Tsk. Hwag ka ngang istorbo dyan. Palagi ka na lang istorbo e," sabi ni Vin kay Ian habang tutok na tutok pa rin sya sa kanyang laptop. Natatawa naman si Mark dahil sa sinabi ni Vin habang si Ian naman ay kakamot kamot sa kanyang ulo."Ano ba ang kailangan nyong dalawa? Bakit kayo narito?" tanong pa ni Vin sa dalawa."Wala lang. Dinadalaw ka lang namin. Mangungumusta ganon," si Mark na ang sumagot."Kumusta naman ang pakiramdam mo ngayon na pumayag na si Bella na magpakasal?" sabat ni Ian na may nakakalokong ngiti sa labi. Sinamaan naman sya ng tingin ni Vin."Tumigil ka Ian ha. Alam ko na tumatakbo dyan sa isip mo," singhal ni Vin kay Ian. Natawa naman si Ian dahil sa sinabi ni Vin."Bakit? Hahaha. Nagtatanong lang e. So kumusta ka naman? Kelan ang kasal?" sagot ni Ian."Ayos naman kami ni Bella basta walang asungot," sagot ni Vin. "Bago matapos ang tao
CHAPTER 156Maaga naman na umalis ng bahay sila Bella at Viela ngayon. Pupunta kasi sila ngayon ng Batangas para tingnan ang ibang lugar doon na nakita nila sa internét. Hindi na sila masamahan pa ni Vin dahil busy eto sa opisna at naiintindihan naman iyon ni Bella dahil kailangan iyon matapos ni Vin bago ang araw ng kanilang kasal para wala na etong iba pang isipin.Hindi rin nila kasama ngayon si Vanessa dahil masama raw ang pakiramdam neto kaya hinayaan na lamang nila dahil alam nila na napagod din eto. Nahihiya na nga si Bella dahil palagi nyang kasama ang dalawa pero ang sabi ng mga eto ay ayos lamang daw naman. May kasama silang driver ngayon dahil hindi sila pinayagan ni Vin na umalis ng sila lamang dalawa dahil hindi nila kabisado ang daan kaya hinayaan na lamang din nila ang gusto ni Vin.Nasa daan na sila ngayon papuntang Batanags ng mapansin ni Bella na may parang sumusunod sa kanila na kotse."Viela napapansin mo ba yung kasunod natin? Kanina pa yan nakasunod e. Baka kak