CHAPTER 153Napatigil naman si Vin sa paghalik nya kay Bella ng may biglang tumikhim malapit sa kanila. Sabay pa silang napalingon ni Bella sa kanilang likuran dahil naroon ang tumikhim."Ehem. Wala pa po kayo sa honeymoon," nakangising sabi ni Ian kila Vin at Bella. Sinamaan naman ng tingin ni Vin si Ian."Sira ulo ka talaga. Istorbo," sabi ni Vin. Tatawa tawa naman si Ian dahil halata sa mukha ni Vin na naiinis eto."Hahaha. Sorry naman. Baka kasi madala na kayo e wala pa kayo sa honeymoon. Pagkatapos pa yun ng kasal," tatawa tawang sagot ni Ian dito.Nagkatawanan naman ang mga kasama nila roon dahil sa ginawa ni Ian na pang iistorbo sa dalawa. Nahihiya naman na nagtungo ng ulo si Bella dahil ramdam nya na nag iinit ang pisngi nya sa hiya."Ikaw kasi," sabi ni Bella kay Vin. Kakamot kamot naman sa ulo nya si Vin dahil nadala lamang sya dahil sobrang saya nya ngayon dahil finally ay nakapag propose na siya kay Bella."Sira ulo ka talaga Ian. Halika nga rito," sabi ni Colleen at linap
CHAPTER 154Kinabukasan naman habang kumakain sila ng umagahan ay binuksan ni Leonard ang usapin tungkol sa kasal nila Vin."Nakapag usap na ba kayong dalawa? Kelan nyo balak idaos ang kasal nyo?" tanong ni Leonard kila Vin at Bella."Opo Papa napag usapan naman na po namin iyan kagabe. At balak po namin na ikasal bago matapos ang taon," sagot na ni Vin. Tumango tango naman si Leonard sa kanila."Kung ganon ay mas mabuti na asikasuhin nyo na ang mga kakailanganin nyong dalawa. May ilang buwan pa naman kayong dalawa para sa preparasyon ng inyong kasal," sagot ni Leonard."Opo Papa kaya po minamadali ko na po ang iba kong trabaho para po sa sunod na linggo ay maayos na po namin ang ibang mga kakailanganin namin," sagot ni Vin."Mabuti naman kung ganon," sagot ni Leonard."Bella ang tungkol naman sa susuotin nyo ay tayo na lamang dalawa ang mag asikaso. May kakilala ako na magaling magdesign at gumawa ng mga gown," sabi ni Valerie kay Bella."Salamat po Ma. Pero okay lang naman po ako sa
CHAPTER 155"Ang sipag naman talaga e," sabi ni Ian kay Vin ng bisitahin nila eto sa opisina neto. Kasama rin ni Ian ngayon si Mark."Tsk. Hwag ka ngang istorbo dyan. Palagi ka na lang istorbo e," sabi ni Vin kay Ian habang tutok na tutok pa rin sya sa kanyang laptop. Natatawa naman si Mark dahil sa sinabi ni Vin habang si Ian naman ay kakamot kamot sa kanyang ulo."Ano ba ang kailangan nyong dalawa? Bakit kayo narito?" tanong pa ni Vin sa dalawa."Wala lang. Dinadalaw ka lang namin. Mangungumusta ganon," si Mark na ang sumagot."Kumusta naman ang pakiramdam mo ngayon na pumayag na si Bella na magpakasal?" sabat ni Ian na may nakakalokong ngiti sa labi. Sinamaan naman sya ng tingin ni Vin."Tumigil ka Ian ha. Alam ko na tumatakbo dyan sa isip mo," singhal ni Vin kay Ian. Natawa naman si Ian dahil sa sinabi ni Vin."Bakit? Hahaha. Nagtatanong lang e. So kumusta ka naman? Kelan ang kasal?" sagot ni Ian."Ayos naman kami ni Bella basta walang asungot," sagot ni Vin. "Bago matapos ang tao
CHAPTER 156Maaga naman na umalis ng bahay sila Bella at Viela ngayon. Pupunta kasi sila ngayon ng Batangas para tingnan ang ibang lugar doon na nakita nila sa internét. Hindi na sila masamahan pa ni Vin dahil busy eto sa opisna at naiintindihan naman iyon ni Bella dahil kailangan iyon matapos ni Vin bago ang araw ng kanilang kasal para wala na etong iba pang isipin.Hindi rin nila kasama ngayon si Vanessa dahil masama raw ang pakiramdam neto kaya hinayaan na lamang nila dahil alam nila na napagod din eto. Nahihiya na nga si Bella dahil palagi nyang kasama ang dalawa pero ang sabi ng mga eto ay ayos lamang daw naman. May kasama silang driver ngayon dahil hindi sila pinayagan ni Vin na umalis ng sila lamang dalawa dahil hindi nila kabisado ang daan kaya hinayaan na lamang din nila ang gusto ni Vin.Nasa daan na sila ngayon papuntang Batanags ng mapansin ni Bella na may parang sumusunod sa kanila na kotse."Viela napapansin mo ba yung kasunod natin? Kanina pa yan nakasunod e. Baka kak
CHAPTER 157Mabilis na rin na lumipas ang mga araw at dalawang araw na lamang at kasal na nila Bella at Vin.Sa mga nakalipas na mga araw ay naayos na lahat ni Bella at Vin ang mga kailangan nila para sa kanilang kasal. Sa Batangas naman nila napili na idaos ang kanilang kasal at naghanap na rin sila doon ng beach resort and hotel na pagdarausan ng kanilang reception. Nais pa nga sanang umapela ni Bella na wag masyadong bongga ang kasal nila ni Vin pero hindi nagpatalo ang ina ni Vin na si Valerie dahil gusto raw nya na bongga ang kasalan na magaganap dahil hindi naman daw kasi biro ang mga pinagdaanan nilang dalawa ni Vin. Wala na rin namang nagawa pa si Bella dahil hindi nya rin maipilit ang gusto nya.Ang mga susuotin nila ay nakahanda na rin. Naipamigay na rin nila ang kanilang mga invitation at isa sa mga sinadya pa talaga nilang puntahan ay si aling Linda na naging nanay nanayan na ni Bella simula ng mamatay ang kanyang ina. Ipapasundo pa nga nila eto para lamang makarating eto
CHAPTER 158Maaga naman na nagpunta ang pamilya ni Vin at si Bella sa beach resort and hotel na kanilang inupahan. Dito na rin kasi sila muna mag stay bago ang araw ng kasal para hindi na sila magahol sa oras dahil malayo pa ang Manila sa Batangas kung doon sila magmumula.May kanya kanya na rin silang mga room doon na pag stayan. Ang mga kaibigan nila Vin at Bella ay mamayang hapon ang dating doon dahil may mga kailangan pa raw silang gawin bago sila pumunta roon. Si aling Linda naman ay doon na idineretso sa Batangas kasama rin neto ang isa pa netong anak."Bella hija," tawag ni aling Linda kay Bella ng maabutan nya eto sa lobby ng hotel. Napalingon naman si Bella sa tumawag sa kanya."Nay Linda," tawag rin naman ni Bella. Nakangiti nya naman etong linapitan saka nya eto yinakap."Kumusta ka hija?" "Ayos lang po ako nay. Kumusta po ang byahe?" sagot ni Bella."Medyo nakakapagod ang byahe pero ayos lamang naman dahil makakadalo ako ng kasal ninyo ni Vin. Masaya ako at sa huli ay kay
CHAPTER 159Sa mga nakalipas na mga araw at buwan matapos ng mga nangyare kila Vin at Bella ay dumating na nga ang araw na pinakahihintay nila. Ang araw ng kanilang kasal.Hindi lamang sila ang masaya ngayong araw dahil pati ang mga mahal nila sa buhay at mga kaibigan ay masayang masaya para sa kanila.Mamayang hapon pa magaganap ang kasal pero maaga silang nag ayos ng kanilang mga sarili dahil may photoshoot pa muna bago ang oras ng kanilang kasal.Nasa room nya ngayon si Bella at inaayusan na sya ng mga make up artist. Nakahanda na rin ang mga susuotin nya roon. Maya maya ay pumasok si Myca sa room ni Bella."Hi Bella," tawag ni Myca rito. Napatingin naman si Bella sa repleksyon ni Myca sa salamin saka nya eto nginitian."Myca tapos ka ng ayusan?" tanong na ni Bella."Oo tapos na," sagot ni Myca saka sya lumapit pa lalo kay Bella. Si Myca ang maid of honor nila Bella at Vin sa kasal."Napakaganda mo Bella," puri pa ni Myca kay Bella ng makalapit sya rito."Salamat," nakangiting sago
CHAPTER 160Pagka alis naman nila Vin ay saka naman lumabas si Bella upang kuhaan din ng mga litrato doon kasama ang kanyang maid of honor at mga bridesmaid. At ng matapos na sila ay nauna ng umalis ang mga bridesmaid papuntang simbahan dahil ireretouch pa muna ulet ang make up ni Bella."Bella mauna na ako sayo ha. Dito na lamang daw ako sumakay kasama sila Colleen sabi ng organizer nyo," sabi ni Myca dahil ang balak talaga nila ay kasama ni Bella si Myca sa sasakyan dahil wala syang ibang kasama roon."Ganon ba? S-sige," sagot na lamang ni Bella.Umalis na rin naman ang sinasakyan nila Myca at ng ibang mga abay. Naiwan naman si Bella na rineretouch pa ulet ang make up at inaayos ulet ang suot na damit."Okay na po ma'm," sabi ng nag aayos kay Bella. "Salamat," sagot ni Bella. Inalalayan naman sya ng mga naroon na makasakay sa bridal car na nasa harapan na ng hotel. Tinulungan pa sya ng mga eto hanggang sa makasakay sya at inayos pa muli neto ang gown niya."Okay na po ba ma'm?" ta