CHAPTER 160Pagka alis naman nila Vin ay saka naman lumabas si Bella upang kuhaan din ng mga litrato doon kasama ang kanyang maid of honor at mga bridesmaid. At ng matapos na sila ay nauna ng umalis ang mga bridesmaid papuntang simbahan dahil ireretouch pa muna ulet ang make up ni Bella."Bella mauna na ako sayo ha. Dito na lamang daw ako sumakay kasama sila Colleen sabi ng organizer nyo," sabi ni Myca dahil ang balak talaga nila ay kasama ni Bella si Myca sa sasakyan dahil wala syang ibang kasama roon."Ganon ba? S-sige," sagot na lamang ni Bella.Umalis na rin naman ang sinasakyan nila Myca at ng ibang mga abay. Naiwan naman si Bella na rineretouch pa ulet ang make up at inaayos ulet ang suot na damit."Okay na po ma'm," sabi ng nag aayos kay Bella. "Salamat," sagot ni Bella. Inalalayan naman sya ng mga naroon na makasakay sa bridal car na nasa harapan na ng hotel. Tinulungan pa sya ng mga eto hanggang sa makasakay sya at inayos pa muli neto ang gown niya."Okay na po ba ma'm?" ta
CHAPTER 161"Anong sabi?" agad na tanong ni Vin ng mapansin na tapos ng makipag usap si Viela sa cellphone."Sabi sa hotel kanina pa raw naka alis ang sinasakyan ng bride. Mga ten minutes na raw siguro ang nakakalipas," sagot ni Viela. Nangunot naman ang noo ng mga naroon."Kung ganon pala ay nasaan na si Bella?" tanong ni Valerie. Bigla namang kinabahan si Vin dahil wala pa rin si Bella imposible naman na magtagal ang byahe ni Bella dahil wala pang five minutes ang byahe mula sa hotel papunta sa simbahan."Tawagan nyo kaya si Bella. Dala ba nya ang phone nya?," suhestyon ni Valerie. Idinial naman kaagad ni Viela ang number ni Bella. Naka ilang ulet pa sya ng pag dial rito dahil ring lang eto ng ring at hindi sinasagot "Ma nagriring lang po yung number ni ate Bella," sabi ni Viela ng naka ilang dial pa sya sa number ni Bella."Wait lang Viela nasa akin yung phone ni Bella," sabi ni Myca na kararating lamang dahil galing sya sa loob ng simbahan. Napabuntong hininga naman sila dahil k
CHAPTER 162"Nasaan ang sinasabi mong lalake?" tanong ni Vin sa lalakeng lumapit sa front desk ng hotel at nakasunod naman sa kanya sila Mark, Ian at Bernard."Nandoon po sa gilid ng hotel," sagot ng lalake."Maaari mo ba kaming samahan," sabi ni Vin. Agad naman na nagpatiunang naglakad ang lalake at itinuro ang pwesto ng sinasabi nyang lalake. Nanlaki naman ang mata ni Vin ng makita nya kung sino iyon."Manong Jerry," agad na sabi ni Vin at dali dali na nyang linapitan iyon. Agad nyang tinanggal ang busal neto sa bibig tinulungan na rin sya ng mga kaibigan nya na tanggalin sa pagkakatali ang kamay at paa ni manong Jerry."Manong ano po ang nangyare sa inyo? Nasaan po si Bella?" sunod sunod na tanong ni Vin dito matapos nilang makalagan sa pagkakatali ang driver nila."Hi-hindi ko alam Vin. Bi-bigla na lamang may lumapit na lalaki kanina sa sasakyan tapos may bigla syang pinaamoy sa akin hanggang sa nawalan na ako ng malay. Paggisng ko nakabusal na ang bibig ko at nakatali na ang kama
CHAPTER 163"Sige na. Bumaba ka na r'yan," sabi ng lalake kay Bella. Hindi naman alam ni Bella kung ano ba ang gagawin nya dahil natatakot syang bumaba ng sasakyan dahil baka kung ano ang gawin sa kanya ng mga eto."Bingi ka ba? Sinabi ng bumaba ka na r'yan e. Halika nga rito," sigaw ng lalake ng hindi pa rin bumababa si Bella saka nya hinila sa braso si Bella."Kuya ano po ba ang kailangan nyo sa akin?" umiiyak na tanong ni Bella habang hinihila na sya ng lalake palabas ng sasakyan."Ano ba naman etong suot mo. Napakabigat," reklamo ng lalake dahil nahihirapan syang hilahin si Bella palabas ng sasakyan kaya hinila na lamang nya muna ang damit ni Bella para makalabas na eto sa sasakyan. At nang mailabas na nya si Bella ay hinawakan na nya eto sa braso at sapilitang pinapasok sa loob ng abandunadong bahay. Hirap na hirap naman si Bella maglakad dahil sa suot nyang damit.Pagkapasok ni Bella sa loob ay may nakita pa syang mangilan ngilan na mga lalake roon. Hinila pa sya ng lalakeng may
CHAPTER 164Sa hotel naman ay hindi na mapakali sila Vin dahil hindi nila alam kung saan nila hahanapin ngayon si Bella. Ngayong nakita nila si manong Jerry at hindi eto ang nagdrive ng sinasakyan ni Bella ay malinaw na sa kanila na plinano ang pagdukot kay Bella."Sino naman ang gagawa neto sa inyo Vin? May mga nakaaway ka ba netong mga nagdaan na mga araw?" tanong ni Valerie kay Vin."Wala naman po Ma. Wala rin po akong maisip na maaaring gumawa neto kay Bella," sagot ni Vin."Kung ganon ay sino kaya ang may pakana neto? Anong kailangan nya sa inyo. Jusko. Sana ay nasa maayos lamang si Bella ngayon," sabi ni Valerie."Mabuti pa ay tumawag na tayo ng pulis," suhestyon ni Leonard. Tatawag na sana sila sa mga pulis ng biglang lumapit ang isang staff ng hotel sa kanila."Excuse me po. May tumawag po sa telepono gusto raw pong makausap si Mr. Vin De Villa," pag imporma ng staff. Nagkatinginan naman sila Vin at ang kanyang mga kasama. Dali dali naman na lumapit si Vin sa telepono."Hel
CHAPTER 165Pagkababa naman ni Nicole sa kanyang phone matapos nyang tawagan sila Vin ay prente pa syang naka upo sa isang silid doon din sa abandunadong bahay na pinagdalhan kay Bella."Ano ng balak mo ngayon na nasa iyo na si Bella?" tanong ni Glaiza kay Nicole."Dyan lang muna sya. Hayaan ko munang mag alala sila sa kalagayan ni Bella," sagot ni Nicole."Tapos?" tanong pa ni Glaiza sa kaibigan. Nginisian naman sya ni Nicole."Tapos papupuntahin ko sila rito bago ko patayin si Bella. Gusto ko na makita muna nila si Bella bago eto mawala sa mundong to," sagot ni Nicole habang nakatingin sa kawalan. Nagulat naman si Glaiza sa sinagot ni Nicole sa kanya."Hey. Wala sa usapan natin na papatay ka Nicole," sabi ni Glaiza. Naging mata kasi ni Nicole si Glaiza kila Vin at Bella habang wala sya sa bansa. Pinapasundan nya eto palagi rito at pinapabantayan nya ang bawat kilos ng mga eto. Kaya ng malaman ni Nicole na ikakasal na sila Vin at Bella ay agad na syang bumalik ng bansa upang pigilan
CHAPTER 166"Anong ginagawa mo dyan?" tanong ni Nicole kay Glaiza ng makita nya na lumabas eto sa silid kung nasaan si Bella. Nagulat naman si Glaiza ng biglang magsalita si Nicole."Nicole. Tinulungan ko lamang si Bella dahil nahihirapan sya dahil sa suot nyang damit," sagot ni Glaiza."Tsk. At bakit mo naman sya tinulungan? Dapat lang yun sa kanya na mahirapan sya," iirap irap na sagot ni Nicole."Alam ko naman na galit ka sa kanya Nicole pero tao pa rin naman si Bella," sagot ni Glaiza. Sinamaan naman sya ng tingin ni Nicole napaatras pa sya dahil papalapit na eto sa kanya at grabe eto kung mkatingin sa kanya laking pasalamat naman nya ng linagpasan sya neto pero dumiretso naman eto sa silid kung nasaan si Bella."Wala akong pakialam pabayaan mo syang mahirapan dyan," sabi ni Nicole at saka eto diretsong pumasok sa silid kung nasaan si Bella. Sinundan naman sya ni Glaiza."Hindi mo man lang ba sya pakakainin? Gabi na oh," sabi ni Glaiza sa kaibigan. Dahil kanina pa nandoon si Bell
CHAPTER 167Pagkauwi ni Glaiza sa kanilang bahay ay hindi sya mapakali. Hindi nya alam kung ano ba ang gagawin nya. Gusto nyang tulungan si Bella pero iniisip nya rin naman ang kaibigan nya dahil alam nya na sobra etong nasaktan kaya nagagawa ang mga bagay na eto ngayon. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa nya naalala nya kasi ang mga narinig nya kanina sa pag uusap nila Nicole at ng isa netong tauhan."Basta pabantayan nyo sila sa mga tauhan mo roon. Balitaan nyo ako kaagad kung tumawag o may kinakausap sila na pulis doon," rinig ni Glaiza na sabi ni Nicole sa isa netong tauhan."Sige po ma'm. Nakabantay naman po ang mga tauhan ko roon kanina pa. Sabi po sa akin ng tauhan ko ay hindi naman daw po tumatawag sila Vin sa pulis at naghihintay raw po ng tawag ninyo ang mga iyon hanggang ngayon," sagot ng tauhan ni Nicole."Mabuti naman kung ganon," sagot ni Nicole."E ma'm ano po ba ang balak nyo dyan sa babae? Pakakainin ko po ba?" tanong pa ng lalake."Wag na. Mamamatay din nama