CHAPTER 166"Anong ginagawa mo dyan?" tanong ni Nicole kay Glaiza ng makita nya na lumabas eto sa silid kung nasaan si Bella. Nagulat naman si Glaiza ng biglang magsalita si Nicole."Nicole. Tinulungan ko lamang si Bella dahil nahihirapan sya dahil sa suot nyang damit," sagot ni Glaiza."Tsk. At bakit mo naman sya tinulungan? Dapat lang yun sa kanya na mahirapan sya," iirap irap na sagot ni Nicole."Alam ko naman na galit ka sa kanya Nicole pero tao pa rin naman si Bella," sagot ni Glaiza. Sinamaan naman sya ng tingin ni Nicole napaatras pa sya dahil papalapit na eto sa kanya at grabe eto kung mkatingin sa kanya laking pasalamat naman nya ng linagpasan sya neto pero dumiretso naman eto sa silid kung nasaan si Bella."Wala akong pakialam pabayaan mo syang mahirapan dyan," sabi ni Nicole at saka eto diretsong pumasok sa silid kung nasaan si Bella. Sinundan naman sya ni Glaiza."Hindi mo man lang ba sya pakakainin? Gabi na oh," sabi ni Glaiza sa kaibigan. Dahil kanina pa nandoon si Bell
CHAPTER 167Pagkauwi ni Glaiza sa kanilang bahay ay hindi sya mapakali. Hindi nya alam kung ano ba ang gagawin nya. Gusto nyang tulungan si Bella pero iniisip nya rin naman ang kaibigan nya dahil alam nya na sobra etong nasaktan kaya nagagawa ang mga bagay na eto ngayon. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa nya naalala nya kasi ang mga narinig nya kanina sa pag uusap nila Nicole at ng isa netong tauhan."Basta pabantayan nyo sila sa mga tauhan mo roon. Balitaan nyo ako kaagad kung tumawag o may kinakausap sila na pulis doon," rinig ni Glaiza na sabi ni Nicole sa isa netong tauhan."Sige po ma'm. Nakabantay naman po ang mga tauhan ko roon kanina pa. Sabi po sa akin ng tauhan ko ay hindi naman daw po tumatawag sila Vin sa pulis at naghihintay raw po ng tawag ninyo ang mga iyon hanggang ngayon," sagot ng tauhan ni Nicole."Mabuti naman kung ganon," sagot ni Nicole."E ma'm ano po ba ang balak nyo dyan sa babae? Pakakainin ko po ba?" tanong pa ng lalake."Wag na. Mamamatay din nama
CHAPTER 168Sa hotel naman ay naghihintay pa rin ng tawag sila Vin mula sa mga kumuha kay Bella. Kasama pa rin ni Vin ang pamilya nya maliban na lamang kay Vince na pinauwi na muna nila dahil may baby pa na dala ang mga eto. Kumpleto pa rin naman ang mga kaibigan nya na sila Myca, Colleen, Kate, Mark at Ian si Bernard ay nandoon din dahil naging kaibigan nya na rin naman ang mga eto."Vin wala pa rin bang tumatawag?"tanong ni Valerie kay Vin ng lapitan nya eto. Umalis kasi muna sya upang magpalit ng damit."Wala pa rin po Ma," malungkot na sagot ni Vin sa kanyang ina. Napabuntong hininga na lamang si Valerie. Hanggang ngayon ay pala isipan pa rin sa kanila kung sino ba ang dumukot kay Bella. Wala rin naman silang matandaan na may galit sa kanila para gawin ang bagay na eto.Inabot na sila ng madaling araw sa paghihintay. Nakatulog na lamang ang ibang mga kaibigan nya sa paghihintay pero si Vin ay nananatiling gising at umaasa na may tatawag na sa kanila. Maya maya ay may tumawag sa
CHAPTER 169"Anong sabi ng tumawag?" tanong ni Leonard kay Vin pagkababa neto ng telepono."Pinapapunta na nya tayo. Wala daw dapat pulis kung gusto pa nating abutan ng buhay si Bella," sagot ni Vin. "Tugma rin ang address ng sinabi ng kumuha kay Bella sa kausap ko kanina na gusto tayong tulungan," pagpapatuloy pa ni Vin."Kung gayon ay baka nga gusto tayong tulungan ng nakausap mo kanina. Mabuti pa ay kontakin mo sya at sabihin na tinawagan ka na ng mga kumuha kay Bella," suhestyon ni Leonard."Wag na muna Pa. Mamaya na lamang kapag nandoon na tayo," sabi ni Vin."Nagpakilala na ba sya?" tanong ni Valerie."Hindi pa rin po Ma," sagot ni Vin."Ang mabuti pa ay umalis na tayo. Kailngan na nating makarating doon kaagad para mailigtas natin si Bella," sabi ni Valerie. Umalis na rin naman sila ng hotel at agad na pumunta sa address na sinabi ng kanilang kausap.*********"Hello tito," sabi ni Glaiza pakasagot ni Lyndon sa kanyang phone. Tinawagan nya kasi ulet eto dahil hindi na nya kaya
CHAPTER 170Pagkalabas nya roon ay agad na syang nagpunta sa sinabi nya kay Vin kung saan nya aabangan ang mga eto. At oo si Glaiza ang tumawag kay Vin dahil alam nya na bukod sa ama ni Nicole ay matutulungan din sila ni Vin.Pagkarating nya roon ay naghintay lamang sya ng sandali at may tumigil na rin na sasakyan malapit sa pwesto nya. Agad naman na bumaba ng sasakyan nya si Glaiza at lumapit doon.Pagkakita ni Vin sa babaeng papalapit sa kanila ay napakunot na lamang ang kanyang noo dahil parang pamilyar sa kanya ang babae."Parang nakikilala kita," sabi ni Vin ng makalapit na si Glaiza sa kanila."Oo Vin. Kilala mo ako. Ako yung kaibigan ni Nicole," sagot ni Glaiza at nagyuko pa sya ng ulo dahil nahihiya sya kay Vin."Anong kinalaman mo rito? Bakit alam mo na nandito si Bella? Sino ang may pakana ng lahat ng eto?" sunod sunod na tanong ni Vin kay Glaiza."Vin tama na muna ang maraming tanong. Kailangan na kayo ni Bella roon," sagot ni Glaiza."Tinawagan na kami ng dumukot kay Bella
CHAPTER 171Matapos naman makausap ni Lyndon si Glaiza ay agad na syang bumyahe papunta sa lugar na sinabi ni Glaiza sa kanya.Natatakot na si Lyndon sa maaaring gawin ni Nicole kay Bella dahil alam nya na hindi pa eto masyado magaling. Ipinagdarasal nya lang talaga ngayon na sana ay wag na munang kumilos si Nicole dahil nagbabaka sakali sya na makinig sa kanya ang kanyang anak.Habang nasa byahe ay naalala nya si Sarah dahil ngayon ang flight neto para puntahan si Nicole sa ibang bansa kaya agad nya na rin etong tinawagan. Naka ilang ring lang din eto at sinagot na kaagad eto ni Sarah."Hello dad. Napatawag po kayo? May ibibilin pa po ba kayo sa akin?" agad na tanong ni Sarah sa kanyang ama. Nagkausap na kasi sila ng kanyang ama at nagkaayos na rin sila ngayon."Nasaan ka?" tanong ni Lyndon."Nasa hotel pa po dad. Pero paalis na rin po ako. Mamaya pa po ang flight ko," sagot ni Sarah. Ngayon na kasi ng flight nya para puntahan si Nicole. Sya na muna kasi ang inutusan ng kanyang ama
CHAPTER 172"At saan kayo pupunta?" tanong ng tauhan ni Nicole sa kanilang dalawa. Napakapit naman si Bella sa braso ni Glaiza sa takot."K-kuya please pabayaan mo na lamang kami," sabi ni Glaiza."Tsk. At bakit naman kita susundin? Ikaw ba ang amo ko?" nakangisi pa na sbi ng lalake kila Glaiza. Magsasalita pa sana si Glaiza ng makarinig sila na may pumapalakpak sa may pinto at pagtingin nila rito ay si Nicole iyon at nakangisi pa sa kanila."N-nicole!" gulat pa na sabi ni Glaiza habang si Bella ay napaphigpit na ang hawak kay Glaiza ng makita nya si Nicole."Yes my dear Glaiza. What happen to you? Bakit mo kinalagan ang babaeng yan? Bakit tila ata bumabaliktad ka na sa akin at tinutulungan mo na ang mang aagaw na babaeng yan," galit na sabi ni Nicole."Nicole please tama na. Ang usapan natin ay kukunin mo si Bella upang hindi matuloy ang kasal nila. Okay naman na diba? Hindi na natuloy ang kasal nila kaya pabayaan mo na lang si Bella," sagot ni Glaiza."Tsk. At pagkatapos ano? Magih
CHAPTER 173Huminga muna ng malalim si Vin bago nagpasyang pumasok sa loob ng abandunadong bahay kung nasaan si Bella. Wala na syang choice kundi ang pumasok sa loob dahil hindi pa rin lumalabas si Glaiza. Kasama pa rin nya ang kanyang mga magulang pati na rin sila Mark at Ian. Pagkapasok nila ay agad nilang nakita si Nicole na prenteng nakaupo roon habang nakangiti sa kanila. Marami rin ang mga tauhan neto sa paligid nila. Naikuyom naman ni Vin ang kanyang kamao dahil sa galit."Ang tagal nyo naman pumasok rito. Kanina ko pa kayo hinihintay," sabi ni Nicole."Nasaan si Bella?" agad na tanong ni Vin."Wag kang mainip Vin. Andyan lang naman si Bella," sagot ni Nicole."Bakit mo ba eto ginagawa ha? Bakit ba hindi ka na lamang manahimik sa ibang bansa? Hindi ka na lamang sana nagbalik pa rito," galit na sabi ni Vin."Kumalma ka Vin. Hindi mo ba nakikita kalmado rin ako rito. Sa tanong mo na bakit ko ba eto ginagawa well simple lang naman ang sagot ko dyan gusto ko lang naman na gumanti