Nasa likurang bahagi ng taxi si Klarisse at si Michael. They’re on their way to the airport. Tahimik lang silang dalawang at pawang may malalim na iniisip. Si Klarisse ay hindi halos makatingin kay Michael. Sa isang tingin pa lang sa dalaga, masasabi mo nang problemado ito. Si Michael naman, gusto mang ungkatin ang naging usapan nila kanina ay hindi na lang ito nagsalita dahil mas pinili ni Klarisse na hindi na magsalita pa. Matapos nitong sabihin ang mga katagang, “T-that n-night. I—I w-want t-to remember t-that night. But i-it k-keeps on h-haunting m-me l-like a ghost in the past,” ay hindi na ito nagsalita pa. Ilang beses siyang nagtanong pero nanatiling tikom ang bibig ni Klarisse. Nang makarating sila sa airport ay agad na lumabas si Michael sa taxi. Liliko na sana siya papunta sa side kung saan naroon si Klarisse, ngunit lumabas na itong mag-isa. Dahil private plane na pag-aari pa ni Michael ang sasakyan nila ay may mga nakaabang na sa kanilang staff para alalayan sila. Si Kl
Gamit ang kamay ay sinuklay ni Michael ang buhok niya. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Nagkaroon na ng kasagutan ang tanong sa isipan niya limang taon na ang nakararaan. Nakita niya na ang isang bahagi ng puzzle na matagal niya nang hinahanap mula pa noon. It is really true that the coin has two side. May dalawang bersiyon parati ang istorya. And luckily, for him, nalaman niya ang lahat. Halos isang oras pa ang inilagi nila sa himpapawid bago sila lumapag sa airport ng Tacloban. Nakaabang na ang helicopter na maghahatid sa kanilang dalawa ni Klarisse sa lugar nila. Napatingin siya sa katabing si Klarisse. Wala itong kibo. Ang mga mata nito ay namamaga indikasyon na katatapos lang nitong umiyak. Naaawa siya sa babae. Pero hindi pa ito ang oras para kausapin niya ito tungkol sa bagay na itinatago niya. Bago umandar ang chopper na sinasakyan nila ay nag-dial na muna siya sa cell phone. “Hello,” saad niya. Napatingin sa kanya si Klarisse, ngunit nang tumingin siya sa gawi n
“Kumusta ka na?” tanong ni Eros kay Klarisse kaya natauhan siya. Ngumiti siya sa mga ito kahit pa ang totoo ay hindi na mawari ang kaba sa dibdib niya. Pinagpapawisan siya, kahit ang mga kamay at paa. Upang hindi lalong mapahiya, ay naglakad si Klarisse papunta sa lamesa kung saan naghihintay sa kanya ang tatlo. Gusto mang sulyapan ni Klarisse si Michael subalit hindi niya iyon magawa. Alam niyang sa kasalukuyan, ay matinding pagkamunghi ang nararamdaman ng lalaki sa kanya. At ayaw niyang makita iyon sa mga mata mismo ng lalaki.Humakbang siya papunta kay Eros para doon sana sa lalaki tumabi, pero nagulat siya nang maghila ng upuan si Michael. “Dito ka na umupo, Klara,” saad nito sa pormal na tono. Napamaang ulit si Klarisse. “H-ha?” she asked as if she didn’t hear anything from him. Napakurap siya, at napatingin kay Honey na parang balewala lang ang ginawa ni Michael. “Umupo ka na para makakain na. Balak ni Michael na kausapin ang mga magulang mo ngayon. Okay lang naman iyon sa
Habang papalapit sila Michael sa bahay nila Klarisse ay siya ring pagbilis ng kabog ng puso niya. Kinakabahan siya kung ano ang puwedeng mangyari kapag nagkita sila Michael at ang magulang siya. Ayaw niyang may mangyaring masama. Mula sa rearview mirror ay napatingin siya kay Eros na katabi si Honey. Nag-uusap ang dalawa sa likuran habang nagtatawanan. Pero sa kabila ng masayang mukha ng pulis ay may pakiramdaman si Klarisse na hindi magiging maganda ang unang pagkikita nila ng mga magulang makalipas ang limang taon. “It was so stupid of me not to think about it for the longest time.” Napalingon si Klarisse kay Michael na siyang nagsalita. Hindi siya nakasagot dahil hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ni Michael. “You don’t have to worry about anything, Klara. You know me, right?” Wala sa sariling tumango si Klarisse. “That’s why I am telling you to calm down. Kung ano man ang iniisip mo, hindi iyan mangyayari.”“W-wala naman a-akong iniisip na i-iba,” pagkakaila pa niya, ka
She just misheard it, right? Paanong—Hindi. Kasabay ng pag-iling ni Klarisse ay ang pagtawa niya nang mahina. Maybe, she’s hearing things. Nababaliw na ba siya?Paano magiging magkapatid si Honey at si Michael?Klarisse was about to talk to when she heard familiar voices. “Mabuti naman at nandito na kayo.” Boses iyon ng nanay niya.“Bakit hindi kayo pumasok?” tanong naman ng nanay niya . Kahit hindi niya iyon lingunin, alam niyang ang mga magulang niya ang nagsalita. Dahil nakaharap siya kay Honey ay unti-unti ang naging paglingon niya sa gawi ng mga ito. At ganoon na lang ang pagdaloy ng mga luha niya nang tuluyan nang makita ang mga magulang na tiniis niya ng limang taon. “N-nay ... T-tay...” nanginginig ang boses na saad niya. Wala na siyang sinayang pang segundo at agad patakbong nilapitan ang mga magulang niya. Niyakap niya ang mga ito. “S-sorry po, Nay, Tay... Ngayon l-lang ako nakauwi.“Ayos lang sa amin iyon, anak. Naiintindihan namin ang sitwasyon mo. At kung mayroon ma
Ayaw nang lokohin ni Klarisse si Michael. Ayaw niya nang magsinungaling pa rito. Ang kasinungalingan at paglilihim niya noon ang dahilan kung bakit nagkabuhol-buhol ang buhay niya. And the only thing that making her happy ay naging successful si Michael kahit pa hindi niya pa alam ang istorya nito sa buhay. Klarisse stood up firm. Handa na siyang sabihin dito ang lahat. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Michael and cleared her throat. “I have something to tell you,” paunang salitang saad niya sa lalaki. Si Michael na nasa harapan niya ay napakurap. Michael still remembers when they were in rice field. Ganito iyon ang reaksiyon noon ni Klarisse. Malungkot ang mga mata nito at para bang ano mang oras ay iiyak. Nababasa ni Michael ang determinasyon sa mukha ni Klarisse na para bang buo na ang desisyon nito sa kung ano man ang sasabihin nito sa kanya. Makakaranas na naman ba siya ng rejection sa ikalawang pagkakataon nh dahil sa iisang babae? Ano ang gagawin niya? Makikinig ba si
Minutes before the shootout... Nagpalinga-linga sa paligid si Michael. Kailangan niyang maging alerto lalo pa at traydor ang kalaban nila. He can’t afford to lose anyone lalo pa at iilan sa kababaryo nila noon ang puwedeng madamay dahil sa kalokohan ng lalaki. Naging malikot ang mga mata niya. Tinitingnan niya ang bawat sulok na puwedeng pagtaguan ni Nathan. “Ano sa tingin mo?” tanong sa kanya ni Eros. Dahil abala na sa pakikipag-usap ang ama ni Klarisse sa kapitbahay nito ay nagkaroon sila ng pagkakataon ni Eros para mag-usap. “Narito lang siya sa paligid. Sigurado ako sa bagay na iyan,” sagot niya sa kaibigan. At dahil maingay sa kinaroroonan nila ay naglakad silang dalawa sa gilid ng bahay nila Klarisse kung saan walang tao. “Sigurado ka ba sa bagay na iyan? Nakabantay na ang mga kasamahan ko sa possible entrance niya. May checkpoint na pinatupad para hindi makapasok ang unidentified vehicle.” “Iyon ang problema, Pare. Sa kabila ng kagaguhan ni Nathan, alam natin kun
Nang dumating ang mga pulis ay kaagad lumabas si Klarisse at pinuntahan si Michael. Sa bawat sandali na nasa loob siya kanina, habang sila Eros at Michael ay nasa labas at walang kasiguraduhan ang buhay ay hindi man lang siya tumahan sa pag-iyak. Hindi niya talaga mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyari na masama kay Michael at kay Eros. Nang makita ni Klarisse si Michael ay kaagad siyang tumakbo palapit sa lalaki at yumakap dito. Pero hindi pa man nakakaganti ng yakap sa kanya ang lalaking minamahal ay kaagad na siyang kumalas dito. Agad niyang tiningnan ang sugat nito sa noo, at ang sa balikat. Tumingin siya sa mga mata nito habang nanginginig ang mga labi sa pagpipigil na maiyak. “Okay ka lang ba?” tanong niya but that was so stupid of her. Bakit niya pa kailangan na magtanong kung okay lang ito gayong may butas ito sa balikat? Out of sanity ay pinukpok niya ang ulo niya. “Ang tanga-tanga ko talaga kaya ako niloloko, eh. Kaya ako pinagsasamatalahan ng dahil sa katangahan k