Share

Chapter Two

Lumabas si Fae sa pinto ng lady’s restroom, umaasang sana ay natakpan niya nang maayos ng make up ang pamumula ng kanyang mga pisngi at dulo ng ilong. Kahit papaano ay nagawan niya ng paraan ang kanyang mga mata gamit ang eye drops na binaon niya dahil alam niyang iiyak siya, pero mukha pa rin siyang miserable habang pabalik na siya ulit sa function hall ng hotel.

Pinakamahalaga, nagawa niyang kumalma. May dalawang oras pa siyang bubunuin bago matapos ang kalbaryong wedding reception sa hapong iyon. At pagkatapos niyon, she could do whatever she wanted.

Sa gilid ng kanyang mga mata, napansin niya ang matangkad na lalaking nakamasid sa kanya sa bandang malayo. Nagbuntunghininga siya.

Si Jigo, o si Spencer Jigo Myrick, ang isa sa pinakamatalik na kaibigan ni Carl noon pa mang bata pa sila na ang pamilya ay ang may-ari ng resort na ito, ng hotel—ng isla.

Hindi siya makatingin dito dahil nahihiya siya. Hindi na siya magtataka kung naroon si Jigo para bantayan siya—damage control sa espesyal na okasyong ito ng kaibigan nito.

Hindi rin siya magtataka kung ginawa nito iyon sa tulak ng mga elders lalo na si Lola Leah, ang abwela nito na mabait sa kanya at isa sa mga pinagsilbihan ng daddy niya bilang abogado nong nabubuhay pa ito.

Ilang buwang wala ang binata dahil sa mga negosyo sa ibang bansa, pero hindi na siya magtataka kung umuwi ito para kay Carl. His family was very close to Carl’s family at dahil kay Carl kaya lang niya nakakasalamuha si Jigo.

Tumira siya kina Carl, sa Easton House. Kinupkop siya ng mga Easton mula noong tuluyan siyang maulila matapos mamatay ang kanilang mga ama sa iisang car accident noong fourteen siya at seventeen si Carl.

Abogado ng mga pamilya sa high society ang kanyang daddy noong nabu-buhay pa. Parang magkapatid magturingan ang daddy niya at si Ninong Butch, ang daddy ni Carl. Dahil doon ay parang older brother niya si Carl, o iyon ang trato nito sa kanya maliit pa siya.

Hindi siya naiwang wala ng kanyang daddy. May pamana itong substantial amount ng pera at assets sa kanya. But she had no close relatives here in Manila. Her mother died of cancer when she was barely two years old and she couldn’t even remember her. Ang daddy lang niya at siya ang magkasama sa paglaki niya dahil nag-migrate na sa ibang bansa ang parehong maternal at paternal niyang mga kamag-anakan.

It wasn’t like they see each other every day. Seventh grade siya, eleventh grade sina Carl. Iba ang mga aktibidades. Isa pa ay mansion ang bahay ng mga ito. Pwera sa breakfast, pwedeng naroon silang dalawa sa parehong araw at oras pero posibleng hindi sila magkita sa maghapon o sa ilang mga araw, bukod sa syempre a nakabantay sa kanila ang house stuff.

At dahil sa pagtira niya sa mga Easton ay naroon na siya noong naging malapit na magkaibigan sina Carl at Jigo sa middle school. Madalas tumambay sa Easton house ang lalaki at iba pang mga kaibigan ng kinakapatid niya.

Kaya hindi siya nagtataka na dito sa resort ginanap ang kasal. Mabilisan ang naging preparasyon at walang paperwork na kakailanganin na makaka-delay sa preparations dahil kaibigan nga ang may-ari ng venue. Jigo would have taken care of all that.

Pasalamat na lang siya na hindi siya nito nilapitan at kinausap habang nagbabalik siya sa function hall. Nakita nito malamang ang nangyari kanina, iyong kahit umaanas silang tatlo ay halata namang nagtalo sila. Akala siguro nito, inaway niya sina Carl. Na naghahabol siya. Kung hindi lang talaga gusto niyang tapusin ito nang taas-noo, hindi na siya babalik sa reception.

Pinadalhan siya ng imbitasyon, puwes, magdusa si Sarah!

Isa si Jigo sa nakaranas ng kanyang tatanga-tangang pagbuntot-buntot noon sa kaibigan nito. She didn’t want to imagine what he must thinking right now.

Na hindi na siya nag-grow up. Na hanggang sa araw ba naman ng kasal ni Carl ay ganito pa rin siya—asungot. Wala na ba siyang respeto sa sarili niya?

Pero alam niyang hindi nito iyon sasabihin sa kanya.

Mas tahimik si Jigo kaysa kay Carl. Stoic, parang ang suplado. Parati kasi ay nagmamasid lamang ito. Bihira siya nitong kausapin maliban kung kailangan o hindi maiwasan. Kahit constantly present ito sa buhay niya, hindi sila close.

Tatlong taon ang tanda nito at ni Carl sa kanya. Siguro, hanggang ngayon ay iyong fourteen-year-old pa rin na Fae ang nakikita nito, iyong umiiyak sa puntod ng daddy niya. Iyong ampon na lumipat sa Easton House unang week-end pagkatapos ng funeral.

Siguro dahil ulila siya kaya kahit papaano ay hindi siya nito ini-snob. Kaya kapag inutos ng Lola Leah niya na isayaw siya nito sa cotillion, o eskortehan siya sa isang party, sumusunod ito. Ewan niya.

O bantayan siya ngayon dahil baka kung anong gawin niya.

Noong nakabalik na siyang muli sa bulwagan, nakalimutan na niya si Jigo. Nag-toast siya nang hindi niya alam kung ilang beses, sumusunod sa agos, hindi pinapatulan ang inis na mga sulyap ni Sarah, kasi mas masakit na halos hindi na siya tinitingnan ni Carl.

Kahit nakailang inom siya ng champagne, animo blocker ang sakit para malasing siya. She felt so numb.

At noong paalis na ang mga bagong kasal, mabilis siyang tumalilis sa pinto bago pa siya malapitan ng mga grannies na iniiwasan niya kanina pa.

Naka-book siya sa hotel hanggang bukas. Mas marami sa mga bisita ang aalis ngayon dahil sumilip lamang dala ng obligasyon sa isang Easton. Umiiwas siya sa mga bibiyahe sa mga bangka at private plane ng mga Myrick at Easton pagkatapos ng reception kaya bukas na siya uuwi. Hindi rin naman mag-i-stay ang bagong kasal at lilipad na patungo sa honeymoon ang mga ito sa Thailand.

The only thing she cared about was not to see anyone for a hundred years.

What she could do was get drunk until she could go back to her room and forget what Carl would be doing with Sarah for the rest of the night… and the next nights to come of their married lives together.

Natagpuan niya ang bar.

Walang pinapansin kahit sino maliban sa bartender, uminom siya sa isang dulo ng mismong bar. Hindi siya nag-aalala. Ekstra-espesyal ang pagbabantay sa kanya ng bar staff kasi ang boss ng mga ito ay nakasunod pa rin sa kanya mula sa ballroom hanggang dito. Hindi nga lamang lumalapit. Umupo lang ito sa isang table sa madilim na sulok ng bar at uminom mag-isa, ang business ay tahimik na kino-conduct sa smart phone nito.

Akala siguro nito ay hindi niya ramdam ang awa nito sa kanya. Pero ramdam niya iyon, animo sumisingaw mula rito sa kabila ng bar habang tungga lang siya nang tungga ng tequila shots.

Nakalimutan din niya ito sa pagdaan ng mga sandali, sa gitna ng mahinang ingay mula sa ibang mga mesa sa kanyang likod, tunog ng nag-uumpugang mga baso at rock music sa speakers.

Dumating ang sandali na alam niyang gusto na niyang mapag-isa. Nagtangka siyang tumayo. Good… she was so buzzed. Gusto niya, pagpasok niya sa room ay wala na siyang ibang gagawin kundi ang bumagsak sa kama na animo hinimatay.

Pero gumalaw ang paligid at napahawak siya sa gilid ng bar. Hinintay niyang tumigil ang lahat, saka siya nagbuntunghininga.

She must walk. Go back to the privacy of her room. And crash.

Or cry her heart out.

She didn’t care at this point what she would do. It’s done. The day was done for her.

May humawak sa kanyang bisig. Hindi tumitingin dito, awtomatiko niyang hinila ang kanyang bisig. Nagsalita ito, may sinabing kung ano, at binanggit pa ang kanyang pangalan. Tumingin siya rito, sinisino ang mukha. Kilala niya ang lalaki pero hindi niya maalala ang name. Hindi niya alam na kaibigan ito ni Carl… ah, si Tom. Tom ang pangalan nito.

A player. He gave her the creeps. What was he doing here?

Sobrang hangin,  ‘Hurricane’ ang tawag rito sa likod nito. Niya at iba niyang mga kaibigan, sino pa? Yes, she had friends other than the bitch and her circle.

And yes, itong si Tom ay nasa sirkulo ni Sarah. Iyon lang ang dahilan kung bakit niya ito nakilala. Si Sarah ang nagpakilala sa kanya rito noon sa campus. Si Sarah din malamang ang nag-imbita rito dito dahil hindi ito kaibigan o ka-close ni Carl.

Sa kanyang naaalala, wala itong alam ikuwento kundi I, Me, and Mine. No wonder kasundo nito ang tunay na Sarah.

Natawa siya habang nakatitig dito dahil sa sikreto nito at ng ex-bestfriend niya. Katwiran noon ni Sarah, stressed itong masyado dahil nagre-review sila noon sa Bar Exam kaya ito at si Tom…

Pero kahit stressed si Fae ay may ibang paraan, hindi sex. And if she must? She would un-must kaysa sa lalaking ito rin lang siya bibigay.

Hindi niya hinusgahan noon ang kaibigan. Pero ngayon… natawa na naman siya.  Si Tom at si Sarah… si Sarah at si Carl.

At hindi na nakakatawa.

Carl deserved someone better. Kung ayaw nito sa kanya, alam niyang lalo namang hindi si Sarah ang—

Si Tom, tumawa rin, akala ay tinawanan niya anumang sinabi nito. Wala siyang naunawaan dahil hindi siya nakikinig. Ingay lamang iyon para sa kanya gaya ng ibang ingay sa bar.

Nakaharang ito sa kanyang daraanan.

Istorbo.

Sasabihin sana niyang huwag itong hahara-hara pero gumilid ito at naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang likod.

Napatuwid siya habang nakadarama ng inis. Ayaw niya sa hawak nito o lapit nito sa kanya, lalo na’t yumuko ito at bumulong sa kanya na mas maka-kapag-usap sila sa lugar na walang ibang tao. Nababanas siya.

Lasing siya pero hindi ganoon kalasing para maging ganoon katanga. Sa isang tao lang siya sasama, at iyon ay kay Carl.

Pero—hikh!—may asawa na ito. I am not a homewrecker… so wala na akong ibang sasamahan. Aakyat ako sa taas at iiyak forever. Iyon na lang ang forever na pinaniniwalaan ko at wala nang iba! litanya ni Fae sa isip niya.

Pero may sinasabi pa rin si Tom. “Fuck. Off… plishh,” sabad niya. He was too close she could smell his cologne, and it was making her cringe. “Will you jusht go?!”

Biglang may galit na nagsalita sa kabilang banda niya.

“What the hell are you doing, Tom?”

At napatawa siya. Of course. Mr. Damage control.

Lumapit din sa wakas si Jigo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status