Share

Chapter 22

Nang makababa kami ng sasakyan ay tinulungan ko si Tita na ibaba ang mga damit papunta sa loob ng bahay.

“Ako na ang bahala rito, Allianna. Sige na pumunta ka na lang muna sa kwarto mo at magbihis ng pambahay, para maayos na antin dito ang mga damit mo.”

“Sigurado po kayo, Tita?”

“Oo, iha. Kasama ko naman si Daylon. Siya ang tutulong sa akin tutal meron pa ‘yang kasalanan sa akin.” Hindi maririnig ni Daylon ang sinabi ni Tita dahil pumasok siya sa loob buhat-buhat ang mga paperbag.

“Ako na lang po ang magluluto ng hapunan natin pagkatapos ko pong magbihis.”

“Sige, tutulungan na lang kita.” Tumungo ako at pumasok na sa loob sabay deretsyo sa aking kwarto, pero pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ay napansin ko agad ang dalawang paperbag na nakalapag sa kama ko.

Dahil nacurious ako binuklat ko ‘yun at nagulat nang makita ko kung ano ang nasa loob.

Bakit nandito ang dress na binili namin ni Daylon noong naggala kami? Pati na rin ‘yung sapatos.

Agad kong sinuot ang damit at sapatos daba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status