Share

Chapter 8: Pagkakalayo

" Aba! eh tama na 'yan. Maghiwalay na kayong mag-ina, tanghali na," biro ni Mang Nato sa kaniyang mag-ina.

Mahigpit kasing magkayakap si Sophia at Aling Tisay. Ngayon ang araw ng pag-alis at pagbabalik ni Jamir sa Maynila, kasama si Sophia. Doon ito pag-aaralin ni Jamir, at doon na rin siya patitirahin sa mansiyon ng mga ito. Tumanggi noong una ang mag-asawa na sa Maynila magpatuloy ng pag-aral si Sophia. Doon na lamang daw sa probinsiya nila sapagkat meron rin naman daw magandang kolehiyo sa kanilang bayan, Ayaw din kasi ng mga ito na malayo sa kanila ang nag-iisang anak.

Ngunit ipinaliwanag sa kanila ni Jamir na mas maganda ang kalidad ng edukasyon sa Maynila. Sa unibersidad kung saan nito pag-aaralin si Sophia. Ipinaunawa nito na mas maganda ang darating na oportunidad dito kung doon ito makapagtatapos ng kurso nito. Matagal bago nito nakumbinsi ang mag-asawa, ngunit sa huli pumayag din ang mga ito sapagkat sa ikabubuti ito nang kinabukasan ng nag-iisa nilang anak na si Sophia.

"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status