Share

Chapter 23

"Happy graduation, baby! I’m so proud of you!" Niko hugged me tightly. Hanggang yakap lang muna at nandito sila mommy, tita Jelai, at Andrew.

Si Jen naman ang photographer namin. Syempre hindi lang ako ang ipinunta nito dito dahil sabay kaming grumaduate ng pinsan niya. Bukas naman ang graduation nila Niko.

"Thank you, baby! Advance happy graduation din!" Masayang bati ko din sa kanya at mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.

"Jazzy! Congrats!" Si Jeff at nakalapit na pala siya kasama ang parents niya. Malapit din ako sa kanila at halos di kami mapaghiwalay niyan dati.

"Congrats din sa’yo, Jeff!" Sabi ko din sa kanya at bumitaw ako kay Niko para batiin din ang parents niya.

"Hi tita, tito! Congrats po!" Masayang bati ko sa kanila at nakipag beso.

"Congrats hija! Look at you.. so beautiful! Naku parang kelan lang high school pa lang kayo!" Nakangiting sabi ni tita Ella at hinawakan ako sa kamay at saglit na pinagmasdan. “Lalo ka pang gumanda, hija.” Sabi pa niya at muli akong niyakap  ng mahigpit.

Napatingin naman ako kay Niko nang bigla siyang tawagin ni Gab. Nalingunan ko siyang nakamasid lang sa amin habang kausap si Jen. Nilapitan naman siya ni Gab nang hindi niya ito pansinin.

“Niko, my family wants to see you.” Sabi nito kay Niko kaya wala namang nagawa ito nang hilain siya ni Gab. Magalang namang nagpaalam si Niko at sumenyas siya sa akin na babalik siya. Sa pagkakaalam ko ay malapit ang mga pamilya nila.

"Jazzy, may boyfriend ka na pala anak. Sayang naman.” Sabi naman sa akin ni tita Ella pagka alis ni Niko. “Hay. Hindi ka ba niligawan ni Ivan?” Tila malungkot nitong turan at inirapan pa niya si Jeff.

"Mommy!" Suway naman ni Jeff sa mommy niya. Nagkatawanan na lang kami. Kung niligawan siguro ako ni Jeff noon, malamang hindi magiging kami ni Niko ngayon.

"Oh ano anak tara na?” Yakag sa akin ni mommy. “Saan kayo magcecelebrate niyan?" Bumaling naman siya kila tita Ella at tito Alex.

"Naku, para naman tayong mga others niyan! Sabay-sabay na lang tayong kumain sa labas. Mas masaya to at matagal tagal na din mula nung huli tayong makapag bonding!" Sabi naman ni tita Ella at masaya namang sumang-ayon ang lahat.

“Jaz anak, halika na.” Aya sa akin ni mommy pero nagpalinga ako at hinahanap si Niko. Sabi kasi niya babalik siya.

"Teka lang 'my. Hanapin ko lang si Niko at baka sa kanya na ako makikisakay." Sabi ko naman sa kanya. Makikisakay na sila mommy sa SUV nila Jeff. Wala kasi kaming sasakyan dahil wala namang marunong magmaneho sa amin. Masyado pang bata si Andrew kaya hindi pa siya binilhan nila tita Jelai.

"Oh siya sige. Sino ba yung tumawag kay Niko kanina at kung makakakapit ay akala mo siya ang girlfriend? Naku, di maganda ang kutob ko sa babaeng yun." Sabi naman ni mommy kaya kumabog bigla ang puso ko.  Ramdam din pala ni mommy. Tumawa na lang ako at patuloy kong hinahanap si Niko sa crowd.

Maya-maya naman ay nag ring ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa purse ko. Hindi nga ako nagkamali nang tinignan ko kung sino ang tumatawag.

"Niko?" Sagot ko.

"Baby sorry hindi na ako nakabalik.  Nag-invite ang parents ni Gab and they’re with mom pala kaya hindi na ako nakatanggi." Paliwanag niya sa kabilang linya. Nakaramdam naman ako ng lungkot pero hindi ko pinahalata sa kanya.

"A-ah ganun ba? Sige." Nasabi ko na lang. May laban pa ba ako kung magkakasama sila ng mga pamilya nila?

"I'll make it up to you, okay? I’m really sorry. I'll hang up now. I love you." Mabilis na itong nagpaalam pero bago pa maputol ang linya ay narinig ko ang pagtawag sa kanya ni Gab.

Hinahanap ko pa siya eh wala naman na pala siya dito. Hindi ko alam pero meron talaga akong nararamdamang kakaiba. Mula kasi  ng araw na ipakilala niya ako sa magulang niya ay bihira na kaming makalabas pareho dahil naging abala ang bawat isa sa amin. Ni hindi pa nga namin napag-usapan kung ano ang magiging mga plano namin pagka graduate namin. Hindi ko alam kung uuwi na ba siya ng Manila. Mag-i-stay pa kasi ako dito sa Baguio at dito na din ako mag re-review para sa board exam.

Napabuntong hininga na lang ako. Magtataxi na lang ako at susunod na lang ako kila mommy. Nakaalis na kasi sila. Panay ang buntong hininga ko hanggang sa makarating ako sa labas ng gate at mag-aabang na sana ng taxi nang tawagin ako ni Jeff. Hinihingal pa ito at mukhang hinabol niya ako. Hindi ko naman kasi siya narinig o hindi kaya masyado na namang malalim ang iniisip ko kaya parang wala akong naririnig.

“Uy, akala ko ba nakaalis na kayo?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Kanina pa kita tinatawag pero parang wala ka sa sarili mo? May problema ba?” Sabi pa nito na hinihingal. Na guilty tuloy ako.

“Wala noh. Sorry, hindi ko narinig na may tumatawag sa akin. Bat andito ka pa?” Tanong ko ulit sa kanya dahil hindi naman niya ako sinagot.

“Hinintay talaga kita. Nakita ko kasing umalis sila Gab kasama ang boyfriend mo.” Seryoso nitong sabi at napa buntong hininga pa siya. “Halika na. Nauna na sila.” Sabi  pa nito at iginiya ako pabalik sa parking nang hindi ako nakaimik.

Masaya naman kaming kumain lahat sa isang fine dining resto dito sa may Loakan kaya sandali kong nakalimutan ang bigat sa dibdib ko.

"Jeff ano namang plano mo ngayon, anak?" Tanong ni tita Ella sa anak niya habang nag-tsa-tsaa pa sila. Napatingin din ako sa kanya dahil hindi ko rin alam ang plano niya.

"Mommy, dito na lang din ako mag ti take ng board at nang makapag isip-isip din kung tutuloy ba ako sa med school." Sagot naman niya. Bahagya na lang akong nagulat sa sinabi niya dahil pangarap talaga niyang maging isang pedia surgeon. Hindi ko lang inaasahan na kinu-consider din pala niyang i- pursue ito.

"Maganda yan, anak! We will support you.” Masaya namang sabi ng daddy niya.

"You might want to consider din anak na magpatuloy sa pagdo-doctor?" Tanong naman ni mommy sa akin. Napabaling naman sa akin lahat ng atensyon nila.

"Mom, ayoko nang mag-aral! Okay na ‘to." Natatawa kong sabi sa kanila at maging sila ay natawa sa reaksyon ko.

Alas otso na nang makarating ako sa apartment. Sila mommy gusto pa daw nilang sulitin ang pag-i-stay nila dito sa Baguio kaya maglalakad lakad pa daw sila sa Burnham. Nag book na din sila sa isang hotel na malapit doon. Gusto nga nila akong isama kaso baka biglang tumawag si Niko at magkikita pa kami. Nag text kasi siya kanina na magkikita kami kaya nagdahilan na lang ako na meron akong kailangang ayusin. Si Jen naman ay sumama kila tita Ella at naka check-in sila ngayon sa country club.

"Grabe! Graduate na ako!" Sigaw ko at pabagsak na humiga sa kama. Hindi pa din ako makapaniwalang graduate na ako!

Nang makapagpahinga ako ng kunti ay agad na din akong nag shower at nagbihis ng pambahay. Nagsuot lang ako ng simpleng tshirt at cotton dolphin short. Inaliw ko muna ang sarili ko at nag f******k ako. Ang tagal naman kasi ni Niko! Dalawang oras na mula nang dumating ako sa apartment pero ni isang text ay wala akong natanggap mula sa kanya. Napabuntong hininga ako nang makaramdam na naman ako ng kaba. Pilit ko itong iwinaksi sa isipan ko at nag browse na lang sa f******k.

Nag-upload din ako ng mga graduation pictures namin at napangiti ako nang makita ang picture naming dalawa ni Niko. Gagawin ko itong profile picture ko. Nang matapos akong mag-upload ay muli na akong nag browse.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nagpalit din ng profile picture si Gab! Ngiting ngiti siyang nakahilig sa balikat ni Niko! At sigurado akong ngayon lang kuha ang picture na yan! Inopen ko ang profile niya at nakita kong nag-upload pa siya ng mga pictures na magkakasama sila ng mga pamilya nila! Nasa The Manor sila.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Agad kong dinelete ang profile picture ko at pinalitan ko na lang ng solo ko. Hindi na din ako umasang magkikita pa kami ngayon dahil nag-i-enjoy pa naman siya kasama si Gab ngayon.

Naiinis na ako sa sarili ko dahil kanina pa ako sumusubok matulog pero alas dose na ay hindi pa din ako makatulog! Hindi ko kasi maamin-amin sa sarili ko na umaasa pa din ako na tatawag siya o kahit mag text man lang. Masamang masamang ang loob ko pero pilit ko lang nilalabanan. Graduation pa naman niya bukas. Hindi ko tuloy alam kung pupunta pa ba ako. Baka kasi tarayan na naman ako ng mommy niya.

Maingay na ring ng cellphone ko ang nagpagising sa akin. Agad akong napabalikwas ng bangon dahil baka si Niko ang tumatawag! Pagkatingin ko ay si mommy pala kaya agad ko na din itong sinagot.

"Hello my?" Inaantok ko pang sagot.

"Anak, kagigising mo pa lang ba? Kanina pa ako tumatawag sayo ah?"

"Sorry 'my napasarap lang ng tulog.” Naghihikab kong sagot. Antok na antok pa din ako dahil umaga na din ako tuluyang nakatulog.

"Sige na at mag-ayos ka na. Naiinip na tong si Andrew at kanina pa nag-aayang mamasyal. Sasama din pala sila tita Ella mo.”

"Anong oras ba 'my? Antok pa ako eh.” Parang hindi ko kayang bumangon dahil sobrang bigat ng katawan ko. Hihintayin daw nila ako kaya wala akong nagawa kundi bumangon na.

Agad ko namang tinignan ang cellphone ko nang maalala ko si Niko. Baka kasi may text na siya pero pagkatingin ko ay wala man lang kahit isang ligaw na text. Ano ba to? Ang pangit tuloy sa pakiramdam. Masaya dapat ako ngayon dahil grumaduate na ako at nandito pa sila mommy. Nag-aaya pa silang mamasyal pero graduation din ni Niko ngayon. Napabuntong hininga ako dahil hindi ko din alam kung a-attend ba ako o hindi.

Namasyal kami sa Wright park at Mines view at inabot din kami ng hapon dahil nag picture picture pa sila. Sa SM naman ang susunod naming pupuntahan at doon na din daw kami mag di-dinner pero nagpaalam muna kay mommy at sasaglit ako sa school dahil graduation ni Niko.

Hindi na sana ako pupunta pero hindi ko siya matiis. Buti na lang ongoing pa ang graduation ceremony pagdating ko. Inilibot ko ang mga mata ko at hinanap ko siya habang nakatayo ako sa likod. Sumikdo naman ang puso ko nang mamataan ko siya sa bandang gitna. Napangiti na din ako nang makita ko siya at kahit naka toga siya ay napaka kisig pa din niyang tignan.

"Oh Jaz! Nandito ka din pala." Nagulat ako nang magsalita si Gab at nakataas pa ang isang kilay nito.

"Ah oo.” Sabi ko naman at tipid na ngumiti sa kanya.

"Join us then. C’mon, nandun sila tita oh." Sabi niya at tinuro ang kinaroroonan ng family ni Niko. Tatanggi na sana ako pero hinila na niya ako papunta doon. Wala na akong nagawa at nagpatianod na lang. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status