Share

Chapter 28

“Ano ba kasi talaga ang nangyari, Niko? I think now is the best time for us to talk about what really happened."  Tanong ko sa kanya habang nakaupo kami pareho sa sofa nila at nanonood ng movie. Umuwi na din pala ng Manila si Von.

Napabuntong hininga naman siya at tipid na ngumiti sa akin. "I saw your pictures with that bastard.”

"Anong picture ba yang sinasabi mo? May gumawa ng fake account ko at picture namin ni Jeff yung profile picture. ‘Yon ba?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya.

"No, not only that. There’s a lot, actually. Meron sa school at meron din sa mga duty niyo. Magkasama kayo lagi..” Sabi nito at iwas na iwas ang tingin sa akin na parang nagpipigil magtampo.

"What?! That gave me goosebumps! Niko, sinong kukuha ng mga litrato namin? Kahit outside Benguet na duty namin?” Tanong ko sa kanya at tumango naman siya at nakitaan ko din sya ng pag-aalala.

May duda na agad akong kay Gab ‘yon galing pero paano mangyayari ‘yon eh hindi naman kami magka duty?

"I was mad and jealous.." Nakayuko nitong sabi.

"Jealous ka diyan. Bigla ka ngang sumama kay Gab tapos magseselos ka.." Inis ko namang sabi sa kanya dahil kay Gab siya sumama noong graduation ko.

"Di ako makatanggi dahil andoon sila dad. I already told you about that baby." Sabi nitong napapakamot sa batok.

"Hindi mo pa talaga ako pinansin noong graduation mo. I was really hurt, Niko.” Naghihinampo at naiiyak kong sabi sa kanya. Ayokong magtago ng sama ng loob kaya sasabihin ko na lahat. Agad naman niya akong niyakap at hinalikan sa ulo.

"I’m really sorry, baby. I was about to call you that day but somebody sent me your pictures..again. You were very happy hanging out with him and his family. I got blinded by jealousy. I am sorry baby." Mahina nitong sabi sa akin at patuloy akong hinahalikan sa ulo na tila ba binubura nito ang tampo ko sa kanya.

"I needed to be in Manila din the next day dahil birthday ni lolo kaya nakipag convoy na ako kila dad kinagabihan. Hindi na ako nakapagpaalam dahil masama pa ang loob ko kaya magpapalamig na din sana ako ng ulo. Babalik na sana ako dito after ng birthday ni lolo because I really missed you so damn much.. but the accident happened.” Paulit ulit pa siyang nag sorry kaya napabuntong hininga na lang ako. Siguro lesson na din sa aming dalawa ‘to na dapat pag-usapan ang mga bagay na hindi malinaw para hindi na lumaki pa.

"Next time pag-usapan natin ang problema ha? At lagi kang mag-iingat please?" Pakiusap ko sa kanya at yumakap ako sa kanya. Di ko ata kakayaning mawala sa akin si Niko. Hindi ko kakayanin.

Tumango siya at kinintalan ako ng halik sa aking mga labi. “I will. I love you."

"Jen, uuwi na muna ako ng Manila." Paalam ko sa kanya at doon na ako maghihintay ng result ng board exam.

"Kelan ka babalik?" Mukhang nagulat siya at tila aburido. Ayaw kasing mag-isa niyan dito sa bahay kung maaari dahil takot sa multo kahit wala naman.

"Kapag meron nang result. Saglit lang naman ‘yon. Siguro isang buwan mahigit. Hopefully, makapasa." Sabi ko naman sa kanya.

"Ano ka ba? Sigurado yan noh! Dito ka mag wo-work?”

"Oo, kailangan ko pa magtraining ng kung anu-ano saka kailangan ko pang mag volunteer ng ilang buwan  siguro." Madami pang kailangang gawin at dito ka na lang sa Baguio tatapusin ang mga ‘yon.

"Hindi ba’t sa Manila na din mag i-stay si Niko?" Nakakunot noo niyang tanong sa akin.

"Hmm oo doon na siya. Mag re-review na din ata siya."

"Eh di doon ka na din mag training at mag work kung doon na pala si Niko."

"Eh paano ka?" Iniisip ko din kasi si Jen dahil wala na siyang makakasama dito. Five years kasi ang engineering.

"Anong paano ako? Malapit na din ako grumaduate. Huwag mo ako iisipin tsaka andito naman si Jeff. Dito mag mi-med school yun. Bantayan mong maige yang boyfriend mo at may mahaderang mang-aagaw doon." Nainis siya sa huli niyang sinabi.

"Pag-iisipan ko. Mami-miss ko kayo ni Max!" Malungkot kong sabi sa kanya at nagyakapan kaming dalawa. Hindi ko ma-imagine na magkakahiwalay na kami. Mahigit apat na taon din na kami lagi ang magkasama!

Kinagabihan ay nag bonding muna kaming magkakaibigan kasama si Jeff. Si Niko naman ay nakipagkita din sa mga dati niyang kaklase.

"Dito ka na din ba matutulog, Max?" Tanong ni Jeff kay Max.

Umiinom kami pero tig dadalawang bottle lang ng san mig. Gusto lang namin mag relax at hindi para maglasing.

"Yes, doc! Ikaw ba?"

"Doc ka diyan. Kung pwede sana dahil tinatamad na akong mag drive pauwi." Sabi nitong namumungay na ang mga mata.

"At bakit naman hindi pwede? Maluwag ang banyo oh!" Sabad namang biro ni Jen sa pinsan niya.

"Banyo?! Patutulugin mo'ko sa banyo? Grabe, Jen! Parang hindi tayo mag pinsan niyan ah." Kunwari namang naghihinampo nitong singhal kay Jen. Hindi ko naman napigilang tumawa maging si Jen at Max kaya lalo lang namang napasimangot si Jeff.

"Bakit Jeff Ivan? Wala ka bang babae ngayon ha?" Tumatawa kong tanong sa kanya.

"Ano namang tingin mo sa'kin, Jazzy? Napapansin ko minu-murder niyo ko ah. Sabihin niyo lang kung pinapauwi nyo na ako." Kunwari na namang naghihinampo nitong sabi. Napaka arte ng lalaking ‘to!

"Hoy di mo bagay mag drama!” Singhal ko sa kanya habang tumatawa.

"Anong magagawa namin eh sa babaero ka naman talaga?" Sabad naman  ni Max na sumasakit na din ang tiyan katatawa. Basta si Jeff ang pinag tripan namin hindi talaga kami maawat sa katatawa dahil napaka pikon din kasi nito.

"Oh siya! Sige sige uuwi na ako! Sumusobra na kayo." Tumayo na siya agad at akma nang aalis pero hinayaan lang namin siya dahil alam naman naming hindi siya tutuloy. At tama nga kami dahil hindi pa man din siya nakakalabas  ng pintuan ay humakbang na siya pabalik sa amin!

"Oh ba’t ka pa bumalik? May naiwan ka?" Biro ko pa sa kanya.

"Bahala kayo. Basta dito ako matutulog." Sabi niya at pabagsak nang humiga sa sofa! Napailing na lang ako habang tumatawa.

Nakakapagtaka din ‘tong si Jeff dahil wala kaming nababalitaang babae niya lately. Dati kasi ay hindi ‘yan nawawalan ng babae. Napaka playboy! Palibhasa ay gwapo. Kaya nga laging nagseselos si Niko diyan dahil hindi rin talaga papahuli ang kagwapuhan niya sa kanilang magkakaibigan. Pare-pareho silang tinitilian ng mga kababaihan.

"Mami-miss kita Max!" Sabi ko kay Max at niyakap ko siya nang mahigpit habang nakahiga na kami sa aking kama.

"Aw mas mami-miss kita!" Naiiyak niyang sabi at gumanti sa akin ng yakap.

"Dito ka na kasi mag training, Jaz." Malungkot niyang pakiusap sa akin.

"Hmm tignan na lang natin. Kung ikaw na lang kaya ang lumuwas ng Manila para maiba naman?"

"Hmm parang gusto ko. Pero pag-isipan natin ‘yan." Sang-ayon naman nito sa akin.

"Kumusta na pala kayo ni Von? Babalik pa ba siya dito?" Tanong ko sa kanya pero napabuntong hininga siya.

"I don't know. Wala namang kami. Sigurado akong nambababae na ‘yon doon."

"Wala ba talagang pag-asa na maging kayo? Alam kong gusto mo siya, Max." Seryoso kong tanong sa kanya.

She sighed. "I honestly like him pero natatakot ako Jaz.. natatakot akong sumugal. Natatakot akong masaktan ulit." Malungkot nitong sabi.

"Bakit di mo subukan? Malay mo naman worth it ang pag take mo ng risk."

"Hindi ko alam Jaz. Hindi ko talaga alam." Mahina niyang sabi kaya hindi na ako  nagtanong pa.

Naiiintindihan ko siya dahil hindi lang siya nasaktan ng sobra sa first boyfriend niya kundi pati sa dad niya na nagkaroon pala ng mistress. Natatakot siyang matulad sa mommy niya. Grabe ang trauma niya.

Tatawagan ko sana si Niko para mag good night dahil inaantok na ako pero baka magising si Max kaya tinext ko na lang siya.

Me: baby, matutulog na ako. Wag ka maglalasing ha? Good night. I love you!

Habang nag hihintay ako ng reply niya ay nag browse muna ako sa f******k.

Tinignan ko ang account ni Niko at nasurprisa ako dahil may mga bagong tag na pictures at ngayon lang ito. Tinignan ko talaga isa-isa at kung sinu-sinong mga babae ang nakadikit sa kanya. Nagkibit balikat na lang ako dahil halata namang sila ang dumidikit at di sila pinapansin ni Niko. Pero kinabahan ako sa mg hauling pictures dahil nandoon si Gab! Anong ginagawa niya doon? Bakit sila magkasama?

Mukhang mas nahuli ito ng dating dahil sila na halos ang magkatabi sa mga huling pictures. At wala ng ibang nakadikit kay Niko na babae kundi si Gab lang. Wow! Parang siya ang girlfriend ah! Hindi ko na mapigilan ang puso ko sa pagkabog nito ng malakas.

Mabilis ko ding tiningnan ko din ang account ni Gab. Wala siyang bagong post pero ang kapal din talaga niya dahil hindi pa siya nagpapalit ng profile picture niya. Akala mo talaga silang dalawa ang mag boyfriend. Hindi ko mapigilan ang sarili kong makadama ng selos!

Mabilis ko ding in-open ang IG at ini-stalk si Gab. Meron siyang bagong post sa story niya! Nanginginig na ako nang buksan ko ‘to. Hindi ko alam pero iba talaga ang pakiramdam ko!

20 minutes ago ang post niya. Nakasakay sila sa sasakyan ni Niko! Nag da drive si Niko at nakasandig ang ulo ni Gab sa balikat niya! At halos mahulog ko ang cellphone ko sa pagkabigla nang mabasa ko ang caption niya!

‘Road trippin’ with my fiancé!’

Napanganga ako sa gulat. Fiancé? What the hell, Niko?!

_juztine_

Please don't forget to rate. Thank you so much!

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status