Share

Chapter 27

"Hi, sleepyhead!" Nakangiting bati sa akin ni Niko pagmulat ko ng mata ko.

Kalalabas niya ng bathroom at bagong ligo. Naka boxer shorts lang siya and oh-my! Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng pisngi umagang umaga kaya agad akong nag-iwas ng mukha. Tinawanan naman niya ako at agad na nilapitan.

"You're so cute, baby.." Nakangiti nitong sabi at kinintalan ako ng halik sa labi.

"Still sleepy?" Tanong niya pa ulit habang sinusuklay ang buhok ko ng kamay niya. Tumango naman ako dahil inaantok pa talaga ako.

"What time is it?" Tanong ko naman sa kanya dahil hindi ko makapa ang cellphone ko. Hindi ko alam kung saan ko naipatong.

"It's 1 in the afternoon, baby. Matulog ka pa if you're still sleepy. I'll just cook." Sabi naman niya at muli akong dinampian ng halik sa labi. Nakakahiya, hindi pa ako ng tu-toothbrush!

Nagbihis muna siya ng maong pants at tshirt saka na siya nagpaalam na bumaba.

Naalala ko ang pagtatalo namin kagabi at napabuntong hininga na lang ako.

Dahil hindi na din naman ako makatulog ay bumangon na lang ako at naligo. Kumuha ako ng tshirt niya sa cabinet at isinuot 'yon.

Nang maalala ko sila Jen ay agad kong hinanap ang cellphone ko at nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko ito sa ibabaw ng bedside table. Nilagay siguro ni Niko dito. Agad ko namang tinignan ito at may text nga si Jen.

Jen: Jaz, matanda ka na. You already know what you're doing. Basta andito lang kami lagi for u. Love u.

Agad naman akong nag reply.

Me: thanks Jen! Love you more!

Bumaba na ako din ako at dumiretso sa kusina. Nadatnan ko siya nag pi prepare na ng table. Ang gwapo naman ng cook ko!

"Hey sexy." Bati niya sa akin nang makita niya ako at agad niya akong nilapitan at siniil ng halik! Binuhat pa niya ako at iniupo sa mesa.

"Niko, gutom na'ko eh.." Sabi ko sa kanya nang maghiwalay ang mga labi namin.

"Ako din, baby, lagi akong gutom sa'yo." Bulong niya sa akin habang humahalik sa leeg ko.

Nag-iinit na din ang pakiramdam ko nang biglang tumunog ang tiyan ko! Nakakahiya pero gutom na kasi talaga ako at di pa kami nag breakfast at lunch, anong oras na.

"Alright kain na muna tayo.". Tumatawa niyang sabi at ibinaba niya ako mula sa mesa at inalalayang makaupo.

Naghain na siya at ang niluto niya ay chicken adobo, my favorite! Lalong kumalam ang sikmura ko nang maamoy ang mabangong adobo!

"Hmmm! Ang sarap, Niko!" Puri ko sa niluto niya nang matikman ko ito at nakuha niya yung gusto kong timpla.

"Nagugutom ka lang." Tumatawa niyang sagot.

"Di ah!"

Magana kaming kumain pareho dahil bukod sa gutom na gutom kami ay masarap talaga siyang magluto.

Busog na busog ako dahil napakadami kong nakain!

"Anong oras tayo magkikita?" Tanong ko sa kanya nang nakarating kami sa apartment.

"After an hour maybe? Para makapagpahinga ka kahit kunti." Pilyo nitong sabi at nakangisi pa siya!

Ala sais na kasi ng gabi. Mag di date daw kami kaso ginabi na kami. Paano? Wala naman kasing kapaguran ang lalaking to. Pakiramdam ko nag-init na naman ang pisngi ko nang maalala ko ang mga pinagsaluhan naming mga sandali. He's insatiable! Halos ayaw na niya akong pakawalan.

Tulad na lang ngayon. Tumalikod na ako at papasok na sana ng gate ng hilain na naman niya ako pabalik.

"Ano? Ang clingy mo Niko!" Tumatawa kong tudyo sa kanya.

"Sa apartment ka na lang pala baby.." Parang siyang batang umuungot ng candy!

"Baby, tignan mo tong suot ko oh? Gusto ko ng magbihis." Sabi ko naman sa kanya dahil 'yong dress ko pa din kagabi ang suot ko na pinatungan ko lang ng jacket niya.

"Sige na nga. Love you!"

Pagkapasok ko sa ay agad akong naligo ulit at nagbihis. Nang makapagpatuyo ako ng buhok ko ay nagbihis na ako ng simpleng knitted sweatshirt at skinny jeans na pinaresan ko ng ankle boots.

Saan kaya si Jen? Sunday ngayon kaya wala siyang pasok. Kinatok ko siya sa kwarto pero mukhang walang tao. Lumabas din siguro.

Humiga muna ako habang hinihintay si Niko at nag browse muna sa aking mga social media accounts.

Uy may update sa ig story si Niko. Himala dahil hindi siya mahilig mag post!

At natunaw na naman ang puso ko. Kaya pala pina-picturan niya sakin yung kamay naming magkahawak kanina sa kotse niya!

Kainis! Para akong highschool na kinikilig! Napaka sweet naman ng boyfriend ko. Nag send ako ng tatlong heart para I love you.

Nagreply naman siya agad!

Baby, labas ka muna sa terrace now na.

Mabilis naman akong bumangon at lumabas ng terrace.

Tawang tawa naman ako nang makita ko siya dahil nandun nga siya sa terrace nila at naka pants lang siya at walang pang itaas. Ang ginaw kaya?! May hawak pa siyang gitara.

"Can you hear me, baby?!" Sigaw niya.

Tumango tango lang ako at sinenyasan ko siya na wag siyang maingay dahil makakaistorbo kami sa ibang mga boarders! Nakakahiya! Pero hindi ko talaga mapigilang tumawa dahil napaka corny niya!

"Okay! Pwede bang mang harana?! Pakinggan mo ha?!" Sigaw niya ulit. Napaka ingay niya!

Naloloka ako sa lalaking 'to. Naloloka sa kilig!

"Belated happy 2nd anniversary, Baby! I love you! And.. I'm really sorry." Sabi nito at sumeryoso siya at parang maiiyak nang mag sorry siya kaya natahimik din tuloy ako at parang maluluha.

May mga nakiki usyuso na tuloy at tila kilig na kilig. Mga boarders din dito sa mga katabing apartment namin.

Di na ako sumagot at sumenyas na lang ng finger heart at nag flying kiss ako sa kanya.

Sa totoo lang nawala na din sa isip ko na 2 years na pala kami noong nakaraang bwan. Syempre sa puso kong nasaktan ako naka focus, maiisip ko pa ba 'yon?

"Nakakainggit naman si ate! Sana all!" Tili ng ibang mga boarders at ang iba ay kinukuhanan na yata kami ng video! Ugh! Niko talaga oh.

Mas lalo pang nagtilian ang mga boarders nang magsimula na nga siyang mag strum at kumanta.

Uso pa ba ang harana?

Marahil ikaw ay nagtataka

Sino ba 'tong mukhang gago?

Nagkandarapa sa pagkanta

At nasisintunado sa kaba

Grabe naman kung makatalon ang puso ko 'day!

Hindi ko din napigilan ang sarili kong i-video siya. Ang lakas ng tibok ng puso ko! Lalo akong nahuhulog sa kanya. I am so madly inlove with you my Mr. Perfect.

Pinost ko ang video niya sa account ko at nilagyan ko ng caption 'The sweetest guy I know! I love you!'

"I love you, baby! Coming!" Sabi niya pagkatapos niyang kumanta at agad nang pumasok sa loob ng apartment nila. Pinalakpakan pa siya ng mga boarders na nakasaksi. Gusto kong matawa pero nananaig ang kilig!

Kumain kami at nanood ng sine sa SM pagkatapos ay magkahawak kamay kaming naglakad lakad sa Session Road.

"Samahan mo'kong mag ukay-ukay baby ha?" Matagal na din kasi yung huling beses na nakapag ukay kami nila Jen.

Masarap kasing mag-ukay dito lalo na sa gabi. Ewan ko ba!

"Ukay? Why? May gusto kang bilhin? Tara balik tayo sa SM." Nakakunot-noo niyng tanong sa akin. Pero tinawanan ko lang siya kaya lalo lang siyang nagtaka

"Ukay nga gusto ko, sige na kasi baby ko.." Lambing ko sa kanya at yumakap ako sa bewang niya.

Tuwang tuwa ako nang pumayag siya. Gusto ko lang siya makasama sa ukayan. Ang cute niya!

Pinag titinginan siya ng mga tao pagkarating namin sa Harrison. Sa mga gilid gilid ng kalsada lang nagbebenta ang mga tao hanggang sa may lower session. Napakaraming tao din ang nag-i-enjoy sa pamimili ng mga ukay.

"Mga artista po ba kayo sir, ma'am?" Tanong ng isang tindera habang pinapanood ako ni Niko na naghahalukay ng mga damit.

Si Niko talaga pilyo!

"Po? Paano niyo po nalaman? Napapanood niyo po ba kami?" Pilyong sagot ni Niko kaya napatingin ako sa kanya at napaawang ang mga labi ko sa gulat!

Napaka pilyo kaya pigil na pigil akong tumawa! Sakyan ko nga!

"Naku, siya lang po yung artista ate." Sabi ko naman sa tindera.

"Ay, uy artista pala talaga! Naku kaya pala kay gwapo!" Masatang sabi ng tindera sa mga kapwa niya tindera kaya halos lahat ng nakarinig ay pinagtitinginan kami at tila kinikilala kung sinong artista si Niko!

Naku, Niko! Pigil na pigil ang tawa ko nang mahawakan nila sa kamay si Niko at hinila! Nagpa picture sila kasama si Niko! At ako lang naman ang ginawa nilang photographer! Hinihila niya din ako pero hindi ako sumama. Bahala siya, trip niya yan eh!

Hindi rin tuloy kami nakapamili dahil pinagkaguluhan siya! Kaloka! Tawa kami ng tawa nang makalayo kami sa mga tao. Buti nakatakas pa kami. Grabe, Niko!

"Siraulo ka talaga Niko!" Hinihingal kong singhal sa kanya nang makalayo kami sa mga tao. Magkahawak kamay kasi kaming tumakbo palayo sa mga tao at halos sumakit na ang tiyan ko sa katatawa!

"Gwapo naman! May artista ka pang boyfriend!" Sabay pa-pogi niya at tinaas taas pa ang kilay.

"Oh eh di ikaw na!" Sabi ko naman sa kanya at kinurot siya sa pisngi.

"Saan tayo matutulog ngayon baby?" Tanong niya sa akin pagkasakay namin ng sasakyan niya.

"Eh di umuwi ka sa apartment nyo, dun naman ako sa apartment namin." Balewalang sabi ko sa kanya.

Pero pinipigilan kong tumawa dahil sa itsura niya ngayon. Parang batang inagawan ng lollipop! Ang cute talaga eh!

"Sige, doon na lang tayo sa aparmtent niyo." Saka siya ngumiti na parang batang pinag bigyan

"Uy ano ka? Nakakahiya kay Jen!"

"Eh di dun tayo sa apartment namin?"

"Nakakahiya kay Von!"

"Baby ha? Sige, sa bahay na lang ulit tayo." Saka siya nagsimulang magmaneho.

"Wala akong dalang damit!"

"Wag na nga lang. Ganyan ka naman eh. Matapos mo makuha katawan ko, ganyan ka na.."

"Hoy ha! Nababaliw ka na Niko!" Tumatawang singhal ko sa kanya dahil kung anu-anong sinasabi niya.

"Oo baliw na baliw sayo!" Sabi naman nito at kinindatan pa ako.

Tawa ako ng tawa sa kapilyuhan niya.

Ang ending..syempre diko siya kayang tanggihan! Doon kami sa apartment niya natulog dahil wala naman si Von.

Natulog nga ba?

_juztine_

Please don't forget vote. It means a lot! 🙏❤️

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status