Share

Chapter 24

"Oh, hi hija! Come here! How are you?" Bati sa akin ng daddy ni Niko dahil agad siyang napalingon sa akin. Napatingin naman sa akin ang mommy niya at napataas na naman ng kilay to nang makita niya ako.

"Good afternoon po." Magalang kong bati sa kanila at bahagya pa akong yumuko.

Kung gaano ka warm ang daddy niya ay siya namang kabaliktaran ng mommy niya. Tipid lang itong ngumiti sa akin. Pinaupo naman ako ni tito sa tabi niya. Magkatabi naman si Gab at madame.

Nang matapos ang ceremony ay lumapit na si Niko sa amin. Tila nagulat naman ito nang makita ako. Nginitian ko siya pero tumingin lang siya sa akin ng seryoso at hindi niya ako pinansin! Nakita ko pang napangisi si Gab at tila nasiyahan pa siya sa pag snob sa akin ni Niko. Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makapaniwala sa pag trato niya sa kin. Nag yakapan at batian silang lahat at parang hindi nila ako nakikita. Matinding pagpipigil ang ginawa ko para hindi tumulo ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"Jazzy girl! You’re here!” Napalingon ako nang tawagin ako ni Von. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako. Nakasunod naman sa kanya sila Rust. Nauna nang grumaduate ang mga Architecture noong nakaraang linggo. Bumati silang lahat sa akin. Na miss ko sila dahil bihira na kaming magkita kita nitong mga nakaraan dahil puro kami graduating maliban kay Jen.

Mas lalo naman akong naiiyak nang niyakap nila ako. Buti pa sila kasi yung taong ipinunta ko dito ay parang walang nakita. Si Gab ang nakakapit sa kanya ngayon. Tila nakaramdam naman ang mga mokong dahil obvious na chini-cheer up nila ako. Kapansin pansin din na masama ang tingin ni Von kay Niko.

“Sama ka sa amin Jazzy girl." Aya sa akin ni Von at pinisil pa niya ng bahagya ang pisngi ko.

“Oo nga, baby girl!” Masaya namang sabi sa akin ni Erik. Napalingon ako kay Niko at sandali kong nakitaan ng pagtiim bagang pero agad na itong tumalikod at kinausap ang daddy niya.

"Next time na lang kasi nandito pa sila mommy at may lakad din kami ngayon. Sumaglit lang talaga ako para batiin kayong lahat.” Sabi ko naman sa kanila at pinilit kong ngumiti.

“Von, let’s go na!” Tawag naman ni Gab kila Von. Nagkaka ayaan na sila at mukhang sama sama silang magsi-celebrate.

Para hindi naman masayang ang pagpunta ko dito ay naglakas loob akong lapitan si Niko kahit hindi sila mapag hiwalay ni Gab. Tinaasan naman ako ng kilay ni Gab. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko sa kanila para itrato nila ako ng ganito pero pinilit ko pa ding magpakatatag para hindi magmukhang mahina sa harap nila kahit sa totoo lang ay gusto ko nang bumunghalit ng iyak.

“Niko.. Happy graduation.” Lihim akong nagpasalamat dahil hindi ako pumiyok kasi kunti na lang talaga ay mahuhulog na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Thanks." Malamig pa sa yelo niyang sagot.

“S-sige, aalis na din ako.” Pilit pa din akong ngumiti at nang akmang aalis na ako ay tinawag ako ng daddy niya.

"Jazmin hija! Halika sama ka sa amin.” Nakangiti nitong aya sa akin. Nakatingin lang ang mommy niya na sigurado akong nagdadasal na para hindi ako  sumama.

"Salamat po tito pero m-may pupuntahan pa kasi ako.”  Tama nga ako dahil mukhang natuwa ang dalawang bruha na hindi ako sasama sa kanila. Hinding hindi talaga ako sasama sa kanila!

"Ganun ba, hija? Mag- iingat ka kung ganun ha?"

"Opo salamat po." Nagpaalam na din ako sa kanya pero hindi na ako lumingon kila Niko at bumalik ako sa pwesto nila Von. Nakatingin lang sila sa akin na para ba akong kawawa. Pinilit ko namang pinasigla ang mukha ko dahil ayokong magmukhang kawawa.

"Jaz, are you okay?" Marahang tanong sa akin ni Von at inakbayan pa niya ako. Hinagod naman ni Rust ang likuran ko na para nila akong inaalo. Napansin na ata nilang malapit na akong umiyak!

“Ihahatid na kita, Jaz?” Tanong naman sa akin ni Erik pero umiling iling ako. Ayaw kong makita nila ako sa gantong ayos.

Napabuntong hininga naman si Von. At nang hindi talaga nila ako mapilit ay pinasakay na lang nila ako sa taxi. Isa-isa pa talaga nila akong niyakap bago ako sumakay.

Pagka alis na pagka alis pa lang ng taxi na kinalululanan ko ay nag-uunahan nang bumagsak ang mga luha ko. Grabe, napakabigat ng dibdib ko! Wala akong maisip na masamang nagawa ko sa kanya. Nagsawa na ba siya sa akin? Na realized na ba niyang si Gab talaga ang gusto niya? Lalo akong napahagulhol sa naisip ko.

Instead na sa SM ako tumuloy ay napagpasyahan kong umuwi na lang sa apartment. Nag dahilan na lang ako kay mommy. Buti na lang talaga at kasama nila sila tita Ella dahil kung hindi siguradong pupuntahan ako ng mga yun. Pagkarating ko ng bahay ay wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog ako.

"Jazmin, buksan mo ‘tong pinto! Ano ha? Magkukulong ka na lang ba diyan palagi?!" Sigaw ni Jen sa labas. Ni lock ko kasi ang kwarto. Ayokong makita nila akong miserable.

Dalawang linggo na ang lumipas mula nang mangyari yun. Nag stay pa sila mommy at sila tita ng 3 days bago tuluyang lumuwas ng Manila at kailangan na din niyang bumalik sa London. Kinailangan kong magpanggap na masaya ako sa loob ng tatlong araw na iyon dahil ayokong mag-alala sila sa akin. Pero nang makaalis sila ay wala akong ginawa kundi mag kulong at mag- iiiyak dito sa loob ng kwarto.

Sinong hindi maiiyak? Bukod sa hindi pag kibo sa akin ni Niko ay napag-alaman ko ding lumuwas na siya ng Manila right after their graduation! At magkakasama sila pati ang mga pamiya nila ni Gab! Hindi ko alam kung babalik pa siya dito sa Baguio.

"Ano ha? Gigibain ko na ba ‘tong pintuan mo?!" Nanggigigil na sabi ni Jen.

Naulinigan ko na din si Max. "Di pa din ba lumalabas si Jaz?" Malungkot na tanong niya kay Jen.

"Lumalabas lang kapag gagamit ng banyo. Halos di na nga din kumakain yan." Napabuntong hiningang sagot ni Jen.

"Jaz? Buksan mo na oh. Magsisimula na ang review natin. Paano tayo papasa niyan kung ganyan ka?" Mahinahanong sabi ni Max sa labas.

Dahan-dahan akong tumayo at humarap muna ako sa salamin. Halos hindi ko na din makilala ang sarili ko. Anong ginawa mo sa akin Niko? Hindi ko akalaing magagawa mo akong saktan ng ganito. Huminga ako ng malalim. Panahon na din siguro para isipin ko din ang mga kaibigan kong labis nang nag-aalala sa akin.

Huminga ulit ako ng malalim bago ko binuksan ang pintuan ko. Bumungad sa akin ang nag-aalalang  si Jen at Max. Agad nila akong niyakap ng mahigpit at natawa na ako nang pare-pareho na kaming umiiyak.

“Sorry..” Humihikbi kong sabi sa kanila.

"Basta nandito lang kami ha? Sige lang iiyak mo na lahat, it’s okay.” Pag-co-comfort naman sa akin ni Max.

"Papunta na din pala dito si Jeff, Jaz. Sinabi ko na sa kanya.” Humihikbi ding sinabi ni Jen kaya tuluyan na akong natawa dahil  mas mukha pa silang broken hearted sa akin.

Maya-maya dumating na din si Jeff at may dalang ilang bottle ng beer at fried chicken na tinake-out pa niya sa Good Taste.

Sa tulong ng mga kaibigan ko ay kahit papaano ay nakakalimot naman ako. Masakit pa din at natatagpuan ko na lang sarili kong umiiyak sa gabi minsan. Syempre mahal na mahal ko siya. Akala ko nakaranas na ako ng heart break kay Jeff dati pero hindi pala kasi hindi ko naman naramdaman ang ganitong klase ng sakit. Akala ko si Jeff ang first love ko pero hindi pala. Masyado ko lang siguro siyang hinangaan dati dahil pakiramdam ko siya ang hero ko.

Dalawang buwan na din ang nakalipas pero hindi na talaga nagparamdam pa si Niko. Nag focus na lang ako sa pagre-review. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag bumagsak ako dahil lang sa kanya.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang kalampagin ni Max ang mesa.

"Nakatulala sa hangin." Kumakanta pa ito kunwari kaya napailing na lang ako.

“Asan na daw si Jen?” Tanong ko sa kanya. Tumambay kasi kami sa SM kasama si Jeff habang hinihintay namin si Jen dahil may klase pa siya.

Mabilis lumipas ang mga araw at hindi ko akalaing kinaya ko namang bumangon kahit papaano. Akala ko kasi ikamamatay ko kapag nawala siya sa buhay ko pero heto buhay pa naman ako! Tapos na ang board exam namin kahapon! Sana naman pumasa kaming tatlo!

“Mag bar na lang kaya tayo tutal tapos naman na ang board exam?” Aya ko sa kanila dahil matagal tagal na din na hindi kami nakakalabas.

"Aba! Ikaw ba yan Jazmin? Gusto ko yan!" Excited at tumatawa na sabi ni Max. Tila hindi pa siya makapaniwala kaya napailing na lang ako.

Habang naghihintay pa din kami kay Jen ay lumapit sa amin ang mga naging blockmates namin na.

"Uy! Look who's here! Kayo ha?! Kayo na pala! Ma sekreto talaga kayo! Break na pala kayo ni Mr. Perfect?" Dire-diretsong sabi ni Karen. Nagkatinginan naman ang iba at siniko pa siya ni Anne.

"Ha?" Sabay pa kami ni Jeff. Anong kami na?

Tila nagulat naman ang mga ito sa naging reaksyon namin ni Jeff. “Hindi ba’t kayo na?” Tanong pa ulit ni Karen.

“Anong kami na?” Sabi ko naman sa kanya nang nakakunot ang noo. Para naman siyang naguluhan sa reaksyon ko kaya nilabas nito ang cellphone niya at tila may hinahanap.

“Heto oh!” Sabi niya sa akin at ipanakita ang cellphone niya. Sabay sabay kaming napatingin nila Jeff at Max at napaawang na lang ang mga labi ko sa nakita ko!

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status