Amber PovPanay ang paghugot ko ng palihim at malalim na buntong-hininga habang nakaupo ako sa tabi ng driver's seat na minamaneho ni Phil. Madalas din akong sumusulyap sa kanya kapag hindi siya nakatingin sa akin. Hindi ako mapakali. Malapit na ako sa school namin pero until now ay hindi ko pa rin magawang masabi sa kanya na late akong uuwi mamaya dahil a-attend nga ako sa maliit na salu-salo na inihanda ni Migz sa restaurant na malapit lang naman dito sa school namin. Nagsabi na siya sa amin na nakapagpa-reserved na siya sa restaurant. Nakakahiya kung hindi ako sisipot doon dahil maliban sa nakapangako na ako sa kanila ay nabayaran na rin ni Migz ang restaurant. Per head kasi ang bayad sa restaurant na kakainan namin mamaya.Hindi ko alam kung ano ang nakain ni Phil at bigla niya akong hinatid ngayon papasok sa school. At hindi ko rin alam kung susunduin ba niya ako mamayang uwian. Nang huminto sa tapat ng school gate ang kotse niya ay ipinikit ko ang aking mga at muling humugot ng
Amber PovPagkatapos ng klase namin para sa last subject ay nagtungo kami sa restaurant na pina-reserved ni Migz para sa aming magkakaklase. Twenty lamang kaming magkakaklase ngunit seven ang nagsabing hindi sila makaka-attend kaya trese lamang kami na nagtungo sa restaurant para mag-celebrate sa birthday ni Migz.Maganda ang restaurant na pinili ni Migz. Puwedeng mag-inuman sa loob lalo pa at naka-reserved ang buong restaurant para lamang kay Migz. Iba talaga kapag mayaman. Kayang magpa-reserved ng buong restaurant para lamang i-selebra ang kanilang birthday.Halos kalahati ng restaurant ay salamin ang dingding kaya kitang-kita namin ang mga taong nagdaraan sa labas.Kinatahan namin si Migz ng birthday song at nag-blow the candle bago kami nag-umpisang kumain. Puro masasarap ang mga pagkaing nakahain sa harapan namin kaya natitiyak ko na marami akong makakain ngayon.Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang tumayo si Migz at itinaas ang wine glass na may laman na alak. "Maraming salama
Amber PovWala akong nagawa kundi ang isama si Phil at ipakilala sa mga kaklase ko. Ngunit binigyan ko siya ng isang kundisyon. Ipapakilala ko siya sa mga kaklase ko hindi bilang asawa ko kundi bilang pinsan ko. Ang idinahilan ko sa kanya ay ang contract namin. Mag-asawa lang kami sa harapan ng kanyang pamilya at sa ilang sitwasyon. Ngunit sa harapan ng mga kaklase namin ay hindi kailangang magpanggap kaming mag-asawa ni Phil. Hindi maaaring malaman ng mga kaklase ko na may asawa ako dahil wala nang magkakalakas ng loob na magkagusto o ligawan ako in the future dahil sa pagkakaalam nila ay may asawa na ako. Kaya wala ring nagawa si Phil kundi ang pumayag sa kundisyon ko."Migz, puwede bang maki-join sa atin ang pinsan ko?" tanong ko sa kaklase ko pagbalik ko sa mesa namin at kasama ko na si Phil. "Sa bahay kasi nila ako nakatira at gusto na niya akong umuwi kaya nagpapahintay na lamang ako sa kanya hanggang matapos tayo," paliwanag ko sa kanila."Yes, of course," mabilis naa sagot n
Amber PovPagkatapos naming mag-usap ni Migz ay sabay na kaming nagbalik sa table namin. Nagulat ako nang makita kong lasing na lasing na si Phil."Ano ang nangyari sa kanya? Bakit lasing na lasing siya?" tanong ko kay Mildy nang maupo akong muli sa aking upuan. Halos kalahating oras lamang akong nawala tapos pagbalik ko ay makikita kong lasing na lasing na si Phil? Ang bilis naman niyang malasing."Wala kaming kasalanan kung bakit nalasing ang pinsan mo, Amber. Pag-alis mo ay halos ubusin na niya ang laman ng alak na binili niya," si Henry ang sumagot sa tanong ko kay Mildy."Amber, nandito ka na pala. Anong ginawa niyo ni Migz sa banyo at ang tagal niyong bumalik dito?" tanong ni Phil sa akin, namumungay na ang mga mata niya sa sobrang kalasingan. Ngunit nakakabilib na kahit lasing na lasing siya ay straight pa rin siyang magsalita."Guys, mauuna na akong umuwi sa inyo. Nakita niyo naman ang pinsan ko, kailangan ko nang iuwi sa bahay," paalam ko sa mga kaklase ko. "Happy birthday ul
Amber PovKung nahirapan akong dalhin si Phil papunta sa kanyang kotse ay mas nahirapan akong madala siya papunta sa aming silid. Masyado kasi siyang malikot at nag-aalala ako na baka mahulog kami sa hagdanan. Kaya nang tuluyang maipasok ko siya sa aming silid ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.Pasalamat din ako na lahat ng mga katulong ay nasa loob na ng kani-kanilang silid at nagpapahinga na nang dumating kami. Hindi nila nakita si Phil na kumikilos na parang bata dahil sa sobrang kalasingan. Tiyak na walang mukhang maihaharap si Phil sa mga katulong niya sakaling nakita nila siya na malayo sa araw-araw nilang nakikita na pag-uugali nito."Amber," mahinang ungol ni Phil habang nakadapa sa ibabaw ng kama."Huwag ka nang maingay at matulog ka na lang ng mahimbing," kausap ko sa kanya kahit alam ko na hindi naman magre-rehistro sa kanyang utak ang sasabihin ko.Napangiti ako nang makita kong nasa ulo pa rin niya ang headband na bunny. Tiyak na magugulat siya kapag nagising siy
Amber PovPaggising ko kinabukasan ay mahimbing pa rin na natutulog si Phil sa kanyang puwesto. Agad akong nagtungo sa banyo para deretso nang maligo habang tulog pa siya. Tapos na akong maligo pero tulog pa rin siya kaya nagdesisyon akong lumabas ng silid namin para magtimpla ng kape.Balak ko sanang ipagluto si Phil ng sopas ngunit biglang nagbago ang aking isip nang maalala kong tinulugan niya ako kagabi habang nasa kalagitnaan kami ng masarap naming ginagawa. Kaya sa halip na ipagluto ko siya ng sopas ay sarili ko na lamang ang aasikasuhin ko. Lalabas na sana ako sa silid namin nang maalala ko ang bracelet na ibinigay sa akin ni kagabi ni Migz. Nasa bulsa pa pala iyon ng suot kong uniform at nakalimutan kong kunin. Agad kong kinuha sa laundry basket ang bracelet at isinuot ko sa aking kaliwang kamay. Wala naman dito si Migz kaya hindi niya makikita at malalaman na isinuot ko ang bracelet na ibinigay niya. Gusto ko lang namang i-try kung bagay ba sa kamay ko ang bracelet. Sa buon
Amber PovPasado alas diyes na ng gabi ngunit hindi pa rin umuuwi ng bahay si Phil. Madalas ay dumarating siya sa bahay bago mag-alas siyete at sabay-sabay kaming kumakain bago mag-alas otso ng gabi. Pero ngayon ten na ay wala pa rin siya. Hindi naman siya nagsabi na mali-late siya ng uwi dahil kapag may dinner meeting siya ay sinasabi niya sa akin o di kaya kay Lolo para hindi namin siya hintayin pa bago kami kumain. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-alala sa kanya lalo pa at umuuso ngayon ang pangingidnap ng tao. Kahit puro mga babae lamang at halos kaedad ko ang kinikidnap nila ay baka nagbago na sila ng isip at mga katulad naman ni Phil ang gusto nilang kidnapin dahil tiyak na malusog ang kanilang organs. Sinubukan kong tawagan sa kanyang cellphone si Phil pero hindi siya sumasagot. Lalo tuloy akong nakaramdam ng pag-aalala sa kanya. Nagpasya akong lumabas ng silid namin para silipin kung dumating na ba siya. Hindi na ako nagbukas ng ilaw dahil nakabisado ko na ang bawat sulok ng
Amber PovHindi ko ipinaalam kay Phil na nakita ko siya sa mall kasama sina Bovic at Pao. Hindi rin ako nagtanong kung may relasyon ba silang dalawa. Ko rin ipinakitang galit ako sa kanya dahil sa nakita ko. Baka sabihin lamang niya sa akin na masyado akong assumming. Siguro ay may lihim na relasyon silang dalawa at nagkaroon lamang ng hindi pagkakaunawaan kaya niya pinaalis noon si Bovic sa bahay na ito. At siguro para na rin makumbinsi niya akong bumalik sa bahay niya at ipagpatuloy ang nasimulan naming drama na batay sa contract na pareho naming pinirmahan."Coding ngayon ang kotse mo, Amber. Magpahatid ka na lamang kay Phil papunta sa school mo para hindi ka ma-late pagpasok," kausap sa akin ni Lolo nang makita niya akong bumaba mula sa hagdan. Akmang ibubuka ko ang bibig ko para tanggihan ang suggestion niya ngunit naunahan ako ng pagsasalita ni Phil."Nagmadali ako kaya hindi ko siya maihahatid, 'Lo," mabilis na tanggi ni Phil. At bago pa makapagsalita so Lolo ay mabilis ng lum