Share

Chapter 30

Andrea

Isang himala ang nangyari ngayong araw. Nauna ako kela Tristan sa table namin sa cafeteria. Ilang minuto na rin kami dito nila Lexa pero wala pa rin sila.

"Andrea, are you free this holiday?" Tanong ni Raia.

"Ewan ko." Sagot ko.

Hindi ko alam kung may gagawin ba ako dahil madalas na may hindi inaasahang plano sila mama.

"Andrea, what if Alistair likes you?" Biglang tanong ni Lexa.

"Wala 'kong pake." Sagot ko.

Kung mangyari man 'yun ay wala akong pake. "Aren't you going to like him back?" Tanong ni Lexa.

"Wala akong oras sa mga ganiyang bagay. Naniniwala ako sa sinabi ni suga na if you're inlove at you're young age, it's fake love."

Hindi pa rin naman sumasagi sa isip ko ang mga ganiyang bagay.

"You're so mean!" Sigaw ni Raia sa akin.

Si Lexa naman ay animong nagtatampo. "When you're inlove at your young age it doesn't mean that it's a fake love." dagdag niya.

Apektado sila dahil inlove sila eh. Ang tagal naman ng mga taong 'yun. "Tawagan mo na si Tristan, Lexa. Gutom na 'ko." Ginawa naman niya ang sinabi ko.

Kilig na kilig siya habang kausap niya ang boyfriend niya. Masyadong inlove. "I love you too baby." Nakangiti hanggang tenga si Lexa pagka-end niya ng call. "Parating na daw sila." Sambit niya.

"Ang saya mo kapag tinatawag ka niyang baby 'no?" Tanong ko.

"Of course!" Masayang sagot niya.

"'Wag kang masyadong masaya kapag tinatawag ka niyang baby." Payo ko dito. Pang-aasar na din. Haha.

"Why?" Inosenteng tanong niya.

"Malay mo triplets kayo."

Biglang napalitan ang ekspresyon sa mukha niya. Kaninang masaya ngayon ay malungkot na. "You're thinking in a negative way." Angal niya.

"You're so mean, Andrea." Saad ni Raia. Kunwaring naiinis pero nakangiti siya.

Magsisimula ng umiyak si Lexa kaya nilapitan ko siya at niyakap. "Biro lang. I'm sorry." Pilit ko siyang inaalo pero nagtuloy pa rin ang luha niya sa pagbagsak.

Napaka iyakin neto eh. Masyado siyang softhearted at madaling paiyakin.

"It's not a good joke." Aniya.

"Sorry." Saad ko.

Si Raia ay nakangiti lang. Gustong gusto niya ang nakikita niya. Kumawala ako sa yakap saka siya tinignan.

"Don't joke like that again."

Tumango ako bilang sagot. Nagpunas siya ng luha saka siya huminga ng malalim. Crybaby.

Ilang sandali lang din ay dumating na sila Tristan kasama si Jake.

"Bakit ganiyan ang mga mata mo? Umiyak ka ba?" Tanong ni Tristan kay Lexa at nilapitan ito.

Si Blake ay naupo naman sa tabi ni Raia, si Alistair sa tabi ni Blake at sa tabi ko naman si Jake.

Sinabi ni Raia sa kanila ang dahilan kung bakit umiyak si Lexa. "Hindi 'yon totoo. 'Wag kang maniniwala diyan." Ani Tristan na tumingin sa akin bago yakapin si Lexa.

"Ang sama talaga ng ugali mo eh 'no?" Sarkastikong saad ni Jake.

"She's just bitter because she doesn't have a boyfriend." Wika ni Alistair.

Nagsalita ang may girlfriend. "Hindi ako bitter. Nagsasabi lang ako ng possibilities." Saad ko.

"She has a point. But Tristan will never do that. Right Tristan?" Sang-ayon ni Blake.

"Dapat lang. Dahil malilintikan ka sa 'kin kapag sinaktan mo 'yan."

"Masyado kang brutal." Reklamo ni hagdan.

Ano naman ang brutal s sinabi ko?

"Tristan matakot ka kapag si pikon ang nagbanta. Gagawin niya talaga ang kapag sinabi niya." Wika ni Jake.

"Hindi ko naman talaga sasaktan ang baby ko kahit hindi niya ako pagbantaan." Ani Tristan.

"Siguraduhin mo."

Naging masama pa nung nawalan ng boyfriend 'tong si tagapangalaga eh. Ako ang pinepeste.

"Moonlight, dun tayo." Turo niya sa ferris wheel. Nasa amusement park kami ngayon dahil dito niya gustong pumunta.

Bigla niya aking hinila kanina at isinakay sa kotse niya kaya wala na akong nagawa. Nag text nalang ako kay kuya Andrew at sinabi ko na late na akong makaka-uwi at kasama ko si Ash.

Marami na kaming nasasakyan na rides dito. Halos lahat na yata eh. Kahit 'yung mga boring sinakyan namin. Ang gusto ko pa naman ay may thrill kesa boring.

Ito namang tagapangalaga na 'to eh basta basta nalang akong hinihila basta may nagustuhan siyang rides. Pagod na 'ko.

"Kain muna tayo, gutom na 'ko." Balak na naman niya akong hinalahin. Buti nalang naawat ko.

Pumunta kami sa isang restaurant malapit dito sa amusement park. Doon kami kumain. Japanese cuisine ang restaurant kaya hindi ako pamilyar sa mga pagkain.

"May problema ka ba?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain.

"Wala. Bakit mo naman natanong 'yan?"

"Bakit kasi ganiyan ka umakto?"

"Wala lang. Gusto lang kitang makasama."

"Lagi naman tayong magkasama ah?"

"Oo nga. Pero mas gusto ko 'yung... Tayong dalawa lang."

"Bakit?"

Huminga siya ng malalim at ibinaba ang kubyertos na hawak niya. Tumingin siya sa mga mata ko ng matagal bago magsalita.

"I like you."

Nabigla ako sa sinabi niya. Muntik pa akong mabilaukan. Ano daw? Gusto niya ako?

Bakit? Anong dahilan? At paano nangyari 'yon? Nababaliw na yata 'to eh. "Ayus ka lang ba? Baka inaantok ka?" Natatawang tanong ko dito.

"Hindi ako nagbibiro, moonlight." Seryosong sabi nito.

"Hindi rin ako nagbibiro."

Bumuntong hininga muli siya saka hinawakan ang kamay ko at tinignan ako sa mga mata. "I really like you, moonlight." Seryoso at sinserong sabi nito.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Ash. Anong nagustuhan niya sa 'kin? Inaamin ko sa sarili ko na masama ang ugali ko kaya paano niya akong nagustuhan?

May sira na yata 'yun sa isip. Ang buong akala ko ay may problema siya kaya gusto niya akong kasama. May ibang ibig sabihin na pala 'yon.

Pesteng animal! Hindi nga ako pumayag na ligawan ako ni Ash sila mama naman ang pumayag. Ang saya pa nila. Isa pa 'tong si Ash eh. Ako pa ang natripan.

"Hoy pikon!" Tawag sa akin ni Jake.

Isa pa 'tong peste. T'wing umaga talaga siya ang nakikita ko eh. Ang aga niya lagi.

"May napapansin ako kay Anderson." Sabi niya pagkalapit sa akin.

"Ano naman?"

Lumipat siya sa harap ko at patalikod na naglakad.

"Nagliligaw ba siya sa 'yo?" Straight to the point na tanong niya.

Hindi uso paligoy ligoy dito eh.

"Lahat napapansin mo eh."

"Totoo nga? Nagliligaw siya sa 'yo?"

Hindi ko siya sinagot. Lumihis ako ng lakad para maiwan siya. Pero ang animal mabilis ding nakahabol.

Nang-aasar siya at puro tanong habang naglalakad kami sa pasilyo. Naiirita na 'ko dito.

Tahimik ako sa buong klase. Hindi ako sumasagot kahit alam ko ang sagot. Tinatamad kasi akong magtaas ng kamay.

Nagalit pa  sa akin ang isang subject teacher namin dahil alam ko naman daw pala ang sagot ay hindi pa ako nagtataas ng kamay. Anong magagawa niya eh sa tinatamad ako?

May pa 'raise your hand if you want to answer' pa kasi silang nalalaman. Pwede namang sumagot nalang.

"Go to the library and do some research. I'll give you 40 minutes to finish your work. After 40 minutes you have to be here. No one should be late. Group yourselves into three. Each of you have a different task to do. After you finish it, you're going to compile it. You're going to exchange answers to your group mates. Do you all understand?" Paliwanag ni Mr. Vasco.

Sumagot kami ng opo at saka niya kami grinupo sa tatlo. Sabi niya ay kami nalang daw ang mag grupo sa sarili namin para komportable kami sa mga kagrupo namin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status