Share

Chapter 71

Andrea

Bumalik kami ni Jake sa klase matapos kong umiyak sa mga balikat niya.

Habang nasa klase kami ay ramdam na ramdam ko ang pagtingin lagi ni Alistair sa akin.

Hindi ko naman 'yon pinansin at nakinig nalang sa nagtuturo. Kung gusto niya naman siguro akong kausapin ay kakausapin niya ako mamaya.

Kung paninindigan naman niya ang pagiging boyfriend nung Samantha, eh 'di bahala siya.

Habang nasa loob ng klase ay biglang nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko 'yon.

May nag message sa akin. Binuksan ko ang phone ko at tinignan ko kung sino ang nag-text.

Nagsimulang pumatak ang mga luha ko ng mabasa ko ang message na natanggap ko.

Hindi ko napigilan ang mga luha ko at nagtuloy tuloy ito sa pagtulo. Sobrang sakit ang naramdaman ko matapos basahin ang message na 'yun.

"Smith are you okay?" Tanong ng subject teacher ko sa akin.

Naramdaman ko naman ang mga mata ng kaklase ko sa akin. Pero hindi ko 'yun pinansin.

Hindi ko maalis ang paningin ko sa phone ko at paulit ulit na binabasa ang text message ni kuya nagbabakasakali na mali ang pagkakabasa ko.

Pero hindi.

Hindi ko na rin tuloy napigilan ang paghikbi.

"Smith." Nag-aalalang tawag sa akin ng subject teacher namin saka lumapit.

Lumapit din sa akin sila Lexa at iba pa naming kaibigan at tinanong ako kung okay lang ako pero hindi ko sila pinansin.

Tinanong din ako ni Alistair kung okay lang ako pero hindi ko rin siya pinansin.

Wala akong pinansin na kahit isa sa kanila. Itinuon ko lang ang paningin ko sa phone ko at paulit ulit pa ring binasa ang text message.

Unti unting parang nawala ang mga tao sa paligid ko. Parang ako nalang mag-isa ang tao sa classroom namin kahit na nandyan naman sila sa tabi ko.

Parang nawala din ang pandinig ko at wala akong ibang marinig kung 'di ang hikbi ko.

From: Mama

Andrea... Wala na si lola mo. Patay na siya. Hindi siya naka-survive.

Gusto kong sumigaw sa galit at sakit.

Hindi ko alam na 'yun na pala ang huling pagkikita namin ni lola. Hindi inaasahan na mawawala siya agad.

Naaksidente sila lola habang pabalik sila ng Sagada. Si Papa ang naghatid sa kanila pabalik pero nabalitaan nalang namin nun na naaksidente sila habang nasa byahe pa.

Ang sabi ay nawalan ng preno ang sasakyan nila papa. Hindi namin alam kung pa'nong nangyari 'yon dahil ayus pa ang sasakyan nila nung umalis sila ng bahay.

Tumawag pa nga si papa sa amin noon at sinabing huminto sila saglit sa isang restaurant para kumain tapos biglang nasira ang break nila?

Punyeta!

Nag-iimbistiga pa ang mga pulis hanggang ngayon pero hindi ako naniniwala na aksidente 'yon. May sumira ng break nila.

Nakahinto pa nga sila sa restaurant, eh. Tapos bigla biglang masisira ang break matapos ipaandar ulet?

Kalokohan!

Sinong maniniwala na aksidente 'yon?!

Tumayo ako at lumabas ng room namin. Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag at pagtatanong nila at naglakad ako paalis.

Pupuntahan ko si lola.

Sa parking lot ay may biglang humawak sa braso ko kaya napahinto ako sa paglalakad para tignan kung sino 'yon.

Si Alistair.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.

"May umiiyak bang okay? Ha?"

"Andrea..."

"Bitawan mo 'ko!" Sigaw ko sa kaniya saka ko hinigit ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "Dahil sa 'yo nawala ang lola ko! Ara?!"

[Translation: Ara? ~ Do you know?]

Natigilan naman siya at naguguluhang tumingin sa akin.

"Naaksidente sila dahil sa 'yo! Nasa ospital at kritikal ang pinsan ko dahil din sa 'yo!" Sigaw ko pa sa kaniya.

Wala akong pakielam kahit na may makarinig o makakita sa amin. Kailangan ko ng ilabas lahat 'to dahil baka sumabog na ang dibdib ko kapag kinimkim ko pa lahat ng 'to.

Alistair

Hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi ni Andrea sa harap ko. I don't understand her.

"Bago siya umalis ikaw ang gusto niyang makita! Gusto ka niyang makilala! Pero nasa'n ka?! Hindi ka ma-contact at hindi namin alam kung nasa'n ka! Hindi namin alam kung saan ka hahanapin! Tapos malalaman ko na kaya wala ka para sunduin 'yung babaeng 'yon?! Wala ka at hindi ka ma-contact dahil sinundo mo ang 'ex' mo! Dahil sa 'yo, nawala ang lola ko! Dahil sa 'yo kritikal ang pinsan ko! Pilit kitang kinakausap nung araw na 'yon sa loob ng room pero pilit kang umiiwas! Nakalimutan mo pang may dinner ka kasama ang pamilya ko! Mas inuna mo ang 'ex' kesa sa 'kin na girlfriend mo! Magkasama kayo magdamag?! Hindi mo man lang naisip na may nag-aalala sa 'yo at naghihintay ng tawag mo! Hindi mo man lang naisip na tawagan o i-text ako. Gaano bang kahirap mag-text at sabihin mo na 'Andrea, kasama ko si Samantha.' Gaanong kahirap 'yon?" Sigaw niya sa akin sa pagitan ng mga hikbi niya.

Nasasaktan akong makita siyang ganito. Gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako.

"Alistair naman. Ikaw lang ang hiling niya. Kung dumating ka hindi sana aalis sila lola ng gabi. Hindi sana sila maaksidente. Sana hindi pa siya patay! Sana nandito pa siya at buhay na kasama namin! Dahil sa 'yo! Dapat ay natulungan ko ang pinsan ko at hindi kritikal ang lagay niya ngayon. Pero ng dahil sa kaiisip ko sa 'yo, napabayaan ko siya. Nagalit ang kapatid niya sa 'kin na pinangakuan ko na tutulungan ko ang kapatid niya. Muntik ng masira ang pamilya ko dahil sa katangahan ko na isipin ka!"

"Sorry." Naiusal ko nalang.

"Sorry? Ha! Anong magagawa ng sorry mo?! Maibabalik ba niyan ang buhay ng lola ko?! Hindi! Kaya hindi ko 'yan kailangan!"

"Tell me what to do. I'll do it."

"Talaga? Ibalik mo buhay ng lola ko. 'Yun ang gusto kong gawin mo. Magagawa mo?"

"Sorry."

"Stop saying sorry because your sorry can't remove the pain that I'm feeling right now." Mariing sabi niya saka ako tinalikuran.

Hinawakan ko siya sa mga kamay niya para pigilan siya pero pagkaharap niya sa akin ay bigla niya akong sinampal.

Sa lakas ng pagkakasampal niya ay hindi ko naigalaw agad ang mukha ko. I didn't expect this.

"Saka na tayo mag-usap. Kapag hupa na ang galit ko." Sabi niya saka hinigit ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko at naglakad paalis.

Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita.

I'm sorry Andrea.

Andrea

~ FLASHBACK ~

"Hindi na ba talaga makakarating ang nobyo mo, apo?" Tanong sa akin ni lola.

Nandito kami sa kwarto ko ngayon. Pinuntahan niya ako para tanungin ng mga bagay-bagay.

"Hindi pa rin sumasagot, eh. Baka busy." Sagot ko.

"Ganoon ba? Sige na at uuwi na kami."

"Bakit naman?" Takang tanong ko.

Kung kailan gabi na, eh. Saka pa ba sila uuwi?

"Bakit hindi nalang bukas?" Malungkot na tanong ko.

Lumapit sa akin si lola saka hinaplos ang buhok ko.

"Kanina pa dapat kami aalis, hapon sana. Ang kaso ay nalaman ko na may nobyo ka kaya gusto ko sana siyang makita. Hindi ko naman alam na busy pala siya ngayon kaya ngayon nalang kami uuwi. Walang nag-aasikaso sa hardin natin. Alam mo naman na mahal na mahal namin ng lolo mo ang hardin na 'yon. Kaya uuwi na kami ng tita mo para maasikaso 'yon." Sabi niya.

Yumakap ako sa kaniya matapos nun.

Alam ko naman na mahal na mahal talaga nila 'yon. 'Yun ang pinakagusto nilang parte ng bahay nila, eh. Ang hardin.

Ayaw ko pa sanang umalis si lola kaso wala naman na akong magagawa, eh.

"Mag-iingat kayo, 'la. Tatawag ako bukas." Pilit ang ngiti na sabi ko.

"Mmm. Sige. 'Wag ka ng malungkot, hija. Makikita pa naman tayo 'di ba?"

"Oo nga, pero matagal pa." Nakangusong sabi ko.

"Ano naman? Ang mahalaga ay magkikita pa tayo." Sabi niya pa. "Oh, siya, sige na. Paalam na, apo. I love you."

Hinalikan niya ako sa noo saka lumabas ng kwarto ko.

Matinding lungkot ang naramdaman ko. Ang totoo ay gusto ko na dito nalang tumira sila lola. Kaso ayaw naman nila dahil nga hindi nila maiwan-iwan ang hardin.

Napapabuntong hininga ako habang naglalakad papunta sa kama ko.

Kinuha ko ang naka-charge kong phone sa side table saka ito tinanggal sa pagkaka-charge at binuksan.

Susubukan ko ulit tawagan si Alistair baka naka-open na ang phone niya ngayon.

Pagkabukas ko ng phone ko ay puro messages ang natanggap ko galing kela Chano. Meron din galing kela Lexa.

Isa-isa ko 'yong binuksan at binasa.

From: Chano

Queen, malapit na ang laban nasa'n ka na?

7:27 PM

From: James

Queen, yu-hoo! Laban na natin Queen!

7:32 PM

From: Chano

Queen?

7:34 PM

From: Chano

Hindi na kami sumipot sa laban, Queen dahil wala ka. Ang mga Arsanel ang lumaban sa kanila.

7:43 PM

From: Xander

We concede defeat, Queen.

7:48 PM

From: Lexa

We still don't know where he is, Andrea.

8:26 PM

Takte! Nakalimutan ko 'yung laban. Bakit naman nag concede defeat sila? Baka kung mapano si Therine.

Dali dali kong dinial ang number ni Luke para kausapin. Anong oras na baka tapos na din ang laban.

8:40 na ng gabi. Nag dial ako ng nag dial pero hindi niya sinasagot. Punyeta naman!

Nung hindi niya sagutin ang huling tawag ko ay si Chano nalang ang tinawagan ko.

Ilang ring lang naman ay sumagot na siya.

"Bakit, Queen?" Saad niya sa kabilang linya.

"Alam mo ba kung saan ang laban nila?" Tanong ko.

"Hindi, eh."

"Ahh, ganun ba? Sige, Salamat." Sabi ko saka ibinaba ang telepono.

Punyeta!

Saan ko naman hahanapin 'yon?!

Baka kung mapano na si Therine. Sanay naman siya ng martial arts pero magagaling ang Arsanel.

Alam ko naman na hindi ilalaban ni Luke ang ang mga batang bago niya.

~ RING! RING! ~

Napatingin ako sa hawak kong phone nung mag-ring ito.

Cassandra calling...

"Hello?" Sagot ko pagkasagot sa telepono.

"Hi, dear. I saw Alistair here in a hotel with a girl. I heard him call that girl Samantha. Do you know her?"

Samantha? His ex.

"Hinde." Sagot ko.

"Then, why the hell is he with her? Are you okay with that?" Tanong niya.

"Hayaan mo na, baka naman may dahilan siya." Sabi ko pa. "Bakit nga pala nasa hotel ka?"

"I'm here for a business. Lola's business." Sabi niya.

Napatango naman ako.

"Oh, sige na. Ingat ka nalang d'yan. See you!" Sabi ko saka ibinaba ang linya.

Sana nga ay may dahilan ka Alistair kung bakit magkasama kayong dalawa nung ex mo.

Ayokong maghinala sa 'yo ngayon pero sana. Sana lang talaga ay may dahilan ka.

Hindi ako magagalit kung may maganda kang dahilan na sasabihin sa akin. 'Yung katanggap-tanggap na dahilan sana ang makuha ko mula sa 'yo.

Nagpunta ako sa sala para magpaalam kela lola. Aalis na sila. Naabutan ko pa sila lola na nagyayakapan doon kaya sumali ako.

"Sali!" Sabi ko saka tumakbo palapit sa kanila.

Nag group hug kaming lahat habang nakangiti. Nakangiti man sila mama pero bakas ang lungkot sa mga mukha nila.

"O, siya. Sige na at aalis na kami. Magkita kita nalang tayo sa bakasyon. Aasahan ko ang pagdalaw niyo, okay?" Si lola.

Tumango kaming lahat sa kaniya. "Oo, 'la. Hintayin mo kami at pupunta kami." Sabi ko.

"Mag-iingat kayo." Sabay sabay naming sabi.

Hinatid namin sila hanggang sa gate. Si papa daw ang maghahatid kela lola. Kasama si mama dahil gusto pa daw niyang makasama sila lola.

"Ingat!" Sabay sabay naming sabing magkakapatid habang kumakaway sa paalis na sasakyan nila lola.

Pagkatapos namin silang ihatid ay umakyat na din kami sa kaniya kaniya naming kwarto dahil may mga gagawin pa kami.

Madami daw homework sila kuya tapos may project pa.

Pag-akyat ko sa kwarto ko ay kinuha ko agad ang phone ko at naupo sa kama. Tatawagan ko ulit si Alistair baka ngayon ay sumagot na siya.

Binuksan ko ang phone ko at puro missed calls mula kay Ulan ang bumungad sa akin.

~ 86 missed calls from Ulan ~

Wala siyang text message puro missed calls lang.

Ano kayang nangyari?

Bigla kong naalala si Therine.

Punyeta! Sana mali ang nasa isip ko.

Dinial ko ang number ni Ulan para makasiguro. 'Wag naman sana...

Ilang ring lang ay sumagot na siya.

"Akala ko ba ikaw na ang bahala?! Bakit wala ka man lang ginawa?!" Tanong niya mula sa kabilang linya.

Halata ang galit sa boses niya habang sinasabi ang mga 'yon. May nangyari nga.

"R-rain. A-anong nangyari?"

"Anong nangyari? Kritikal si Therine ngayon! Dahil pinabayaan mo siya!"

Napayuko ako at naluha.

"I'm sorry."

Rinig na rinig ko ang pag-iyak niya sa kabilang linya. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko.

Bobo mo, Andrea! Bakit sa dami rami ng mawawala sa isip mo, 'yung pinsan mo pa?

Sarili ko na naman ang sinisisi ko. Wala naman akong dapat ibang sisihin kung 'di ang sarili ko lang.

"I-i'm sorry." Usal kong muli.

"Sorry?" Kunwaring natatawang sabi niya. Sarkastiko. "Anong magagawa niyan? Dapat hindi ko ipinagkatiwala sa 'yo si Therine, eh." Sabi niya pa saka ibinaba ang linya.

Wala naman na akong nagawa kung 'di ang umiyak. Ibinaba ko ang phone ko sa kama at yumuko sa tuhod ko saka umiyak doon.

Takte naman. Sana wala ng kasunod 'to. Ang sakit sakit na, eh. Una si Hagdan ngayon naman si Therine.

Sana last na si Therine. Sana...

~ END OF FLASHBACK ~

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status