Share

Chapter 70

Alistair

It's been days since I confronted Andrea. Hindi pa rin kami nagpapansinan at nakakapag-usap.

Halos wala na rin kasi akong time. We have a practice before and after our class so, school basketball court lagi ang deretso ko.

Hindi naman niya ako hinihintay at lagi siyang nauunang umalis. She's a bit cold to our friends too. Hindi lang ako ang hindi niya pinapansin. Pati na din sila Lexa.

Nakaka-usap naman siya si Jake pero madalang at saglit lang.

If she's mad at me now, I don't understand why. I don't know why. Why would she be mad? She's the one who's keeping secrets from me.

I don't see any reason for her to be mad.

"Class dismiss." Sir Lee said. Our P.E. Teacher. "Jake and Andrea. Go to my office now. Spare me a minute."

"Okay, sem." Jake said.

Andrea just nodded at him and fix her things. After that she leave our room without looking at me.

Napailing nalang ako. Hindi ko alam na dahil lang sa isang hindi pagkakaunawaan ay masisira ang relasyon namin.

Sabay sabay kami nila Tristan na lumabas ng room at nagpunta sa cafeteria.

~ Cafeteria ~

"Tsk, tsk, bro. Ano? Wala talaga kayong pansinan?" Jake asked.

"She's ignoring me." I said.

I badly want to talk to her last time but something came up.

"She's ignoring you? Or your ignoring her?" Blake asked.

"They're ignoring each other." It's Lexa.

I just sighed. Yeah, they're right. We're both ignoring each other.

What can I do? I'm trying to talk to her but she's ignoring me. I'm lowering my pride to talk to her but, it's no use. She's sitting beside me in our classroom but she's acting as if I'm not existing.

"Ibaba mo din kasi ang pride mo, bro. Lalaki ka." Tristan said.

"That's what I'm doing, but it's no use. She's still ignoring me."

"Baka nagtampo lang sa 'yo." ~ Raia.

"Why would she? She's the one who's keeping secrets from me."

Magtatampo siya dahil hindi ko siya pinansin nun? Bakit naman? Siya naman ang may kasalanan nun. Tsh.

"Alam mo bang alalang-alala 'yun sa 'yo dahil hindi namin alam kung nasa'n ka at hindi ka namin ma-contact?"

"Saan ka nga ba galing nung araw na 'yun?" Tanong ni Blake.

"Something came up." I said.

"I don't ask you why you leave. I'm asking you where you went."

Sasagutin ko na sana ang tanong niya kaso may isang taong dumating na hindi namin inaasahan.

"Hi guys!" Masiglang bati niya sa aming lahat.

Lahat ng mga kasama ko ay gulat na gulat nung makita siya.

Lumapit siya sa table namin at naupo sa pwesto kanina ni Andrea. I sighed.

"Hi Alistair." Napakalawak ng ngiti niya habang binabati niya ako.

Tinignan ko lang siya saka ako nagtuloy sa pagkain na ginagawa ko. Ang mga kasama ko naman ay kumain nalang din at hindi na nagsalita.

Ano kaya ang ginagawa ng isang 'to dito? Bakit nagpunta pa siya dito? What the hell is on her mind?

"Hindi niyo ba 'ko papansinin?" Tanong niya pa.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tinignan siya ng mata sa mata. "What are you doing here?" I asked.

"Aww, don't you want to see me? Don't you miss me?" Nalulungkot kunwaring sabi niya.

Ngumuso pa siya at nagpapacute na tumingin sa 'kin.

"Answer me. What are you doing here?" I asked again.

"I want to see you, that's why."

"Tss."

"Aren't you happy to see me? Don't you want to see me?"

"Yes."

"Aww, what can I do? I want to see you." Sabi niya pa na inilapit ang mukha sa akin kaya agad ko siyang naitulak palayo.

"What the hell are you doing? If you want to stay, then stay. Just don't say anything and do nothing!" I shout at her.

I don't care if other hear us.

"Oh, kalma, p're. Babae 'yan." Jake said.

Nakabalik na pala siya galing sa office ni Sir Lee.

Iniiwas ko lang ang paningin ko sa kaniya. Lumapit siya sa amin at naupo sa upuan niya.

"Hi, handsome!"

"Hi." Jake greeted back.

"Where's Andrea?" Lexa asked.

Oo nga? Wala si Andrea? Bakit 'di ko napansin?

"Ahh, may kinakausap lang." Jake replied.

Sino naman kaya ang kinakausap niya?

"Where?" Raia asked.

"Soccer field."

"Who is she talking to?" Blake asked.

"I don't know."

"Who's Andrea?" Dinig kong tanong niya.

Naglakad ako paalis sa cafeteria at papunta sa soccer field. Hindi ko na pinakinggan pa ang ibang sinabi nila.

I want to know who is she talking to.

Pagdating ko sa soccer field ay nakita ko si Andrea na nakatayo sa ilalim ng puno habang may kausap na lalaki.

I saw her laughing and smiling while talking to him. The smile that I didn't see in days now. The laugh that I haven't heard from her.

She looks so happy while talking to him. I guess, I shouldn't interrupt them.

Naglakad ako pabalik sa cafeteria para kumain ulit. Ang saya na niya, eh. Guguluhin ko la ba?

Ngayon ko na lang ulit nakita 'yung mga ngiti niyang 'yon makalipas ang ilang araw. Hindi kasi siya ngumungiti talaga sa loob at labas ng klase. Wala kang makikitang ekspresyon sa mukha niya.

Pagdating ko sa cafeteria ay hindi ko pinansin ang mga kasama ko na nag-uusap at kumain nalang ako.

Wala ako sa mood makipag-usap kahit kanino.

Maya maya lang din ay dumating na si Andrea. Wala na namang ekspresyon ang mga mukha niya.

"Andrea!" Tawag ni Lexa sa kaniya.

Huminto siya sa tapat ng table namin at saka blankong tumingin sa taong nakaupo sa seat na madalas niyang upuan.

Nagtataka naman siyang tinignan nung taong 'yon at naghihintay ng sasabihin niya.

Naging awkward naman ang pakiramdam ng mga kasama namin sa table.

Nang walang marinig ang taong 'yon na salita kay Andrea ay saka lang siya nagsalita.

"Hi? Why are you starring at me?" Takang tanong niya.

Hindi pa rin kumibo si Andrea at nananatiling nakatitig lang sa kaniya.

This is awkward. Tsk.

"Ahh, is this yours? If it's yours why didn't I see your name here?" Taning niya pa pero tinitigan lang siya ni Andrea.

"Oh, speak. Are you mute or what? By the way, if you're Andrea, nice to meet you. I'm Samantha. Samantha Delmitor. Alistair's girlfriend." Pagpapakilala niya na ikinagulat naming lahat.

"What the hell are you saying?!" Inis na tanong ko sa kaniya.

Si Andrea naman ay wala pa ring ipinagbago at nananatiling nakatingin lang kay Samantha.

"Why, hon? That's true."

"Don't call me hon, your not my girlfriend!"

"Oh, come on, hon—"

"I SAID DON'T CALL ME HON!" Sigaw ko sa kaniya dahilan para magitla siya at mapatingin sa amin ang iba pang estudyante na kumakain.

Andrea

"I SAID DON'T CALL ME HON!" Sigaw ni Alistair sa babaeng nagngangalang Samantha daw na girlfriend niya kaya nagutla ito at napatingin sa gawi ng table nila ang iba pang mga estudyanteng kumakain sa loob ng cafeteria.

Ang lakas ba naman ng sigaw niya, eh. Sinong hindi mapapatingin do'n?

Ako naman ay nakatingin lang do'n sa babae dahil parang nakita ko na siya dati.

Hindi ko nga lang alam kung saan pero parang nakita ko na talaga siya kaya hindi ko inaalis ang paningin ko sa kaniya.

"Are you out of your mind?! You're not my girlfriend and you will never be!" Sigaw pa ni Alistair na mismong mukha nung Samantha daw.

Napayuko si Samantha sa sahig at animong nag-iisip ng sasabihin niya. Maya maya kang din ay nag-angat siya muli ng paningin niya at sinalubong ang masamang tingin ni Alistair.

"Really? Let's see." Malambing ang tonong sabi niya saka inilapit ang mukha niya sa mukha ni Alistair at hinalikan niya ito sa labi.

Napa-iwas naman ako ng tingin at bumuntong hininga saka naglakad palayo doon.

Punyeta, maghahalikan nalang sa public pa. PDA 'yon, tsk.

Hindi ko rin naman kayang panuodin ang ginagawa nila dahil parang tinotorture ko naman ang sarili ko kung ganun.

Kaya naman mas minabuti ko nalang na umalis. Sana lang ay siguraduhin niyang may maganda siyang paliwanag para doon.

Kung wala naman siyang paliwanag ay makipaghiwalay na siya sa 'kin.

Naglakad ako hanggang sa marating ko ang pool side sa school namim.

Hinubad ko ang suot kong sapatos at medyas saka ako naupo at ibinabad ang mga paa ko pool.

Naramdaman ko naman na may naupo sa tabi ko kaya nilingon ko siya. Si Jake.

"Are you okay?" Tanong niya pagkaupo niya sa tabi ko.

Ibinabad din niya ang paa niya sa tubig gaya nung ginagawa ko.

"Ewan." Sagot ko.

Sunod sunod na kamalasan naman kasi ang nangyari sa akin sa loob lang ng iilang araw.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"You're not." Napapabuntong hiningang sabi niya pa.

Napabuntong hininga din ako.

"Alam mo naman pala, eh. Bakit nagtatanong ka pa?" Natatawa kunwaring biro ko.

"Don't force yourself, Andrea. If you're sad, then let it be. 'Wag kang magpanggap na masaya kahit hindi naman."

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya saka ako tumingin sa malayo.

"Kailangan, eh. Kung magpapadala ako sa lungkot, galit at kung anupamang emosyon ay baka kung anong magawa ko." Pilit ang ngiting sabi ko.

Ayokong makagawa ako ng bagay na pagsisisihan ko sa huli.

"It's okay." Sabi niya pa saka ako niyakap.

Doon ko na hindi napigilan ang mga luha ko na kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.

Pinipilit kong palakasin ang loob ko pero mukhang wala. Kailangan ko kasing palakasin ang loob ko para sa pamilya ko.

Ang daming nangyari sa loob ng iilang araw. Hindi ko na alam kung anong uunahin kong gawin.

Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya ko. Kung hanggang kailan ako magiging matatag para sa pamilya ko.

Konting konti nalang kasi talaga ay susuko na ako. Parang gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa at mawala na sa mundo.

"Just cry, I won't leave you." Bulong niya sa 'kin habang hinahaplos ang likod ko.

"Malapit na akong sumuko." Humihikbing sabi ko.

"Shhh. 'Wag na 'wag kang susuko. Lagi mong tatandaan ang sinabi sa atin noon ni lola. Matapos ang bagyo ay may bahagharing naghihintay." Sabi niya pa.

Bahaghari? Hindi ko 'yon kailangan. Ang kailangan ko ay ang pamilya ko.

Aanhin ko ang bahaghari kung matapos ang bagyo ay nawalan naman ako ng pamilya?

Sa dami ng problema ko dumagdag pa 'yung isa. Samantha? Girlfriend? Hon? Punyeta!

Sana lang talaga ay hindi maubos ang pag-asa na meron ako. Dahil kapag dumating ang oras na 'yon ay hindi ko alam ang gagawin ko para sa pamilya ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status