Share

Chapter 69

Andrea

Lumipas ang oras ng hindi kami nagkikibuan ni Alistair. Hindi niya ako pinapansin.

Kahit na lapitan ko siya ay umiiwas siya. Kapag nagtatangka naman akong kausapin siya ay umiiwas din siya.

Nagalit nga siya sa ginawa ko. Ako naman 'tong bobo at hindi nag-iisip.

Sinisisi ko ang sarili ko dahil nagkaganito kami ni Al. Nakakatawa lang na ngayon ko lang naisip ang mga mali ko.

Inu-unahan kasi ako ng takot. Takot na baka magalit siya. 'Yon lagi ang nangunguna sa akin kaya 'eto kami ngayon.

HINDI NAGPAPANSINAN.

Hayys.

Akala ko matapos ang klase ay kakausapin niya na ako pero mali pala ako. Hindi niya pa rin ako pinapansin at nagtuloy lang siya sa paglabas.

Napabuntong hininga nalang ako na sinundan siya ng tingin at saka hinintay sila Alexa para sabay-sabay na kaming lumabas ng room.

"Nagalit ba?" Pabulong na tanong sa 'kin ni Jake.

Sabay sabay kaming naglakad ngayon papunta sa parking lot. May kaniya kaniya na naman kaming business.

Ngayong wala si Cassandra ay ako naman ang sinasamahan ni Jake. Pero 'yung dalawang couple ay ganun pa din naman. Sila pa din ang magkaka-usap.

"Oo." Sagot ko.

"Tsk, tsk, tsk. Bakit kasi naglilihim ka, eh." Iiling iling na sabi niya.

"Ayoko kasi na magalit at mag-alala siya." Sambit ko.

"Oh, eh anong nangyari? Nalaman niya din, 'di ba? Eh, ngayon, mas nagalit siya." Saad niya.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Hindi ko kasi inaaasahan 'to, eh."

"Dapat kasi nagtiwala ka sa kaniya. Baka maintindihan ka naman nun."

"Pa'no ba kasing nalaman ni sem, 'yon? Sinong siraulo ang nagsabi nun?" Inis na tanong ko. "Malaman ko lang kung sino siya, lulumpuhin ko siya."

"Kalma, kalma." Aniya saka tinapik tapik pa ang balikat ko. "Ewan ko nga rin kung sino nagsabi, eh."

"Pa'no niya din nalaman na leader tayo? Masyado naman yatang maalam 'yon."

"Oo nga, eh. Alam mo naman siguro kung ano ang dapat na ginagawa sa mga ganun."

Nagkatinginan pa kaming dalawa matapos niyang sabihin 'yon.

"Ang dapat sa mga ganun ay pinapatahimik na." Sabay naming sabi saka sabay na natawa.

Mahina lang ang tawa namin dahil baka marinig kami ng mga kasama namin.

Pagdating namin sa parking lot ay naabutan pa namin si Al na nagmamadaling sumakay ng kotse niya at mabilis na pinaandar 'yon paalis.

Tsk, hindi ko man lang siya naka-usap ngayon.

Saglit pa kaming nagpa-alaman bago kami naghiwalay ng landas lahat.

Si Jake naman ay makakasabay ko dahil nakamotor daw siya at sasama siya sa akin sa bahay dahil gusto daw niyang makita sila lola.

Kilala naman siya nung mga 'yun kaya ayus lang.

~ Bahay ~

"Mukhang galit talaga si Crimson sa'yo." Iiling iling na sabi niya habang inaayus ang motor niya.

Hindi ko naman siya kinibo at pumasok nalang ako sa bahay namin at dumeretso sa sofa. As usual ay nandito silang lahat ngayon at nagku-kwentuhan na naman.

"Nandito na pala si Andrea." Saad ni Tita Beth kaya nginitian ko lang siya.

Siya, si mama, si papa, si lola at Andrei palang ang nandito. Wala pa sila kuya.

"Magandang hapon ho." Bati ni Jake sa kanila ng makapasok ito.

Agad namang bumalatay ang malapad na ngiti sa mga mukha nila mama. Tsk, parang ngayon lang nila nakita si Jake, eh.

"Magandang hapon, Jake. Halika at naupo ka." Anyaya ni mama sa kaniya.

Umusod ako ng kaunti sa inuupuan ko dahil sa tabi ko siya naupo.

"Good afternoon, kuya Jake." Nakangiting bati ni Andrei sa kaniya.

"Good afternoon." Tugon niya.

"Siya na ba ang nobyo mo, Andeng?" Tanong ni lola.

Taka naman akong nilingon siya saka sumagot. "Hindi." Sagot ko.

Saan niya naman nakuha 'yon? Itong animal na 'to? Nobyo ko? Aba'y hindi yata mangyayari 'yan sa tanang buhay ko. Tsk.

"Aba'y sino ang lalaking 'yan kung ganun?" Tanong pa ni lola.

"Si Jake, 'yung kababata ko." Sagot ko.

"Iyan na ba ang anak nila Amilton?" Tanong niya.

Ngumiti ng malawak si Jake sa kanila saka tumango.

"Opo, ako nga po." Nakangiting sabi ni Jake.

"Aba'y kay gwapo gwapo mo na, ah." Nakangiting sabi ni lola.

"Bakit ho? Pangit ho ba ako nung bata?" Natatawang tanong ni Jake.

"Oo, mukha kang palaka." Sagot ko sa kaniya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Kaya nga daw ikaw 'yung frog prince dati, eh. HAHAHAHA." Dagdag ni Andrei sa sinabi ko saka tumawa.

Nakitawa naman kaming lahat lalo na nung ngumuso si Jake sa sinabi ni Andrei.

"Gwapo ka naman noon, hijo. Mas gwapo ka lang ngayon." Sabi ni lola kaya biglang lumawak ang ngiti ni Jake.

Nang-uto pa si lola, tsk, tsk, tsk.

"'Wag mo nalang pansinin ang sinabi ng magkapatid na iyan dahil talagang ganiyan sila." Sabi naman ni Tita Beth.

"Ikaw, Andrea. Palagi mo nalang inaasar si Jake." Saad ni mama.

Nginusuan ko naman siya.

"Palagi daw. 'Yan kaya ang laging nambubwiset sa 'kin." Sabi ko na tinuro pa si Jake.

Natawa naman silang lahat kaya nginusuan ko ulit sila.

Tawanan daw ba ako ng pamilya ko? Tsk, tsk, tsk.

"Ang cute mo, Andeng kapag nakanguso." Natatawang sabi ni Tita Beth kaya sumeryoso bigla ang mukha ko.

"Dapat hindi ko nalang pala pinansin. Bumalik tuloy sa pagiging seryoso." Aniya ng napansin na seryoso ang mukha ko.

"Cute ba 'yun? Panget kaya!" Si Andrei.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Tama ka, Andrei. Hindi naman cute ang ate mo. HAHAHA." Sabi ni Jake kaya sinamaan ko din siya ng tingin.

"Dalawa kami ni kuya Jake. Panget ka talaga, ate. HAHAHAHAHAHA." Sabi niya pa saka sila sabay na tumawa ni Jake.

Mga abno, tss.

"'Wag niyo ng asarin si Andeng baka mamaya ay umusok ang ilong niyan, HAHA." Natatawang sabi naman ni mama.

Wala na, pinagtulungan na nila ako.

"Nasa'n na nga ba ang nobyo mo, Andrea. Hindi ba't nangako ka na dadalin mo siya dito? Inutos ko din sa 'yo iyon." Biglang sabi ni lola na kanina ay nakangiting nakikinig lang sa amin.

Napatingin muna ako kay Jake bago siya sagutin.

"M-marami kasi kaming homework kaya h-hindi muna s-siya makakapunta dito." Pagsisinungaling ko. "N-next time s-siguro."

Napakasinungaling kong tao, takte! Hindi ko alam na sunod sunod ang pagsisinungaling na magagawa ko.

Ang masaklap pa ay pati sa pamilya ko ay nagsinungaling ako. Punyeta naman, oh!

"Ganoon ba? Sayang naman. Gusto ko pa naman sana siyang makita at makilala." Malungkot na sabi ni lola.

Binigyan ko lang siya ng pilit na ngiti saka ako nagpaalam na aakyat muna sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Alexa

Kanina pa ako naghihintay dito sa loob ng house nila Alistair but he's not here.

I don't know where in the world he went. I want to talk to him kasi napansin namin na panay ang iwas niya kanina kay Andrea.

I want to know what happen between them but he's nowhere to be found! Where the heck is he now?

Kanina pa siya umalis. Nauna pa nga siya sa 'min, eh. Pero bakit wala pa siya sa bahay nila?

"Tita, don't you really know where he went?" I asked Tita Almira. Al's mom.

Umiling siya sa akin. "I don't really know, Alexa." She said.

I sighed. I guess I'll just ask him later or tomorrow.

"I'll just go back tomorrow, tita. I still have some homework to do." Paalam ko.

"Okay. I'll just tell him that you came." She said.

"Thanks, tita. Bye."

"Bye, Alexa. Take care."

I go straight to our home after I leave Al's house.

~ House ~

I don't know what happened between them and I don't have any idea. I don't know if Andrea lied to him or what.

My God! Magkaka-head ache yata ako sa dalawang 'yon.

Pagkapasok ko sa room ko ay biglang nag-ring ang phone ko kaya kinuha ko 'yon mula sa bag na dala ko.

Babe calling...

I smiled when I see that he's the one who's calling me.

"Hello?" I said as I answered his call.

"Hi, babe. We're going to participate in a basketball game next week so lagi kaming magpa-practice before and after class." He said.

Nalungkot ako bahagya pero ngumiti din.

"Okay, I understand. Basta mag-iingat ka." Sabi ko.

"I will, don't worry." He said. "Naka-usap mo ba si Al?"

"No, he's not in their house. I waited for too long but he's still nowhere to be found. Even his mom doesn't know where he is."

"Tsk, tsk. Saan kaya nagpunta 'yun? Hindi naman sinasagot ang mga tawag ko."

"I don't know, too. Let's just wait. Uuwi naman siguro 'yon."

"Mmm. I'll hang up now. Magpapahinga na ako para ready ako bukas. Sa Monday na din kasi ang laban." Sabi niya.

"Okay, bye. I love you."

"I love you too."

I put my phone on the side table after our call.

I hope that their fine. Ayoko naman kasing tanungin si Andrea dahil baka wala sa mood.

Tsk tsk. Sana talaga ay ayus lang sila.

Andrea

Nag-alala ako nung sabihin sa 'kin nila Raia na hindi daw nila makita si Alistair. Hanggang ngayon daw ay wala pa sa bahay at hindi sumasagot sa mga tawag nila.

Anong oras na wala pa siya? Nauna pa siyang umalis sa amin kanina sa parking lot. Saan naman kaya nagpunta 'yun?..

Ilang beses ko na rin siyang tinatawagan pero hindi siya sumasagot. Cannot be reach siya.

Kailangan ko rin siya ngayon dito dahil aalis na daw sila lola bukas at gusto siyang makita at makilala.

"Kung kailan naman kita kailangan saka ka pa nawala." Bulong ko.

Nasa'n ka na ba kasi?

Napabuntong hininga nalang ako ng mag drain ang battery ng phone ko. Halos dalawang oras na akong tawag ng tawag sa kaniya at maski isa doon ay hindi niya sinasagot.

Hindi pa naman full charge ang phone ko kaya saglit lang ay naubos na ang karga.

Wala na akong choice kung 'di ang pumasok nalang sa loob at maghapunan na kasabay nila.

"Oh, Andeng. Nasa'n na ang nobyo mo?" Tanong ni lola.

Lahat sila ay nakatingin sa akin hanggang sa makaupo ako at maglagay ng pagkain sa plato ko.

"Busy yata, eh. Hindi sumasagot." Sagot ko.

"Ganun ba? Sayang naman at hindi ko na siya makikita." Malungkot na sabi ni lola.

Napabuntong hininga ako saka tumingin kay lola na may pilit na ngiti sa mga labi ko.

Kitang kita ang lungkot sa mga mata niya. Mayroon ding panghihinayang

"Sensya na, 'la. Next time nalang siguro. Baka sa Christmas break." Pilit ang ngiting sabi ko.

"Aasahan ko 'yan, ah?"

Tumango lang ako sa kaniya at saka kami nag-umpisang kumain na.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status