PAGKATAPOS ng sagutan nina Zoe at Reighn ay wala na ring naging balita si Zoe tungkol sa kanila ni Dylan. Alam niyang natauhan na rin si Dylan at mas pinili ang totoong pamilya nito. Hindi niya naman masisisi ang binata dahil alam ni Zoe na pangarap ng lalaki na magkaroon ng sariling pamilya. Hindi naman nila magagawa ang sekretong relasyon nila kung hindi lang kagustuhan ni Dylan na magka-anak.Akala ng dalaga ay tuluyan niya na itong mababawi sa kaniyang paraan at magkakaroon na rin ng isang masayang pamilya, pero nagkamali ito. Kung ano man ang nangyari sa kanila noon ay kailangan niya na itong ibaon sa limot. Hindi niya gusto na habang buhay ay naghahabol siya ng atensyon sa ibang tao.Una pa lang ay alam na ni Zoe na hindi siya ang babaeng pinapangarap ni Dylan. Isang rason lang naman kung bakit patuloy lang na nakikipag-usap sa kaniya ang lalaki ay dahil may kailangan ito sa kaniya.Napabuntong hininga si Zoe. Tama na ang pagpapaasa niya sa kaniyang sarili. Kung noon nga ay naka
SA anim na taong nasa ibang bansa si Dylan ay akala niya dahil lang ito sa galit sa kaniya ni Zoe kaya mas pinili nitong lumayo at iwan ang lahat sa Pilipinas. Hindi niya alam na may mabigat pala itong dahilan.Ang daming tumatakbo sa isip niya katulad na lang ng bakit ngayon niya lang na-realize ang lahat? Bakit kung kailan nagsisimula na namang magbago ay guguluhin muli siya ng kaniyang mga nalaman? Bakit nagawa ni Zoe na ilihim sa kaniya ito lahat?Noong unang beses na may nangyari sa kanila ni Zoe ay akala niya ay walang mabubuo. Hiyang-hiya si Dylan na harapin ang dalaga kaya mas pinili niyang iwasan ito. Alam niyang may mali sa araw na 'yon dahil parehas silang nakainom.Bakit hindi niya ito kaagad naisip?Unang kita pa lang ni Dylan ay alam niyang iba na ang nararamdaman niya kay Dykeil. Sa pangalan pa lang nito ay ramdam niyang kadikit niya na ang bata. Mula pa lang sa kahit na simpleng gawain ay magkapareho sila ni Dylan. Ganoon ba siya talaga kawalang muwang at pati ang sari
DALAWANG araw ang nakalipas noong magkita sina Zoe at Dylan. Alam ng binata na maling-mali ang ginawa niya sa dalaga kaya pinalipas niya muna ang dalawang araw bago nito naisipang puntahan ito sa kanilang bahay. Gusto niyang humingi ng sorry at ipaliwanag ang kaniyang sides. Balak niya ring itanong sa dalaga ang tungkol kay Dykeil.Mabilis na nakarating ang binata sa bahay nina Zoe dahil wala namang traffic. Katulad ng nakasanayan niya ay dumiretso kaagad siya sa loob. Nadatnan niyang nakikipaglaro si Dykeil kay Alfred. Hindi niya mapigilang magalit at samaan ng tingin si Alfred. Siya dapat ang nasa posisyon 'yon."Tita Abby," tawag ni Dylan nang makasalubong ang ginang. May hawak itong tray na naglalaman ng tatlong baso na orange juice."Dylan, anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Abby sa binata. Nilapag nito ang hawak na tray malapit sa lamesa. Tinignan niya ang paligid bago niya hinila ang binata palabas ng bahay. "Sinong nakakita sa iyo?"Napakunot noo naman si Dylan at nag
KINABUKASAN ay maagang nagising si Dylan. Hindi na nag-isip pa ang binata at agad na tinawagan ang kaibigan na doctor at sinabing magpapa-prenatal paternity test ito. Gusto niyang malaman kung totoo ba talaga ang kaniyang narinig noong gabi na mahuli niya ang kinakasama. Hindi niya sinabi kay Reighn ang totoong dahilan ng pagpunta nila sa hospital. Ang akala lang nila ay magpapa-check up sila para sa bata.Buong araw na para bang wala sa mood si Dylan. Napansin niya ang kagustuhan ni Reighn na kausapin siya, pero siya na agad ang umiiwas. Alam niyang napapansin niya na rin ang kilos ng binata dahil itinigil na nito ang pangungulit kay Dylan. Mabilis na natapos ang check-up kaya agad na silang bumalik pareho sa bahay."Babe, anong gusto mong kainin?" tanong ni Reighn. Napatigil si Dylan sa pagte-text at napatingin sa dalaga."Kahit ano," sagot ni Dylan at saglit na natahimik nang may maalala. "Alam ko naman na mas masarap ang luto mo kaysa sa mga sikat na restaurant."Napansin ni Dylan
NARAMDAMAN ni Dylan ang pagkahilo nang subukan niyang maglakad pagkatapos bumaba sa sasakyan. Diretso siyang naglakad papasok hanggang sa makahinto sa labas at tapat ng pintuan nina Zoe. Inilapag niya naman ang bitbit na plastic sa gilid."Zoe, open this door!" sigaw ng binata. Sunod-sunod ang pagkatok ng binata ng malakas sa pinto. Madilim na at alam niyang nagpapahinga na ang mga tao sa loob, pero wala siyang pakialam. Malakas ang tama ng alak sa kaniya kaya naman wala siyang nararamdamang hiya."Zoe, please, buksan mo ang pinto!" patuloy na wika ni Dylan. Hindi siya natigil sa pagkatok ng pinto hanggang sa napansin niya ang pagbukas ng ilaw kung nasaan ang kuwarto ng dalaga kaya agad siyang napaatras at napasilip.Pumunta ng balcony ang dalaga at sinilip kung sino ang taong nanggugulo ng gabi na. Katatapos niya lang maligo at nakasuot ito ng bathrobe."Dylan?" nagtatakang tawag ni Zoe na mamukhaan ang lalaki sa baba."Zoe, the door, please," nakangusong sagot ni Dylan at tinuro ang
WALANG nagawa si Dylan nang sabihin ni Zoe na umuwi na ito sa kanila. Pagkarating nito sa kanilang bahay ay nakapatay pa rin ang mga ilaw at wala pa rin siyang nadatnan doon. Hindi niya alam kung kailan uuwi si Reighn o uuwian pa ba siya ng dalaga. Iniisip niya na masaya ang dalaga sa ibang tao at samantalang siya ay nilalamon na siya ng mga tanong kung bakit.Inihiga ng binata ang kaniyang sarili sa kama at hindi niya mapigilang mapaluha lalo na nang maisip na napakatanga niya talaga. Iniwan niya si Zoe noon at niloko niya si Reighn. Alam niyang ito na ang karma na ginawa niyang pananakit sa dalawang dalaga.Kinabukasan ay nagising si Dylan nang maramdaman ang bigat na nakadagan sa kaniya. Nakita niya ang isang braso na nakayakap sa bewan niya. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Reighn doon. Nagising naman ang dalaga, pero halatang inaantok pa."Babe, tulog pa muna tayo," ani ni Reighn. Noong mag-flashback kay Dylan ang nangyari kahapon kung saan ito nagpunta at sino ang kasama
ISANG linggo na ang nakalilipas noong pumunta si Dylan sa bahay ng dalaga. Nagtataka siya dahil hindi na niya nakita pa ang binata. Nasanay kasi itong kinukulit palagi ng binata. Ngunit ngayon ay hindi na siya naka-receive pa ng tawag o text mula kay Dylan. Iniisip tuloy ni Zoe nab aka pinagbawalan na ito ni Reighn na lumapit sa pamilya niya."Zoe," tawag ni Alfred. Napatingin naman ang dalaga sa binata na buhat-buhat si Dykeil habang pababa ang mga ito sa hagdan. "Nasa iyo na ba 'yong gamit ni Dykeil?"Dali-dali naman itong kinuha ng dalaga sa ibabaw ng lamesa at pinakita kay Alfred."Hintayin na lang natin si Tita Abby. Nag-aayos pa kasi siya noong pumunta kami sa kuwarto niya," wika ni Alfred nang makalapit it okay Zoe. Tumango lamang ang dalaga bilang sagot. Inilapag ni Alfred si Dykeil sa baba kaya naman lumapit ang bata sa kaniya at hinawakan ang kaliwang kamay nito."Mommy, where are we going?" Lumuhod naman si Zoe para mapantayan ang anak at 'saka ngumiti. Inayos niya muna ang
AGAD na napalapit ang ina ni Zoe nang makita nitong umiiyak ang anak habang tinatawag ang pangalan ni Dykeil."M-Mom," naluluhang tawag ni Zoe. Hindi niya alam kung paano patatahanin ang dalaga. Pinagtitinginan na sila ng mga tao at nagtataka na rin sa kanila."What happened, Zoe? Nasaan sina Dykeil?" bungad na tanong ni Abby nang si Zoe lang ang madatnan niya. Pinunasan naman ni Abby ang luha sa mga pisngi ng dalaga at hinahaplos ang likod nito para patahanin."Mom, si Dykeil po." Napatigil si Zoe sa pagsasalita at ramdam niyang muli na naman bubuhos ang panibagong luha niya."Calm down, Zoe. Ano bang nangyari? Nasaan sila?" sunod-sunod na tanong ng ginang. Hinintay niyang makasagot ang anak hanggang sa nalaman niya ang totoong dahilan nito."Si Dykeil po n-nawawala," nauutal na sagot ni Zoe."What?!" gulat nitong sambit, "paanong nawawala? Hindi ba niya kasama si Alfred kanina?"Umiling naman si Zoe at tinuro 'yong kaninang puwesto ni Dykeil sa upuan. Nandoon pa rin ang basket na da