Share

Chapter 29

PAGKATAPOS ng sagutan nina Zoe at Reighn ay wala na ring naging balita si Zoe tungkol sa kanila ni Dylan. Alam niyang natauhan na rin si Dylan at mas pinili ang totoong pamilya nito. Hindi niya naman masisisi ang binata dahil alam ni Zoe na pangarap ng lalaki na magkaroon ng sariling pamilya. Hindi naman nila magagawa ang sekretong relasyon nila kung hindi lang kagustuhan ni Dylan na magka-anak.

Akala ng dalaga ay tuluyan niya na itong mababawi sa kaniyang paraan at magkakaroon na rin ng isang masayang pamilya, pero nagkamali ito. Kung ano man ang nangyari sa kanila noon ay kailangan niya na itong ibaon sa limot. Hindi niya gusto na habang buhay ay naghahabol siya ng atensyon sa ibang tao.

Una pa lang ay alam na ni Zoe na hindi siya ang babaeng pinapangarap ni Dylan. Isang rason lang naman kung bakit patuloy lang na nakikipag-usap sa kaniya ang lalaki ay dahil may kailangan ito sa kaniya.

Napabuntong hininga si Zoe. Tama na ang pagpapaasa niya sa kaniyang sarili. Kung noon nga ay naka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status