Share

Chapter 104

Pakiramdam ko'y lumulutang ako kinabukasan, hindi dahil literal na nasa ere kami sakay ng helicopter, kun'di dahil halos dalawang oras lamang ang naging tulog ko.

Tinapunan ko ng tingin ang paper bag na aking dala. Sa loob nito ay naroon ang bagong gawang tsokolate. 

Maghahating-gabi na ako nakauwi kagabi sa bahay dahil tinapos ko ang lahat ng gawain bilang paghahanda sa pagpunta namin ng Isla Benito ngayon. Imbes na matulog kaagad ay gumawa muna ako ng tsokolate sa bahay. Hinintay ko pa itong tumigas bago ko ibinalot.

"Are you okay?" tanong ni Mateo sa akin nang mapagtantong pumipikit-pikit na pala ako. 

Nasa sasakyan na kami ngayon patungo sa resort. Si Manong Elmer ang sumundo sa amin.

"Oo." Kasabay ng pagsagot ko ay ang paghikab ko.

"Sorry," paghingi ko ng paumanhin sa kan'ya. Hindi ko na nakita ang reaksyon niya dahil sumandal na ako sa headrest ng upuan at pumikit.

Malayo-layo pa naman ang byahe. Makakatulog pa ako.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status