Ang walang tigil na pagtunog ng aking telepono ang umistorbo sa aking pagtulog. Alas-tres pa lamang ng umaga ngunit inuulan na ako ng tawag.
"Manang Dory?" Binalot ako ng kaba nang makita ang pangalan ni Manang Dory sa telepono kaya kaagad ko itong sinagot.
Ang ingay sa kabilang linya ang bumungad sa akin.
"Manang?" ulit ko nang hindi siya magsalita.
"Sandra, nasusunog ang bodega!" humahangos nitong sabi.
Mabilis akong nagbihis at bumaba. Hindi ko na ginising pa si Kuya Joel at pinaharurot ang kotse patungong hacienda.
Halos magkasabay lamang kami na dumating ni Attorney Sheldon doon.
Maitim na usok na ang naabutan namin dahil naapula na ang apoy.
"Ano po'ng nangyari? May nasaktan po ba sainyo?" tanong ko kaagad kay Manang Dory.
"Wala hija. Ang bodega lang ang nasunog pero walang nasaktan." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya.
Subalit kaagad din naman iyong naputol nang makita kong abo na lamang ang na
Wala akong nagawa kun'di ang sumama sa night life na sinasabi ni Troy.Ayaw ko naman pabayaang mag-isa ang sekretarya ko. Paano kung malasing siya? Sigurado akong magagalit sa akin si Attorney Sheldon kapag hinayaan kong uminom nang may kasamang lalaki ang nobya niya.Sa The Wave's Bar kami nagtungo. Sa labas pa lang ang naririnig na ang lakas ng musika at hiyawan ng taong nagsasayawan.Napangiwi ako nang maamoy ang alak at sigarilyo. Samantalang si Lesie naman na nasa unahan ko ay panay na ang pagsabay sa beat ng tugtog habang naglalakad.Sa taas kami pumwesto. Kaagad na ininom ni Lesie ang ladies drink na in-order ni Troy, samantalang sa akin naman ay hindi ko pa nagagalaw."Hindi sa akin nag-re-reply si Sheldon! Sabi niya araw-araw kami mag-uusap pero hanggang ngayon wala!" Biglang sabi ni Lesie pagkatapos ng apat na shots ng tequila.Napapailing akong tumingin kay Troy na ngumingisi lang sa mga pinagsasabi ng kaibigan ko.Wala san
"Wala na po ba tayong mapapakinabangan pa sa mga 'yan?" Nanlulumo na ang pakiramdam ko habang tinititigan ang mga bulok nang bunga ng cacao.Nang isang araw pang sinusolusyonan ng mga magsasaka ang mga peste ngunit bawat araw na lumilipas ay tila dumarami ito. Ngayon nga ay nagsilagas na ang ilang bunga.Maaari na sana itong anihin sa susunod na araw ngunit hindi inaasahan ng mga magsasaka na mapapasok ng mga peste ang kalahati ng plantasyon."Wala na po. Inani na din po namin ang mga natitira pa'ng cacao upang kahit papaano'y mapakinabangan." Maging si Mang Carpio at ilang magsasaka ay bakas din ang lungkot sa mga mukha dahil sa sinapit ng farm.Ang mga naani pang mga cacao ay ipinadala pa din namin sa ilang supplier ngunit ipinabalik ito ng iba dahil sa hindi ito katulad ng mga dati pa naming inihahatid sa kanila."Kukuha raw sila ng supply ng cacao sa ibang plantasyon. Ang iba ay binigyan pa sila ng mas mababang halaga baka hindi maglaon ay iyon
Tatlumpong minuto na kaming naghihintay kay Veronica Solis sa conference room subalit 'ni anino nito ay wala pa.Gustuhin ko man na tawagan ito ay hindi ko magawa.Isang malaking tulong ang ibibigay ni Veronica sa hacienda kaya nararapat lamang na maghintay kami nang walang reklamo.Nang isang araw ay nagkausap na kami sa pamamagitan ng telepono. Malayo sa una naming pagkikita noon ay malumanay at mabait ang paraan ng kan'yang naging pakikipag-usap sa akin.Humingi kaagad siya ng tawad at ipinaabot niya din ito sa mga tauhan sa hacienda. Ayon sa kan'ya ay matahimik at simple na siyang namumuhay sa America kasama asawa at isang anak.Kinalimutan niya na raw at labis na pinagsisihan ang pagkakaroon noon ng masamang interes sa Hacienda Miraflor. Sinabi niya rin na natutuwa siyang malaman na nakakagawa na kami ng sariling produkto ng tsokolate, na siyang natikman niya sa isang filipino store."Nais kong makabawi sa'yo at kay Kuya Arman. Na
"Ang kapal ng mukha ng ex mo!" bulyaw kaagad ni Lesie nang makapasok kami sa loob ng aking opisina.Sinabihan ko si Mateo na mamaya na lamang kami mag-uusap."Kung umakto siya parang hindi ka niya iniwanan noon nang walang pasabi. He didn't even apologize sa naudlot niyong kasal."Parang mas galit pa sa akin si Lesie sa tono ng pananalita niya. Pabaling-baling din ito nang lakad sa harapan ko."He said sorry." Naalala ko pa ang huling mensahe na ipinadala niya nang araw bago ang aming kasal.Tinaasan ako ng parehong kilay ni Lesie at umupo sa swivel chair na nasa aking harapan."Talaga?" Hindi ko pa iyon naikwento sa kan'ya."He texted me the day before our supposed wedding."Ibinaling ko ang mga mata sa mga papeles na nasa aking lamesa. Nagkunwari akong may binabasa doon upang makaiwas sa mga susunod pang tanong ni Lesie. Mausisa siya lalo na sa nararamdaman ko kaya sigurado akong hindi siya titigil sa pagtatanong.
"Troy pasensya ka na kay Lesie, nag-aaya ng iba," kaagad kong paghingi ng paumanhin kay Troy nang makasakay kami sa loob ng kotse.Sa aming likod ay ang sasakyan ni Mateo."Okay lang naman. Besides, kilala n'yo naman siya. Siya ba 'yong bagong myembro ng board?"Hindi ko pa naikwekwento sa kan'ya ang tungkol kay Mateo."Oo," tipid kong sagot."Ex-boyfriend at run-away groom ni Sandra. Multo ang lalaking 'yan. Ghoster!" dagdag pa ni Lesie dahilan upang mangunot ang noo ni Troy.Tiningnan ko nang masama ang madaldal kong kaibigan, na nasa shotgun seat. Lumingon siya sa akin at nakakaloko pa'ng ngumiti."Loko pala siya kung gan'on," tila naiinis na sabi ni Troy.Siya na ang palagi namin nakakasama ni Lesie sa halos lahat ng lakad namin sa labas. Masasabi kong kaibigan ko na din siya."Kaya nga lalasingin natin siya." Mariin akong napapikit sa sinabi ni Lesie. Sinasabi ko na nga ba, may masama siyang binabalak kaya isi
Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako kinabukasan dahil sa ikalawang beses na pagbalik ni manang sa tapat ng aking kwarto upang gisingin ako.Hindi niya naman ako kinakatok sa kwarto lalo na sa umaga kung wala siyang kailangan.Papungas-pungas ang matang nagtungo ako sa pinto."Magandang umaga po," bati niya.Nginitian ko siya pabalik.Pakiramdam ko'y lumulutang ako dahil sa kakulangan ng tulog.Matindi talaga ang epekto ng alak sa akin kahit kaunti lang naman ang ininom ko."Nasa labas po si Sir Mateo, may meeting daw po kayo."Nanlaki ang aking mata sa sinabi niya. Tila nawala ang pagkaantok ko."Sigurado po kayo manang?" Alam ko naman na hindi nagagawang magbiro sa akin ng mga kasambahay namin pero hindi ko pa rin maiwasan na magduda sa sinabi niya."Sa katunayan nga po, kanina pa siya nasa ibaba. Sinabi ko po na tulog pa kayo pero maghihintay daw po siya."Tumingin ako sa orasa
"He's late. Kung pinag-usapan na natin ang tungkol sa hacienda sana'y tapos na tayo." Ang reklamong iyon ni Mateo ang nagsilbing background music ni Troy habang humahangos itong tumatakbo palapit sa amin sa may pintuan ng factory.Akala ko'y hindi niya nabasa ang text message ko dahil isang oras na kaming naglilibot ni Mateo sa loob ng pabrika."I'm sorry, I'm late," he apologized as he was only looking at me.Kung tutuusin ay hindi niya naman kailangang humingi ng tawad dahil ako itong humihingi ng pabor na handa niya naman sakyan."Let's start then, para makapag-usap na kami Cassandra," sabat ni Mateo sa amin.Hindi siya pinansin ni Troy at inakbayan ako papasok ng pabrika.Mabilis siyang maglakad na animo'y sinasadya talagang iwan si Mateo.Tumigil kami sa sanitation area upang magbihis at maglagay ng net sa buhok at gloves naman sa kamay."Wait, ayusin ko lang 'to," ani Troy habang pinapasok sa loob ng hair net ang ilang hi
It was a rainy Sunday when Mateo came into our house.Si Manang ang nagbukas ng gate para makapasok siya, subalit sa hamba pa lang ng aming pintuan ay hinarangan na siya ni tatay."Ano'ng ginagawa mo dito?" Sa tinig ni tatay ay alam kong galit ito.Pumagitna ako sa kanila."Nandito po ako para sunduin si Sandra," magalang na pagkakasabi ni Mateo."Bakit?" Bago pa man makasagot si Mateo ay bumaling na sa akin si tatay nang hawakan ko ang braso niya."Nakipagbalikan ka ba dito? Sasaktan ka lang nito ulit." Kung makapagsalita ang aking ama ay parang wala sa aming harapan si Mateo.Hindi ko rin naman siya masisisi dahil totoong nasaktan ako.Itinago ko iyon sa mga tao maging kay tatay. Hindi niya ako tinanong o kinumusta man lang tungkol sa nangyari kaya buong akala ko ay hindi siya nag-alala sa akin. But seeing him get mad at the man who hurt her daughter gives me so much comfort. Pakiramdam ko'y wala nang sinuman ang makakapanaki